NOVEMBER 2015
Mahigit tatlong araw akong nakahiga sa hospital bed. Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa mga sugat na natamo ko pati narin sa tahi ko sa hita at sa dibdib dala ng naging tama saakin ng bala mula sa aksidente.
Nagising nalang akong nasa hospital ako kasama ang mga taong nag aalala at nag mamahal saakin. Walang may alam kung sino ang nag dala saakin dito. Ang kwento saakin ni Mommy madaling araw na ng makatanggap siya ng tawag mula sa hospital at pinapapunta siya rito dahil sa sinugod akong 50/50 na ang buhay. May isang lalake daw ang tumawag at pinapunta sa lugar kung nasaan ako. Pagkatapos nun, hindi na nila ma-contact ang lalakeng tumawag sakanila. Walang din nakakakilala sa boses nito kaya hindi mapagalaman kung sino siya.
Ang huli kong pag kakaalala, nakahandusay ako sa damuhan at hindi na umaasang mabubuhay pa dahil napaka daming dugo na ang nawala saakin at liblib din ang lugar na 'yon na kahit mag bilang pa ako ng siyam siyam, walang taong darating para sagipin ako.
Sabi pa saakin ni Mommy, nakauwi siya ng ligtas kasama si Kijan. Pero bigla nalang itong nag paalam na tila ba nag mamadali. Hindi daw sinabi ni Kijan kung saan ang punta niya. Hanggang sa lumipas lang ang ilang oras, may tumawag na sakanya at pinapunta siya dito sa hospital.
Pinaintindi saakin ni Mommy ang mga ngyari nang magising ako. Walang tigil ang pag iyak ko habang nag ku-kwento saakin si Mommy. Hindi ko lang kasi lubos maisip na wala na si Lolo, Lola, Duke at Iowa. Natagpuan na silang walang buhay sa Simbahan ng dumating ang mga pulis.
Kinuwento saakin ni Mommy ang nakaraan at kung bakit nag tapos sa isang madugong labanan.
Bata palang matalik ng magkaibigan si Lolo Victor pati si Venedict. Dahil sa pagiging malapit ng magulang nilang dalawa. Taong 1951, dalawampung taong gulang sila nang sabay nilang binuo ang sikretong samahan. Ito ay samahan laban sa Gobyerno. Na silang kumukuha ng pera sa mga mamamayan na kumakayod sa pang araw araw para sakani-kanilang pamilya pero ang Gobyerno ay kinukuhaan lang sila sa bulsa ng walang kaalam alam.
Lumipas ang taon, ngunit nag bago si Venedict. Iyon pala ay dahil nalaman niya na na siya ay anak sa labas. Hindi matanggap ng tatay niyang isa rin kilala at karespe-respetong tao sa industriya ang balitang iyon kaya agad nitong inaksyunan. Dapat ay ipapa dispatya ang Ina nito dahil sa makakasira lang ito sa reputasyon niya.
Napuno ng galit ang nararamdaman ni Venedict ng malaman niya iyon kaya naman inunahan niyang patayin ang Ama nito sa pamamagitan ng pagpapainom ng nakalalasong tsaa.
Nang makita ni Lolo ang ginawang pang lalason ni Venedict sa Ama nito, tila nag bago ang pakikitungo at pagkakaibigan nila na tuluyang nag palayo si Lolo Victor sa kanya. Alam ni Venedict na nakita iyon ni Lolo kaya agad niya itong pinag bantaan.
Makalipas ang labing isang taon, taong 1962. Naging mortal na mag kaaway ang dalawang dating matalik na kaibigan. Napunta ang lahat ng yaman ng Ama ni Venedict sakanya. Napuno ng galit si Lolo dahil hindi nararapat sakanya ang pwestong iyon.
Binantaan ni Venedict si Lolo na sa oras na lumabas ang balitang iyon, mamatay ang kanyang kasintahan at pinaka mamahal na si Cristina. Ngunit inunahan ito ni Lolo. Palihim siyang nag punta sa bahay ng Venedict at balak na sanang patayin na si Venedict ng makita siya ng bunso nitong anak kaya ito ang inuna niya at sinunod ang asawa ni Venedict. Walang halong bakas ang naging pag patay sa mag Ina kaya hindi napakulong ang nag kasalang si Lolo Victor kahit na pinag didiinan ni Venedict na si Lolo Victor ang pumaslang sa mag Ina niya.
Napuno ng galit at pag hihiganti ang ang puso ni Venedict. Hanggang sa dumating ang araw na tuluyan na niyang tinapos ang buhay ng Lolo at Lola ko. Pero hindi padin dapat kami makampanti dahil hindi titigil si Venedict hangga't nalalaman niyang patuloy parin kaming mapayapang namumuhay.
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...