Chapter thirty six

952 18 2
                                    

Sabi ko parati sa sarili ko, kapag nakita ko si Kijan sa hindi inaasahang pag kakataon, mabilis akong tatakbo papalapit sakanya at yayakapin siya ng sobrang higpit. Magku-kwento lang din ako sakanya buong magdamag at didikitan siya ng parang linta 24/7 at sabay ulit kaming bubuo ng panibagong relasyon na wala ng tinatago sa isa't isa.

Iyon ang gusto kong mangyari habang nakatingin sakanya. Hindi mapigilan ng puso kong tumibok ng sobrang lakas at sobrang bilis gaya nalang ng pag tibok nito noon sakanya. Walang nag bago..

Gusto kong malaman niyang mahal na mahal ko padin siya pero..

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Tanong ko sakanya habang nakayukom ang mga palad ko at pilit na pinipigilan ang nararamdaman ko.

"Totoo bang ikakasal kana?" Hindi nito pinansin ang naging tanong ko at iyon ang agad niyang tinanong.

Hindi ko pinakita ang pag kagulat ko dahil sa naging tanong niya. Wala akong alam kung sino man ang nag sabi ng bagay na 'yon sakanya at kahit pa ayaw kong sabihin 'to, iyon ang lumabas sa bibig ko.

"Oo." Kaswal na sagot ko.

Tumawa siya na para bang ginawang biro ang naging sagot ko. "Bakit?" Natatawang sabi niya pero nakitaan ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

Naiiyak siya? Bakit? Hindi ba't ito ang gusto niya? Ang lumayo na akong ng tuluyan sakanya pero bakit parang gusto ko nalang bawiin ang sinabi ko at ituloy nalang ang parati kong sinasabi sa sarili kung sakaling makita ko siya.

Inalis ko ang ideyang pumasok sa utak ko. "Bakit hindi? Siya ang gusto ng pamilya ko at gusto din ako ng pamilya niya. Walang magiging problema." Kampanteng sabi ko.

Napahawak siya sa noo niya at napapikit ang mga mata at dahil doon, nakita ko ang pag bagsak ng luha galing sa mga mata niya. "Gusto mo ba siya?" Tanong niya habang nakapikit.

Panandalian akong hindi nakasagot. Nakatingin lang ako sakanya habang patuloy ang pag tulo ng luha ko. Ang hirap lang kasi na sa tuwing pipilitin kong maging tayong muli, palaging nagiging komplikado.



Ikaw.

Ikaw ang gusto ko at wala ng iba.

"Gusto mo ba siya?" Paguulit niya at ngayon nakatingin na siyang ulit saakin. Inalis ko ang mga mata ko sakanya at ibinaling sa iba.


Ayokong sagutin ang tanong niya dahil baka pag sisihan ko lang sa huli.

"GUSTO MO BA SIYA?!" Halos mapaatras ako dahil sa lakas ng pag kakatanong niya. Napalitan ng galit ang kaninang lumuluhang mga mata niya.

Dahan dahan akong umiling habang nanghihina ang mga tuhod ko. "Ikaw," sambit ko at tuluyan na akong napaupo sa sahig. Nakatingin lang ako sa ibaba habang tuloy lang sa pagbagsak ang luha ko sa sahig. "Gusto mo padin ba ako?" Hindi na ako halos makapag salita ng maayos dahil sa basag na basag na ang boses ko.

Kung ano man ang magiging sagot niya, matapat kong tatanggapin. Simula una palang naman, naging makasarili ako pagdating sakanya. Hindi ko iniisip ang ibang bagay o ibang taong nasa paligid ko.

Basta kapag siya ang usapan, nagagawa kong magbulagbulagan.

"Mahal kita." Gulat akong napatunhay sakanya mula sa pagkakatitig ko sa sahig. "Iyon ang tamang sabihin pag dating sa'yo. Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa'yo na mag kaiba ang gusto sa mahal?" Dire-diretsyo niyang sabi at naglakad papalapit saakin.

Wala ako sa wisyong tinignan siya hanggang sa makalapit. Iniluhod niya ang isang tuhod niya at marahan na hinawakan ang pisngi ko. "Kinailangan pang humantong sa ganito para lang malaman kong malaki kang kawalan sa buhay ko.." Naiiyak na sabi niya habang hinahaplos haplos ang pisngi ko.

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon