Chapter thirty nine

980 18 3
                                    

"Wow naman! Nagluto ka ng breakfast?" Napabangon ako sa kama ng gisingin ako ni Kijan para daw kumain kami ng sabay sa hinanda niyang agahan. Ang lapag ng ngiti ko nnilip ko ang tray na nakapatong sa may side table malapit saakin. Nawala ang ngiti sa labi ko at napabusangot sabay tingin ng masama sakanya. "Ito yung luto ko eh!" Singhal ko sabay palo sa braso niya.

Tumatawa lang siya habang nakatingin saakin. Tsk, ano pa nga bang maasahan ko sakanya pagdating sa pagluluto. Hay. "Ininit ko naman yan." Tumatawang sabi niya. Aba't parang obligado ko pang pasalamatan siya dahil ininit niya yung sopas.

Nagkunwarian akong tumawa sa harap niya. "HA-HA-HA. Salamat ah." Sabay irap ko sakanya at kinuha na ang isang mangkok pero natigilan ako ng makita ko ang cellphone ko na nakalapag malapit lang din tray.

Pa-paano napunta ito dito?

"Nakita ko ang cellphone mo sa loob ng walk in closet ko malapit sa baba ng shoe closet." Nailapag kong muli ang mangkok sa tray at napatingin kay Kijan.

Alam na kaya niyang nakita ko ang hidden room niya? Pero bakit wala naman akong nakikitang pagbabago sa expression ng mukha niya? Nagkunwarian akong napakamot sa ulo ko. "Hinahanap ko din ito kagabi eh. Naiwan ko ata pagkatapos naming mag usap ni Valie." Katwiran ko.

Umupo at tumabi saakin si Kijan sabay kinuha ang isang mangkok mula sa pagkakalapag nun sa side table. "Baka nga. Nagiging makakalimutin kana talaga." Sabi niya bago ako subuan ng kutsyarang may lamang sopas. Nakahinga ako ng malalim dahil ganun lang ang isinagot niya saakin.

Hindi niya nga siguro nalaman na alam ko na. Mabuti naman.. "Mamaya pag uwi mo galing sa trabaho mo, paglulutuan kita. Anong gusto mo?" Nakangiting tanong ko sakanya. Iyon naman kasi talaga ang plano kong gawin una palang.

Kahit na hindi pa kami kasal, gusto kong magpakaasawa sakanya. Tutal, pareho lang naman kami ng kinakainan, tinutulugan. Sa iisang bubong lang kami nakatira. Kaya para narin kaming mag asawa dahil sa sobrang komportable namin sa isa't isa to the point na kaya ko ng umutot sa harap niya at mangulangot sabay pahid sakanya.

"Kahit ano nalang ang gusto mong lutuin mamayang gabi." Sagot niya at pinasubo ulit ako ng kutsyarang may lamang sopas. "Bakit nga pala ang aga mong mag set ng alarm? May gagawin kaba kaninang umaga?" Pagpapatuloy niyang tanong saakin.

Shet, oo nga pala! Maaga akong nagising ng dahil sa cellphone ko na dapat hahanapin ko kanina sa loob ng walk in closet niya. Malakas kasi ang kutob kong nasa loob ng hidden room niya iyon. Ano na naman bang sasabihin kong dahilan?

Hindi ako nakasagot sakanya dahil nakakakunsensyang mag sisinungaling pa sakanya. But then again, "Magluluto sana ako ng breakfast para pag gising mo maka kain ka kaagad." I lied.

Ngumiti siya dahilan para sumilay ang dimples niya sa magkabilang pisngi. "Sabi na nga ba eh," At ginulo niya ang buhok ko. "Hindi mo naman kailangan gumising parati ng maaga para lang paghandaan ako. I can do that--we can do that." Nakangiti niyang sagot.

Nakokonsensya ako. Hindi ako sanay mag sinungaling, lalong lalo na sakanya. Parati akong open kahit nga ang mga walang ka kwenta kwentang bagay at ang araw araw na ngyayari saakin, kinukwento ko sakanya. Pero sa sitwasyon ko ngayon, pakiramdam ko na parang nililimitahan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko dahil natatakot ako na bigla ko nalang masabi sakanya ang sikreto niya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung biglang lumayo ang loob namin sa isa't isa at 'yon ang hindi ko hahayaang mangyari.

Tumango tango ako at ngumiti. "Yes, Love! Sabay na nating gagawin ang lahat."


Pagkatapos naming kumain dalawa, nag ready narin sa pag pasok ng trabaho si Kijan. Ako ulit ang namili ng coat, sapatos, tie at relos na susuotin niya ngayong araw. Inalis ko nalang sa isipin ko na mayroong hidden room sa likod ng shoe closet niya at pinagpatuloy nalang ang pamimili ng damit.

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon