APRIL 2015
Panay nalang ang pag papakawala ko ng buntong hininga habang dismayadong nakatingin sa report card ko. Iniwan na nga, puro bagsak pa. Ano pa bang kamalasan ang hindi pa dumadating saakin?
Iritable kong ipinasok iyon sa bag ko at baka mapunit ko lang dahil sa inis ko.
Narito ako ngayon sa school para sa kuhaan ng report cards namin. Kung ganito lang pala ang makikita ko, sana hindi na ako nag punta at pinakuha nalang kay Yaya Elen.
Gusto ko rin kasing makalabas, gumala, magliwaliw. Pakiramdam ko tuluyan na akong mababaliw kung mananatili pa ako ng ilang araw sa kwarto ko.
Wala akong ginawa kundi ang humilata, mamaga ang mata kakapanood ng mga pelikula. I turn off my social media accounts, I keep myself away seeing and hearing news. Mas tinuon ko ang sarili kong ako lang.
It's not bad actually. Spending your day in your room the whole day, is quite relaxing to be honest. Itinuon ko ang oras ko para sa sarili ko lang sa nag daang mga araw at ngayon lang ulit ako lumabas sa binuo komg sariling lungga.
"Mikee!" I heard Valie's voice. Lumingon ako sa kung saan nang gagaling ang boses niya.
In her bouncing curly hair, maroon halter top and denim pants, I saw Valie running to my direction. I smiled at her.
Yumakap ito saakin ng tuluyan na siyang makalapit. "Wala akong bagsak! Hindi ako mag su-summer!" Natutuwang balita niya at inalis ang pagkakayakap naming dalawa. Iwinagayway niya harapan ko ang report card niya.
Gusto kong matuwa ng sobra sobra sakanya kaso hindi ko talaga magawang ibigay ang hundred and one percent ko lalo na ngayong ang dami kong bagsak. Malinaw na malinaw sa kuha ng isang maganda't high quality na camera na mahuhuli ako sakanila. Imbis na kasama ko silang mag martsa, mukhang malabo na 'yon mangyari.
Well, to be fair. Kasalanan ko din naman talaga. Kailan ba ako nag seryoso sa pag aaral? Tama lang itong kaparusahan saakin. Wala akong karapatang malungkot. Nakakatawang isipin na nalulungkot at naiinis ako sa sarili kong kasalanan.
I'm such a disappointment.
But at least, I can be happy with my best friend. Ngumiti ako at tinapik ng marahan ang balikat niya. "Congrats!"
Tumuloy na kami sa pag lalakad patungo sa malaking gate ng aming unibersidad. "Bakit may bagsak ka ba?" Napabuntomg hininga ako sa tanong niya.
Tumango ako ar diretsyo lang ang tingin sa paparating na gate. Maraming estudyanteng nag kalat ngayon. Maraming mag babarkada ang mag kakasama at masayang nag tatawanan at kwentuhan. May ibang lukot ang mga mukha habang titig na titig sakanilang report cards.
"Alam ba ni Kijan?" Natigil ako sa paglalakad at binalingan siya ng tingin.
Umiling ako at hilaw na ngumiti. "Sorry... I should just shut my filfthy mouth." Tinapik niya ang bibig niya.
Tumawa ako.
Panandalian kaming nag usap ni Valie habang patungo ng parking lot. Hindi narin niya binanggait ang tungkol kay Kijan. May mga kwento pa siyang nag patagal ng pg tambay namin sa parking lot, at nang tumawag lang si Polo sakanya doon lang kami napatigil sa pagku-kwentuhan.
Binuksan ko na ang kotse ko at agad na pumasok sa loob ng sasakyan. Pinihit ko na ang susi sa loob nito at matamang nag maneho nang mabuksan na ang makina.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang hawak hawak ang manibela. Pumasok sa isip ko ang report cards kong puno ng bagsak, tingin ko'y magiging daan 'yon para makausap ko si Kijan.
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...