FEBRUARY 2015
Panandalian akong nahinto habang nakatingin sakanya na siyang nakangiti ang mga mata saakin. "Am I late for the celebration?" Tanong niya habang hindi inaalis ang ngiti sa labi nito.
Umiling ako. "Nope, It just started." Nagpakawala ako ng mahinang tawa at ngumiti. Hindi ko mapigilan na hindi matuwa sa nakikita ko ngayon. Para bang aatakihin ako sa puso sa sobrang lakas ng tibok ng puso at sa sobrang lakas, naging tahimik ang paligid na parang iyon lang ang naririnig ko.
Everything seems to be blank right now. It's just the two of us. I started to look into his manly face—to his eyes and to his pointed nose, down to his pinkish tone thin lips. I wish I could stare and analyse his face every second of every day.
Nawala ang tinginan namin dalawa ng sumulpot si Drix sa gitna namin. "Hoy kailan kapa natutong magsinungaling sa mga totoong kaibigan mo, ha?" Bulyaw niya kay Kijan.
"Oo nga naman, sabi mo baka hindi kana makapunta." Gatong naman ni Chester. Lumapit ang tatlo dito na parang kino-corner nila si Kijan na siyang patuloy lang ang pag atras.
"Bakit parang obligado ko pang mag explain sainyo?" Singhal ni Kijan kaya natigil silang tatlo sa paglapit sakanya. "Syaka teka nga, yung kotse pinagamit ko sainyo ah, tapos ako bawal magpunta dito?" Mga natahimik naman ang tatlo dahil sa sinabi ni Kijan at parang naging mga maamong tuta na walang kalaban laban sa amo nila.
Naglakad na ako papalapit sakanila dahil baka tumawa lang ako ng tuluyan sa nakikita kong eksena ngayon. "Tama na nga 'yan. Tara baka hinahanap na nila tayo." Sabi ko at maglalakad na sana ako palayo sakanila ng biglang higitin ni Kijan ang kamay ko.
"Bakit naman ganyan ang suot mo? Kitang kita ang dibdib mo oh!" Nagulat ako sa naging reaction niya at kami din nila Alvin ay napatingin sakanya na siyang naka kunot ang noo habang nakatingin ng masama saakin. "Alam mo naman na hindi lang tayo ang tao dito!" Dagdag niya pa saakin.
Tumikhim naman si Alvin. "Tayo tayo lang ang tao dito, Kijan. Pinareserve itong Resort ng tatlong araw." Singit ni Alvin. Unti unting bumaba ang tingin ni Kijan mula sa pagkakatingin niya saakin na parang nag iisip ng isasagot.
Tumingin naman siya kay Alvin at itinuro ang paligid. "Oh bakit? Yung mga staff dito? Hindi ba tao ang mga 'yon?" Napaisip din ako sa sagot niyang iyon. Tama nga naman.. Pero hindi lang naman ako ang naka baiting suit kundi sila Valie din. "Magpalit ka ng t-shirt at huwag ka nga mag suot ng shorts shorts parang undies na yan sa ikli eh!" Striktong sabi niya.
"Teka, Kijan? Bakit mo ba siya pinag babawalan? Boyfriend ka ba niya?" Hirit naman ni Chester sakanya. Pakiramdamn ko nag init at namula ng kulay kamatis ang pisngi ko. Nagbago ang facial expression niya ng sabihin iyon ni Chester at naramdaman ko din ang unti unti nitong pagbitaw ng kamay niya mula sa pagkakahawak sa kamay ko.
"Hindi." Mahinang sabi niya. Hindi naman talaga. Bakit naman ako mag e-expect na OO ang magiging sagot niya?
"Tsk, huwag mo na nga lang pakialaman ang suot ko." Sabi ko nalang at naglakad na palayo. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko na para bang gustong kumawala mula sa katawan ko.
Nagdiretsyo na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa Room namin nila Valie at doon, kumalma kalma ang pakiramdam ko. Nawala na unti unti ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Naupo muna ako sa couch malapit sa may single bed ng mapukaw ng mata ko ang isang full length mirror sa harapan ko. Pangit ba ang suot ko? Bakit hindi naging maganda sa paningin ni Kijan? Tumayo ako at lumapit sa salamin habang tinitignan ang kabuuan ko.
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...