Nakatingin lang ako sa bintana at tinatanaw ang binabaybay naming kalsada pauwi ng Manila. Pauwi na kami ngayon at halos lahat sila, tulog. Mga pagod sa naging bakasyon namin at pag diriwang ng birthday ko.
Masaya ang mga nakalipas na araw. Gugustuhin kong balik-balikan ang mga pangyayari dahil sariwang sariwa pa ito sa isipan ko.
Isang bagay lang ang gusto kong ialis sa isip ko. Sa tuwing naalala ko, malaking parte sa puso ko ang agad na kumikirot.
Nag bonfire kaming mag babarkada sa huling gabi kasama sila Kijan habang nagkakantahan. Anong oras narin ng nag kaayaan ng matulog. As usual, bagsak din ang lahat dahil sa naganap na inuman kaya't van ngayon ang nagawang pahingangan.
Kawawa nga si Les dahil siya ang nag da-drive ngayon saamin. Makikipag palit sana ako sakanya mamaya kaso nga lang hindi ako maka iglip sa sasakyan.
Hindi lang talaga kayang manahimik ng utak ko sa pag iisip sa ngyari saamin kagabi ni Kijan. I felt like anytime I would burst into tears. Alam ko sa sarili kong hindi ko kakayanin.
Hinihingal akong humiga sa tabi niya at otomatikong pumupulupot ang kamay ko sa dibdib niya para yumakap. Pinilit ko ang mga mata ko at napabuntong hininga.
Ayoko ng matapos pa ang gabing 'to. Kahit ito nalang ang hilingin, gusto kong gumising ng siya parin ang katabi ko.
Unti unti akong napadilat ng maramdaman kong inaalis niya ang kamay kong nakayakap sakanya. Napaangat ako ng tingin sakanya at nakita kong nakatingin din saakin pero mabilis na iniwas ang tingin saakin.
His eyes were cold. Ibang iba sa init parin ng katawan niya. Maling mali ang kombinasyon nito. Dama ko kaagad ang paglayo nito saakin na mismong ang mga mata niya'y mabilis niya ng iniiwas saakin kahit hanapin ko ito.
Pinulupot ko ang blanket sa may bandang dibdib ko para ipang takip ng naupo na siya sa kama.
"May problema ba?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin at kinuha lang niya ang short niyang nasa lapag at sinuot.
May nagawa ba akong mali? Tinuloy lang niya ang pag bibihis na para bang walang naririnig. Parang wala lang ako rito. Sinundan ko padin siya ng tingin hanggang sa tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa kama.
"Tigilan na natin 'to." Malamig niyang sinabi.
Hindi ko alam kung nag kamali lang ba ako sa narinig ko o tama ang pagkakarinig ko.
"Ha?" Pag uulit ko.
Bumaling siya ng tingin saakin. Pagod ang mga mata nitong tinignan ako. Huli niyang kinuha ang t-shirt niyang nasa gilid ng kama. "Let's fucking end this."
It was so clear. Tama nga ang pagkakarinig ko. Tama naman talaga, gusto ko lang maging sigurado.
Binuhat ko ang kumot at pinulupot sa buong katawan ko saka tumayo papunta sakanya. "Anong bang sinasabi mo?"
Sarkastiko akong natawa at nag kunwaring hindi alam ang mga ngyayari kahit na masakit saakin ang paulit ulit kong marini iyon sakanya. Si Kijan? Mawawala saakin? Bakit? Sa anong rason? Bigyan man lang niya ako ng sapat na dahilan!
"Itigil? Itigil ang alin?" Ramdam ko na ang basag na boses ko pero hindi ako tumigil ng kakatanong sakanya.
Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero inilayo niya iyon saakin. Kunot ang noo't hindi ko magawang maintindihan ang ginagawa niya. Ayoko man umiyak sa harap niya pero hindi mapigilan ng puso kong masaktan.
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...