Chapter thirty four

924 14 2
                                    

Napahawak ako sa dibdib ko ng mapabalikwas ako habang hinahabol ang pag hinga ko. Ramdam kong basang basa ang mukha ko dahil sa pinag halong pawis at luha dahil sa naging panaginip ko.

Ilang minuto kong pinakalma ang sarili ko pero hindi padin mag tigil ang mga luha sa pagpatak galing sa mga mata ko. Hindi ata ako nauubusan ng luha pagdating kay Kijan. Laking pasasalamat ko nalang at panaginip lang iyon kahit na sobrang totoo lahat ng pangyayari.

Ngayon ko lang napagtanto na nandito padin pala ako sa park at nakatulog habang nakasandal ang ulo't likod ko sa puno. Tumingin ako sa gilid ng damuhang inuupuan ko. Napa buntong hininga nalang ako ng makitang wala ang panyo ni Kijan gaya ng nasa panaginip ko.

Bakit para nalang akong nadismaya ng malaman kong panaginip lang iyon kahit na alam ko sa sarili ko na 'yon din ang katapusan ko?


Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko ng marinig ko ang pagtunog nun. Nakita kong si Duke ang tumatawag pero hindi ko ito sinagot at hinayaan lang na mag ring. Nang mawala na ang tawag niya, nanlaki ang mga mata ko ng makitang napaka daming nilang missed calls galing sa iba't ibang tao.

10 missed calls from Mommy

6 missed calls from Lola

17 missed calls from Duke

at ang mas kinagulat ko pa dahil pati si Valie ay nag missed calls din saakin. 20 missed calls lang naman ang ginawa ng gaga. I feel so important tuloy! Ganun ba ako nag enjoy sa panaginip ko at hindi na ako magising gising kahit na nakailang tawag na sila saakin? Sa bagay, kahit naman mapait ang pangyayari sa dulo naging masaya akong nakasama at nakausap si Kijan kahit na panaginip lang iyon, sobrang totoo at wala akong nakitang pagkukunwari.








Alas tres na ng madaling araw ng makauwi ako sa bahay. Pag pasok ko sa loob, wala namang bumunganga saakin para tanungin kung saan ako nang galing at bakit ngayon lang ako umuwi. Tumigil narin sila sa kakatawag at kaka text saakin kaya napagdesisyunan ko naring umuwi. Mga natulog na siguro at napagod sa kakapindot ng cellphones nila dahil wala talagang makakapigil sa tigas ng ulo ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at agad na nahiga na sa kama.

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko at kung ano ano nalang pumapasok sa isip ko. This been a long day for me. Parang ang daming ngyari.

Ipinikit ko na ang mga mata at natulog.






"GOOD MORNING!" Nagising ako sa lakas ng pagkakabukas ng pintuan ng kwarto ko at ang sigaw na akala mo may nasusunog na naging dahilan ng pagkakabagsak ko sa sahig mula sa kama.

Aray ko, pota 'to!

Napahawak ako sa balakang ko dahil sakit ng pagkakatama nun sa sahig. Napahawak ako sa kama ko para pang alalay sa pag tayo ko. Bwiset na 'yan! Patay talaga saakin kung sino 'to!

Hinawakan ko ang unan ko at nang makatayo na, walang sabi sabi kong ibinato ang unan sa taong naglakas loob na bulabugin ang magandang pag kakatulog ko. Peste na 'yan! Expect kong aaray siya dahil full force talaga ang binigay kong pag kakabato sa unan na 'yon to the point na mapapaatras ka pero nakita kong saktong sakto niya 'yong hinawakan sa magkabigla at niyakap.

"Gotcha!" Bumungad saakin ang pagmumukha na naman ng lalakeng ito. Hindi ko ba alam kung ilang beses iniri ito ng nanay niyang si Mrs. Agustin at bakit sobrang kulit ng lalakeng 'to. Bwisit talaga.

"Ano na naman bang ginagawa mo dito?!" Iritable kong tanong sakanya. Ito na ang pangatlong araw niyang pambubulabog saakin tuwing umaga.

Siya na nga mismo ang nagsilbing alarm clock ko dahil dumadating siya dito sa kwarto ko before tumunog ang cellphone ko. Kahit sa ayaw at sa gusto ko, kasabay kong pumasok ang batang 'to. Laking gulat nga ng mga teachers at three days straight kaming pumapasok dalawa.

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon