JANUARY 2018
Nagising akong sobrang gaan ng pakiramdam ko at kahit sa pag unat ay hindi parin natanggal ang ngiti ko habang nakapikit pa ang dalawang mata. Ah, ang sarap! Ngayon ko lang ulit naramdaman yung ganito ka-gaan at ka-sarap gumising sa umaga. Yung wala ka ng inaalala pag gising mo yung para bang solve na lahat ng problema mo. Hindi ko na nararamdaman yung malaking batong pasan pasan ko sa likod ko at para bang tuwing gigising ako may magandang bubungad sa pag gising ko at excited na excited ako sa mga araw na darating.
Ayoko ng mawala pa ang pakiramdam kong ito dahil kung tutuusin ito ang pinaka magandang ngyayari saakin tuwing umaga.
Sino ba namang hindi matutuwa na sa tuwing imumulat mo ang mga mata mo, ang taong mahal mo agad ang bubungad sayo?
Nakalipas na ang isang buwan mag mula ng pagdating namin sa Manila matapos ng out-of-town trip namin mag babarkada kasama sila Mommy at Kijan. Ang buong akala ko nga pagkauwi namin sa Manila, balik na ulit sa reyalidad. Madalang ulit kami mag usap magkakaibigan at kung magkita, kulang kulang. Akala ko babalik na ulit si Mommy sa pagiging strikto niya at pagiging busy sa trabaho.
Pero nagkamali ako. Lahat lang pala 'yon akala ko lang. Simula ng out-of-town trip na 'yon, lahat nag bago. Para lang ulit kaming magbabarkada nung mga highschool days and college days. Napapadalas ang pagkikita at hindi nawawalan ng komunikasyon sa isa't isa. Si Mommy, busy padin naman siya sa trabaho niya pero hindi na siya naging strikto saakin. Hindi na kagaya ni Lola pagdating sa pagiging perfectionist. Sa paningin ko ngayon, para na siyang isang typical na Ina. Kagaya lang ng mga ibang Nanay na nag bibigay atensyon sa mga Anak nila kahit na matanda na ako at hindi na kailangan ng gabay pero para kay Mommy, kailangan padin.
Hindi ko ba alam. Kung kailan tumanda na ako, saka ko lang naramdaman na may Nanay pala akong nandyan para saakin. Ngayun ko lang kasi nakita kay Mommy 'yon. Isinasantabi niya na ngayon ang trabaho niya para saakin. Kapag sunday, It's family day. Nakakalabas kami ni Mommy ng kaming dalawa lang. Kumakain sa labas, nanonood ng sine at ngayon ko lang nalaman na kaparehong kapareho ko pala si Mommy pagdating sa pag sho-shopping. Sabagay, kanino ba naman ako mag mamana? Syempre sakanya.
Minsan pinapasama ni Mommy si Kijan at lumalabas kaming tatlo. Hindi naman ganon kahirap sumingit sa oras ng isang sikat, mayaman, at napaka daming ari-arian sa mundo, ano? Ang lakas ko kaya sakanya! Lalo na kay Mommy. Hindi talaga siya makakatanggi kapag inaaya siya. Mas malapit pa nga sila sa isa't isa at kung magbulungan akala mo mag jowa. Minsan nga gusto ko nalang silang iwan dalawa dahil sa paglakad nauuna sila at nasa likuran lang nila ako. Ang dating naging instant alalay slash body guard pa nila akong dalawa.
Pero, okay narin. At the end of the day kami namang dalawa ni Kijan ang magkasama at magkausap. Mas gusto daw kasing kilalanin ni Mommy si Kijan bago niya ako ibigay. Odiba, parang humahanap lang ng mag aampon saakin? Syaka hindi naman ako yung dinudumog kapag may nakakakilala kay Kijan kundi si Mommy. Well, sikat lang naman ang boyfriend ko at maraming umiidolo sakanya. So proud of my bebe love talaga!
"Ang aga aga ngumingiti ka dyan." Napadilat ako ng mga mata ko at ibinaba ang mga kamay kong inuunat ko kanina. Nakita ko si Kijan na siyang kakapasok lang ng kwarto habang naghahanda na para pumasok sa trabaho.
Napabalikwas naman ako sa kama at napatindin sa alarm clock. Omygosh! 10 am na! "Bakit hindi mo ako ginising?" Natataranta kong tanong habang bumaba ng kama at nag susuot ng slippers.
"Humihilik ka pa kanina eh. Masyado yata kitang napagod kagabi." Nakita ko na naman ang ngiti niyang nakakaloko habang inaayos ang necktie niya. Bwiset talaga 'tong lalakeng 'to!
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...