NOVEMBER 2015
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig at pinunasan ang mga luha ko. Napayukom ako sa kamay ko habang nakatingin sa paligid ko. Hindi ako aalis. Walang dahilan para umalis ako at sumunod sa sinasabi ni Kijan. Kahit pa anong pagtataboy ang gawin niya, hinding hindi ako aalis.
Bumalik na ako sa wisyo ko at natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatayo sa harap ng shoe closet niya. I have to face my fear. Kailangan kong gawin 'to para hindi ako matakot kapag tumitingin sakanya. Gusto kong mawala ng ulit ang mga takot sa dibdib ko at ang mga tanong sa isip ko. Ayoko ng mamuhay na nag sisinungaling habang kasama siya. Gusto kong totoo lahat ng bawat salitang lalabas sa bibig ko. Gusto kong mahalin ulit siya ng tapat.
Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pader na nag sisilbing pintuan papasok sa hidden room.
Nanlaki nalang ang mga mata ko ng makita kong walang kalaman laman ni isa gamit ang kwartong ito. Ang mga baril na nakasabit at nasa ayos ay ngayong wala na sa harapan ko.
Pa-paanong nawala ang lahat ng 'yon? Inalis kaagad ni Kijan?
Imposible.
Sa dami nun ay hindi kakayanin ng isang tao mag alis ng lahat non. Syaka saan naman ilalagay ni Kijan 'yon.
May iba pa bang hidden room bukod dito?
Mas marami pa ba akong baril na makikita kung lilibutin ko ang bahay niya?
"Kijan, I'm home!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa labas ng kwarto.
Sinarado ko na ang shoe closet at dali daling lumabas. Hindi ko inaasahan na makita ko si Iowa na siyang nasa salas at nakatayo habang nakahawak ang kamay sa maletang nasa gilid niya.
"Iowa, ikaw pala." Ngiting bati ko at lumakad papalapit sakanya.
"Oh my! Mikee!" Nabigla ako ng bigla niyang binitawan ang maleta niya kaya nalaglag ito sa sahig. Tumakbo siya papalapit saakin at niyakap ako ng mahigpit. "Mikee! I didn't know you were here! Mas namiss pa kita kaysa kay Kijan!" Natutuwang sabi niya habang nakayakap saakin. Pakiramdam kong naiipit ang buong katawan ko dahil sa higpit ng pagkakayakap niya.
Tinapik tapik ko ang likod niya. "Oo, namiss din kita!" Maubo ubo kong sabi habang patuloy sa pag tapik ng likod niya. Feeling ko kinakadena ako ng mga bisig niya eh. "Iowa, baka gusto mo lang naman luwagan yakap mo? Baka lang naman?" Sarkastiko kong dagdag.
"Oh, sorry." Kumawala na siya saakin at para nalang akong hinihingal ng alisin niya ang yakap niya saakin. Tinapik niya ang balikat ko kaya napatingin ako sakanya. "Nag tatampo ako sa'yo! Hindi ka nag pakita saakin ng ilang buwan! Hindi tuloy ako nakapag ba-bye sayo nung pupunta ako ng Los Angeles!" Nag pout pa siya sa harapan ko.
Ngayon ko lang napansin na humaba ang buhok niya. Medyo umitim din siya hindi gaya ng huli naming pagkikita na halos nag go-glow ang balat niya kapag natatamaan ng araw. Bakit kaya siya nangitim? Hindi ba nasa Amerika siya? Dapat mas pumuti siya lalo na parang si The Grudge. Chos! Pinsan nga pala 'to ng lovedabs ko!
"Pasensya kana. Madami kasi kaming alis nung vacation syaka naging busy din ako." Kaechosan.
Halos wala nga akong ginawa buong bakasyon ko. Kahit inaaya akong umalis nila Les, wow mag ka-rhyme. Hindi ako sumasama sakanila. Kahit pa bigyan ako ng pera ni Mommy, tinatamad akong gastusin ang perang 'yon. Mas pinipili ko nalang na sa kwarto ko at magdamag na manood ng mga movies and series. Pagiging matured na ata ang tawag don? Para ngang nawalan na ako ng interes sa pagpunta ng Club. I'd rather watch netflix and sleep than a friday night out.
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...