Chapter forty six

849 14 1
                                    

Mag hahapunan na pero hindi padin ako umaalis sa kinauupuan ko dito sa pool area habang nakalublob ang mga paa ko sa tubig. Nakatingala lang ako sa kawalan habang dinadama dama ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko. Pati narin ang mga kuliglig na naririnig ko.

Kahit napaka daming bituin ngayon ang nasa langit at maganda ang naging panahon ngayong araw, hindi naging magaan ang pakiramdam ko. Para bang may nakapasan saaking malaking bato na kahit anong pilit kong pag angat, patuloy akong binababa nito. Wala na akong ibang ginawa kundi ang bumuntong hininga. Lumalabo ang mga mata ko dahil sa luha sa tuwing nararamdaman ko ang pag kirot ng puso ko.

Once in a blue moon lang mangyari 'to sa buong buhay ko. Ang mag sama sama kaming mag kaibigan kasama sila Mommy. Ngayung tumatanda na kami at nag kakaroon na ng sari-sariling pamilya at trabaho, mahirap ng maulit uli ang out-of-town trip na 'to. Yung kumpleto kaming lahat. Kaya kinakailangan sulitin ang bawat oras—mali. Ang bawat segundo nito.

Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mga mata ko. Bwiset na luha 'to! Ang kulit! Sinabing ayokong umiyak, eh! Dahil sobrang nahihirapan ako sa tuwing umiiyak ako. Walang tigil ang mga luha ko. Ang hirap huminga ng maayos. Ngayon ko lang kasi naramdaman 'to. Yung sobrang wasak. To the point na wala na akong mapaglagyan ng sakit at lungkot.

Ayoko ng lokohin pa ang sarili ko. Gusto ko ng maging tapat sa kung ano ang nararamdaman ko. Ayoko ng mag kunwari na hindi ko siya gusto, na hindi ko siya mahal, na gusto kong umalis na siya sa buhay ko.

Naging malaki ang galit ko sakanya pero hindi ko inakalang, natabunan na ng galit ang totoong nararamdaman ko para sakanya. Tama si Mommy, kung nakatingin lang ako sa kahapon, hindi ko na makikita yung ngayon..

Paano na ako bukas?

Ibinaba ko ang tingin ko sa tubig at ipinikit ang mga mata ko kasabay nun ang pag pasok sa isip ko ng makita ko si Adlee at Kijan na mag kahalik sa kama. Nakapaibabaw si Adlee kay Kijan habang nakahawak naman si Kijan sa likod ni Adlee.

Walang tigil ang pag tulo ng luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil para bang sinasaksak ito ng paulit ulit. Inalis ko ang mga paa kong nakalublob sa tubig at niyakap ang mga tuhod ko habang umiiyak.



**

Kasalukuyan na akong nag lalakad pabalik ng Villa namin. Nag palipas lang muna ako ng oras sa pool kanina para mag isip-isip. Hindi ko rin alam kung anong oras na at baka hinahanap na nila ako kaya kailangan ko ng bumalik.

Habang nag lalakad, pinilit kong igaan ang pakiramdam ko para naman pag humarap ako sakanila hindi halatang galing sa iyak at walang lungkot na dinadala. Nag iisip narin ako ng idadahilan ko dahil malamang kwe-kwestyunin ako ng mga 'yon.

Ano bang sasabihin kong dahilan? Eh wala namang lumiligtas na palusot sa mga 'yon lalong lalo na kila Valie. Marami pa silang tatanungin hanggang sa mapasabi ka nalang ng totoo.

Bahala na nga!

Nang malapit na ako sa Villa namin, isinuot ko na ang pekeng ngiti ko at inayos ang itsura ko. Nag pakawala ako ng pag hinga saka itinuloy ang lakad ko. Pero agad din natigilan ng makita ko si Kijan na siyang nakatayo sa tapat ng puno sa di kalayuan na para bang may hinihintay.

Muli ko na namang naalala ang nakita ko kanina sa kwarto. Napayukom ang kamay ko at sinuntok suntok ang dibdib ko ng mahina. Ano kaba, puso? Makisama ka naman. Ayokong mag mukhang mahina sa harapan niya..

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon