DECEMBER 2018
Nanatili akong nakatingin sakanya ng hindi kinukurap kurap ang aking mga mata. Dahil sa pagka-gulat hindi pagka-mangha. Unti unti kong inuwajg ang mga labi ko pinikit ang mga mata ko saka binuksan. Pero hindi nga talaga ako nanaginip.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Dace ng may halong pagtataka.
Kahit man lang tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginawa. Isinuot lang niya ang headphones niya saka naghalukipkip at tumungo bago para matulog.
Lumingon akong muli at nakita kong gising itong dalawag 'to sa likod ko. Na para bang nakikiisyoso sa kung anong ngyayari dito sa harapan. Pero ng makita nila ako agad silang nag si balikan sa ginagawa nila. Si Mommy bumalik sa 'pagkakatulog' niya at si Yaya Elen naman muling nanonood ng mga downloaded niyang Asian Dramas sa cellphone.
Bumalik akong muli sa pag kakaupo ko at tinignan si Dace mula ulo hanggang paa. Totoo ba talaga itong mga ngyayari ngayon? Talagang hindi ako makapaniwala.
Si Dace ba talaga 'to?
Baka imahinasyon ko lang siya. Pwe, bakit ko naman iisipin na katabi ko siya eh hindi nga siya sumagi sa isip ko, aber?
Bakit parang ang tigas naman nitong hinahawakan ko? Pero ang sarap sarap kurutin..
Nawala ako sa pag iisip ng dumilat ang mga mata niya at diretsyong tumingin sa kaliwang braso niya. Napatingin din ako doon at gulat nalang akong makitang nakapisil na pala ang kamay ko sa nagmumura niyang biceps.
Oh, shocks! Mabilis kong binitawan ang braso niya at napa peace sign sa harapan niya. "Sorry." Nasabi ko nalang at ngumiti ng sobrang lapad pero sa totoo lang gusto ng mag pa lamon sa lupa.
"That's my seat." Parehas kaming napatingin sa lalakeng nag salita portraying sa upuan na inuupuan ni Dace.
Halos mapatayo ako sa kinauupuan ko ng makita ko si Kijan na siyang nakatayo at nakapamulsa habang ang sama ng tingin kay Dace na tamang upo lang at nakahalukipkip pa ang mga kamay habang may suot suot na headphones na satingin ko ay wala naman talagang music.
Walang salita ang lumabas sa bibig kundi ngisi ang naging sagot niya. Inalis niya na ang headphones niya sa ulo at ikinawit sa leeg.
"Baka naman dito ka sa unahan." Nakangising sabi niya at sinipa ng mahina ang upuan na nasa harapan namin.
"Edi dyan ka umupo." Sagot ni Kijan sakanya at hinawakan na ang dala niyang isang buggage bag para ilagay sa open overhead compartment.
Wala akong masabi sa ngayong nakikita ko. Hindi pa ako maka-react dahil para bang nag lo-loading pa ang utak ko.
Pero shet, nandito si Dace at Kijan sa harapan ko!
Is this really happening?
Pinagpagpagpag ni Kijan ang mga kamay niya matapos niyang ilagay ang bag niya sa over head compartment saka tumingin kay Dace at pinamulsa ang mga kamay niya.
"Alis na." Utos ni Kijan kay Dace pero umiling ito.
"Ikaw ang umalis." Isusuot niya na sana ulit ang headphones sa tainga niya ng biglang kuhain ito ni Kijan at basta nalang ibinato sa lapag.
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...