JANUARY 2018
"Valie, sumagot na ba sa'yo?" Napalingon ako sa likuran ko ng tanungin ako ni Tita Nydia. Ang Mommy ni Mikee.
Umiling ako at ibinaba ang cellphone. "Hindi parin po, eh." Sagot ko ng puno ng pag aalala.
"Kahit si Kijan ay hindi rin sumasagot." Tugon niya at napahawak nalang ito sakanyang noo. "Nag aalala na ako.." Nang hihinang sabi nito.
Lumapit ako kay Tita at hinawakan ang balikat niya. "Maupo na muna kayo. Baka padating nadin po sila." Kalmadong sabi ko at pinaupo muna si Tita sa sofa dahil kanina pa siya hindi mapakali. Palakad lakad at sobrang balisa.
Kahit na may kutob akong may hindi magandang mangyayari, ayokong palawakin pa ang mga pumapasok sa isip ko. Inaalis ko nalang ang mga ideyang iyon. Hindi ako dapat mag isip ng mga ganung klaseng bagay lalong lalo na sa ganitong klaseng espesyal na araw.
Isang linggo na ang nakakalipas magmula ng sabihan kami ni Kijan tungkol sa plano niya sa araw na ito, January 27, 2018. Ang araw kung saan aayain niya ng mag pakasal si Mikee sa harap naming naging saksi sa pagmamahalan nilang dalawa. Iyon din daw kasi ang araw kung kailan sila nagkakilala at nagkausap sa Club ni Mikee kaya ito ang napili niyang araw.
Mahirap mag panggap sa harap ni Mikee na may alam kami patungkol dito. Lalong lalo na kapag kasama namin siya at napadalas pa ang pagsasama sama namin dahil Bridesmaid kami ni Shin sa magiging kasal nila ni Polo.
Kaya lahat kami ay nandito sa Garden ng bahay nila Mikee para sa surpresang inihanda ni Kijan para sakanya. Kaya lang, hanggang ngayon walang sumasagot ni isa sakanila. Ang sabi saamin ni Kijan, alas otso ng gabi ay tatawagan niya kami at 'yon ang hudyat na pauwi na sila. Ang huling text niya lang saakin ay nag ayang mag punta si Mikee sa Park. Makalipas ng ilang oras ay hindi na siya muling nag text pa saakin. Alas dose na ng hating gabi pero hanggang ngayon ay hindi parin sila dumadating kaya sobra na kaming nag aalala.
"May sinabi ba si Kijan na specific place kung saan sila nag punta ni Mikee?" Aligagang tanong saakin ni Alvin.
"Wala." Umiiling kong sabi.
"Magagawa nating ipa-track ang cellphone niya." Komento ni Mr. Filloso. Sumangayon naman kami at hinugot niya na ang cellphone niya sa bulsa at nag simulang tumawag. Ipina-track niya ang cellphone ni Kijan habang kami ay hindi padin mapakali.
Nasaan na kaya sila?
Matapos makipag usap ni Mr. Filloso sa telepono, sinabi niyang ilang minuto lang muna ang kinakailangang hintayin para ma-track ang cellphone ni Kijan. Kahit na ilang minuto lang ang hihintayin ay hindi padin mawala ang kabang nararamdaman namin. Ito lang daw ang kauna-unahang hindi sumagot si Kijan sa mga tawag lalong lalo na't alam niyang maraming nag hihintay sakanila ni Mikee. Hindi naman ito nakapatay dahil kapag tumatawag kami ay walang tigil itong nag ri-ring pero hindi sinasagot gaya din ng kay Mikee.
"Oh, Diyos ko.. Sana naman ay walang ngyari sakanilang masama.." Narinig kong panalangin ni Yaya Elen.
"Gano ba katagal ang ilang minuto nila?" Kahit si Tita Nydia ay nawawalan narin ng pasensya. Lumapit si Yiko sakanya at hinimas ang balikat nito.
"Tita, kalma lang po kayo. Saglit nalang po iyon." Naka kunot noo padin siya at hindi mapakali ang sarili.
Maya maya lang ay tumunog na ang cellphone ni Mr. Filloso at agad niya itong tinignan. Puno parin ng kaba ang nararamdaman ko lalo na ng makita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Mr. Filloso ng buksan niya ang cellphone niya.
"Anong.." Nahinto ito sa pagsasalita at dahang dahang tumingin saamin. "Anong ginagawa nila sa Hospital?" Panandalian kaming hindi nakapag salita at may tanong na naiwan din sa aming isipan ng sabihin iyon ni Mr. Filloso.
BINABASA MO ANG
Last Rose
Любовные романыMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...