Chapter thirty two

1K 14 0
                                    

SEPTEMBER 2015


"Sobrang naloloka na ako sa ngyayari ah!" Hindi makapani-paniwalang tonong sabi ni Val at napahawak nalang sa sintido niya. "Ano ng gagawin mo ngayon?" Tumingin siya saakin at kita ko sa mukha niya ang pag aalala.

"Ewan ko. Gusto talaga ni Lolo na tuluyan akong sumunod sa lahat ng pinaplano niya." Pang hihinayang na sabi ko. Kahit naman anong gawin ko pang pag tutol sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw, alam kong walang makakapag pigil kay Lolo.

Dumiretsyo ako ng punta kila Valie. I need my bestfriend right now dahil para na akong masisiraan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung kanino pa ako tatakbo. Siya lang ang agad na pumasok sa isip ko kaya naman nag diretsyo na ako dito.

"Jusko, Mikee! Hindi ka pwedeng magpakasal, noh! Ang bata mo pa syaka hindi ka naman pwedeng matali nalang." Siya pa ang mismo ang namomoroblema sa kinahaharapan ko ngayon.

Wala rin naman kasing pumapasok sa isipan ko na pwedeng solusyon kung pa-paano matigilan sa kahibangan ang Lolo ko. Hindi ko ba alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya at sa bawat mag uusap kami ay may hatid siyang malaking pasabog. Hindi naman ganun ang Lolo ko dati. Sadyang nagbago lang bigla ang ihip ng hangin at naging ganun siya.

"Hindi ako mag papakasal. Makakahanap din ako ng solusyon." Sagot ko habang nakatingin sa sahig at nilalaro laro ang daliri ko. Pilit akong nag iisip ng pu-pwedeng gawin pero walang ibang mapasok kundi ang mukha ni Kijan kanina ng magkita kami sa Restaurant.


Nang makita ko siya, para lang akong isang ordinaryong tao na nakakasalubong niya sa bawat araw na dumadaan. Hindi niya ako binigyan ng tingin na para bang nagulat siya dahil limang buwan din kaming hindi nag kita. Limang buwan din kaming walang koneksyon sa isa't isa. Diretsyo nga ang tingin nito sa mga mata ko pero lumakad lang siya at nilagpasan na parang hindi ako kilala.

Hindi dapat ako nasaktan. Kasi ako naman ang huling bumitaw diba.

Napaisip nalang ako kung paano kaya kung mas tinagalan ko ang kapit sakanya at hindi siya sinukuan? Maaayos padin kaya kami? O talagang hindi naman kami para sa isa't isa kaya binigyan na ako ng Universe ng ilang dahilan para tuluyan ng kalimutan siya.


"Subukan kaya natin humingi ng tulong kay Kijan?" Nawala ako sa pag iisip ng marinig ko ang sinabi ni Val kaya naibaling ko ang tingin ko sakanya.

"Ha?"

"Malakas ang kapit niya. Baka matulungan ka niya." Suggest ni Val. Alam kong namomroblema din siya pero, si Kijan pa talaga? Eh nag mistulang patay na nga ako sakanya.

Umiling ako. "Hindi na. Baka mapapakiusapan ko pa sila Lolo." Alam kong imposibleng mapapayag ko si Lolo na itigil ang kung ano anong tumatakbo sa isipan niya pero gagawin ko ang lahat para lang hindi ako makasal kay Duke.





Nag stay muna ako sa bahay ni Valie at nag aya akong uminom kasama siya. Inalis ko muna ang lahat ng problemang kinakaharap ko ngayon at nakipag chikahan like normal days with my bestfriend. Nakakamiss din makipag baliwan sa babaeng 'to. Magmula kasi ng magpasukan, hindi ko na sila ganun kadalas makasama lalo na itong si Val dahil nga sa sineseryoso na daw niya ang pag aaral dahil ayaw niyang matulad saakin. Odiba, salbahe? Kaya sobrang clingy ko ngayon sakanya.


In the end, umiyak din ako dala ng kalasingan o dala ng sakit ng nararamdaman? In-open ko sakanya na accidentally kong nakita si Kijan sa sobrang pangit pagkakataon.

Bakit kasi kailangan ngayon pa? Bakit ngayon ko pa siya makikita?














"You are enough, a thousand times enough.." Naramdaman ko ang pagyakap saakin ni Valie kaya napahagulgol ako sa harapan niya habang yakap yakap niya.

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon