I was woken up by the warmth of the sun rays on my face. Tumayo ako mula sa pag kakahiga ko sa kama at hinawi ang kurtina sa bintana.
February has started. Lumakad ako papunta ng balcony at sinalubong ako ng haring araw. Hindi ito mahapdi sa balat at tama lang ang init na hatid nito saakin. Napapikit ako at dinama ang unti unti kong pag uunat.
"Good morning, Mikee!" Narinig kong masayang bati saakin ng tao sa ibaba.
Minulat ko ang mga mata ko. Ang nakataas kong mga kamay sa ere ay agad na lumapag sa railings ng aking balcony. Dumungaw ako at nakita si Yaya Elen.
Dinidiligan niya ang mga halaman na nasa bakuran tulad ng parati niyang ginagawa tuwing umaga. Maaga pa nga talaga siguro para maabutan ko ng ganitong oras si Yaya Elen sa bakuran?
Bumati rin ako sakanya at pagkatapos ay nag punta na sa banyo para gawin ang aking daily routine.
Pagkatapos, bumaba na ako at naabutan ko si Mommy na kumakain ng kaniyang almusal sa dinning area. "Good morning, honey." Bati niya saakin.
Bumati rin ako at hinalikan siya sakanyang pisngi. "Sabayan mo na ako." Aya niya.
Uupo palang ako sa tabi niya ng biglang tumunog ang cellphone niya kaya't tumayo siya at nag excuse para sagutin ang tawag na iyon.
Ibinaling ko nalang ulit ang tingin ko sa hapag at pinasadahan isa isa ang mga naka hain. Wow, this is my favorite breakfast! Waffles top with strawberry and whipped cream. There are some sausages and fried rice too.
Sakto at dumating si Yaya Elen. "Ya, thank you for cooking this! Alam mo talaga ang mag papaganda sa umaga ko." Nakangiting sabi ko sakanya.
Umiling iling si Yaya. "Nako, Mikee. Hindi ako ang nagluto niyan. Ang Mommy mo ang nagluto dahil marami daw siyang time ngayung umaga." Ani Yaya Elen at lumapit saakin.
"Masarap ba ang luto ng Mommy mo?" Tanong niya at nilagay ang kamay sa hamba ng upuan habang nakatingin sa lamesa.
Talaga? Niluto ni Mommy ito all by herself? Hindi kasi hilig ni Mommy ang pagluluto kaya nakakagulat na malamang niluto niya 'to ang lahat ng 'to. Sumilay ang ngiti sa labi ko, thinking that my Mom can do this kind of things.
Dumating na si Mommy at nag mamadaling kinuha ang bag niya. "Wait, my. Why?"
"They need me to the hospital. I'll go now, honey." Paalam niya. As always. She kissed me on my cheeks stroke her fingers through my hair. "Go eat your breakfast." Dagdag niya at umalis na.
Ang akala ko pa naman, she'll spend her time with me this morning like mother and daughter--thing. Napabuntong hininga ako tinignan muli ang mga pagkain sa lamesa. Presentable at mukhang masarap ang lahat ng ito...
Bumaling ang tingin ko kay Yaya Elen na nasa tabi ko. "Ya, sabayan mo nalang ako." Aya ko sakanya.
After kong kumain at maligo, nag ready na akong pumasok sa school. Dalawa lang ang subject ko today. Pagkarating ng school, as I expected sinalubong na ako ni Valie sa hirit na gusto na naman niyang mag billiards mamaya.
"Na naman?" Hirit ko sakanya. Ang babaeng ito talaga! Parang wala sa bukabularyo ang salitang, kalma?
Bigla naman bumusangot. "Hoy ang tagal tagal na nun ah!" Singhal niya saakin. "Ano? Tara? Mamaya?" Sabay tawa niya. Sabagay she has a point. First time 'yon.
Pumasok na kami sa sari-sariling klase namin. "Happy birth month, Mikee!" Nakingiting bungad saakin ni Brian, kaklase ko sa isang subject.
"Next naman na bati ko sayo, Happy Birthday!" He said cheerfully.
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...