Pag mulat ng mga mata ko itim lang ang nakikita ko. Sobrang blangko. Wala halos ni isang liwanag akong nakikita. Kinapakapa ko ang kama at naupo habang palinga linga ng tingin sa paligid. Tatayo na sana ako sa higaan ng maramdaman ko ang pagkirot ng paa ko.
Pinilit ko ang sarili kong tumayo kahit na wala akong makita. Ika-ika kung maglakad habang pinipilit kong palinawin ang mga mata ko pero bigla nalang akong napa-bagsak sa sahig dahil sa pag tama ng paa kong may benda sa may upuan kaya kumirot iyon sa sakit.
"Mikee!" Bumukas ang pinto pati ang ilaw at dahil doon, nakakita na ako ng liwanag. Tumakbo papalapit saakin si Yaya Elen na may hawak hawak na tray. Inilapag niya iyon sa may kama ko at inalalayan niya na akong tumayo papunta sa kama. "Pasenya na't hindi ko na naman naiwanang bukas ang lamp shade mo." Sabi ni Yaya Elen ng maiupo niya na ako sa kama.
"Okay lang, Ya. Pupunta sana ako ng CR." Sagot ko.
Hinawakan niya ang paa ko para alalayan ulit ako sa pagtayo at pumunta na kami ng CR. "Pagkatapos ay kumain ka ng lugaw." Bilin niya. Ngumiti lang ako at pumasok na sa loob ng CR.
Umaga na pala. Naalala kong natulog ako after kong isara lahat ng bintana at mga kurtina sa kwarto ko. After kong kumain ng inihandang lugaw para saakin ni Yaya Elen, dumating ang isang Nurse na kahapon sinabi ni Mr. Filloso. Jusko, totoo nga talaga! Akala ko nag jo-joke lang siya! Sabagay, it takes 10 years ata para ma-develop ang pagkakaroon niya ng sense of humor. Pinapasok siya ni Yaya Elen sa loob ng kwarto ko.
Naupo ako sa kama ko at lumapit siya saakin. "Hi Miss Hauser, I'm Kristine Rosana and I will be your personal nurse for the past few days." Pagpapakilala niya sakanyang sarili habang nakangiti. Tumango lang ako at nag punta na siya sa may bandang paanan ko para i-check iyon. "Pinagpahinga niyo po ba ang paa niyo at hindi kayo masyadong naglalakad?" Tanong niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Panay nga ako lakad dahil hindi ako mapakali sa higaan ko.
Tumango ako bilang sagot. Kinuha niya sa brief case na dala dala niya at binuksan ng maipatong niya na ito sa kama niya. Isang color blue ang inilabas niya na satingin ko ay ice pack. Tinanggal niya muna ang benda ko at marahan na inilapat sa paa ko.
"It helps to keep down the swelling at kapag maglalagay po kayo huwag niyo pong ilagay directly to the skin. Use a thin piece of cloth such as a pillow case or cold compression at huwag patagalin ang yelo na higit sa 20 minutes at a time to avoid frost bite." Sabi niya habang pinatili iyon saglit sa paa ko. May kinuha siyang parang gamot sa loob ng brief case na dala dala niya. "These are for pain killers, Miss Hauser." Sabi niya at inilagay ang gamot sa may side table ko.
Wala akong masabi kahit na ano kundi tango lang sa bawat directions na sinasabi niya. Tumayo na siya sa pag kakaupo niya sa kama. Inayos at isinarado niya na ang brief case na dala niya.
"Wait lang, nurse." Lumapit si Yaya Elen saamin. "Ilang araw iyan bago gumaling?" Tanong niya. Tinignan naman ulit ng nurse ang paa ko.
"It depends on the extent of the injury. It takes 5 days to 12 weeks for a sprained ankle to heal." Sabi niya na talagang nag panganga saakin at nanlaki ang mga mata ko. Ano?! Hindi na ako makakalakad?! 84 days akong naka tengga sa bahay?!
"Jusko, 12 weeks?!" Halos mahimatay din si Yaya Elen sa naging sagot ng nurse. Agad pumasok sa isip ko yung lalake kagabi. Dahil sakanya 'to eh! Pag babayaran niya talaga 'to!
"But with Miss Hauser's case, It takes only one week po Ma'am for it to heal." Sagot ng nurse ng may ngiti sa labi. Nakahinga naman kaming dalawa ni Yaya Elen. Buti naman dahil wala akong gagawin dito sa loob ng 84 days!
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...