"Ang sakit.. Ang sakit ng ulo ko.." Nakapikit akong dumadaing habang nakalagay ang palad ko sa noo ko. "Tubig.. Gusto ko ng tubig.." Ang lambot ng kama na 'to at na parang ayaw na akong paalisin dito. Gusto ko nalang mahiga dito buong magdamag!
Naramdaman ko ang malamig na pagdampi sa pisngi ko na satingin ko ay baso. Naupo ako sa kama ng nakapikit na kinuha ang isang basong tubig saka ito inunom ng dire-diretsyo. Ang lamig.. Ang sarap..
"Thank you," ngiting sabi ko bago ulit mahiga sa kama at itinaklob ang comforter sa ulo ko. Matutulog na sana ulit ako ng mapahawak ako sa ulo ko dahil bigla iyong kumirot. Ugh, ang sakit talaga ng ulo ko.. Ilan ba ang nainom ko kagabi at ganito nalang kasakit 'to?
Umupo muna ako sa kama habang hinihilot hilot ang noo ko saka iminulat na ang mga mata ko. Nanibago ako sa ngayong nakikita ko. Parang nag iba ata ang kwarto ko? Parang mas lumaki at luminis?
Ah, baka nilinis ni Yaya Elen.
"Pati pintura nag bago?!" Iginala ko ang mga mata ko at gulat akong makita ang balcony na puno ng mga boteng ubos na't nakatumba sa sahig.
Naramdaman ko na naman ang pananakit ng ulo ko kaya't napahawak ako dun ng mahigpit. Shet, shet, shet! Oo nga pala nag inuman kaming dalawa ni Dace! Hinawakan ko ang comforter ko at itinaas iyon. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ko ng makita kong suot suot ko padin ang damit ko. Tangina, dalawang araw ko ng suot 'to ah? Sininghot singhot ko ang magkabilang kili kili ko sabay napangiwi nalang ng maamoy kong hindi na nga talaga kaaya aya ang ganitong amoy.
Baho ko na.
"Mabuti naman at gising kana." Agad akong napahawak ng mahigpit sa comforter ko ng biglang bumukas ang pintuan at nagsalita si Dace.
"Bakit ba hindi ka kumakatok?!" Reklamo ko sabay duro sakanya.
Ngumingising siyang humalukipkip sabay sumandal sa may pintuan. "Bakit ako kakatok eh kwarto ko 'to?" Napaisip din ako sa sinabi niyang 'yon. Oo nga noh, kwarto niya 'to..
Tinapunan ko siya ng tingin saka muli siyang dinuro. "Aba kahit na, noh! May babae kang pinatulog sa kwarto mo! Dapat lang na kumatok ka parin." Tama.. Tama naman ako ah?
"Nung nagpunta ako dito nakita kong natutulog ka pa eh." Nagpunta siya? Baka nakita niyang nakanganga pa ako! Hays!
Hindi halos ako makatingin ng diretsyo sakanya dahil sa hiya. Ah basta, lahat naman ng tao kapag sobrang lasing, nakanganga eh! "Saan ka ba natulog kagabi?" Tanong ko habang nakatingin sa kisame dahil ayokong mag tama ang mga mata namin.
"Sa tabi mo." HA?! Napatingin ako sakanya ng direkta niya 'yong sabihin. Wala namang nag bago sa itsura niya at parang hindi siya ilang na sabihin yun.
"Magkatabi tayong natulog dalawa?!"
Dahan dahan sinundan ng ulo ko ang pag tango niya. Ibig sabihin ba non, nakita niya nga kung pa paano matulog ang lasing na si Mikee Hauser?!
Minsan ko na kasing nakita kung pa-paano ba ako matulog sa tuwing lasing na lasing talaga ako. Vinideohan ako ng mga ulupong kong kaibigan at grabe talaga ako humilik doon tapos nakanganga pa ako with matching tulo laway pa. Buti na nga lang at hindi pinang black mail saakin 'yon nila Polo pero 'yon ang madalas nilang pang asar saakin. Mga gago. Kaya ayokong matulog sa ibang bahay kapag alam kong mapapadami ang inom ko. Hindi ko lang talaga namalayan na nakatulog na pala ako at ngayon nandito ako sa kwarto ng mokong na 'to.
BINABASA MO ANG
Last Rose
Storie d'amoreMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...