Hindi maalis ang mga ngiti sa labi ko hanggang sa pag pasok ko sa loob ng bahay. Nakatingin lang ako sa boquet na binigay saakin ni Kijan na para bang isa itong sanggol dahil sa paghawak ko dito.
"Are you dating someone?" Laking gulat ko naman ng marinig ko ang boses ni Mommy. Kaya napaayos ako ng tayo sa harapan niya pero mas lalo akong nagulat ng makita ko si Lola na siyang nasa likod ni Mommy.
"Who is he?" Tanong ni Lola at lumapit. "Kaya ba hindi ka umuwi kahapon at gabing gabi kana umuwi ngayon? Am I right?" Dagdag pa niya at kinuha ang mga rosas na iyon mula saakin.
Wala ng dahilan pa para mag tago. Ito rin ang unang beses na magsasabi ako sakanila about sa relationship status ko and besides, hindi ko kinakahiya si Kijan dahil gusto kong maging legal kaming dalawa para rin nakakapunta siya dito sa bahay ng hindi na kailangan pang magtago.
"Opo." I proudly said. Wala namang nagbago sa mga reaction nila dahil paniguradong alam nila na hindi na ako tatanggi pa. "His name is Kijan. Kijan Scott." Pagpapatuloy ko.
Nanatiling tahimik at hindi agad nakapag salita si Lola at Mommy hanggang sa dumating si Lolo na siyang kakababa lang mula sa taas. "His name sounds familiar." Sabi nito habang naglalakad papunta ng salas kung nasaan kaming tatlo.
"Yes, Grandpa. Kilala siyang tao because of his success. Nakasama ko din siya sa public places at aakalain mong isa siyang sikat na sikat na celebrity dahil madaming nakakakilala sakanya." Pagmamalaki ko. Nakakatuwa naman kasi talaga at sobrang nakakaproud kahit na there's a part of me na hindi pa ako sanay na ganun kakilala ang boyfriend ko.
"Stop dating him." Lolo said. Natawa pa ako dahil baka nagkakamali lang ako ng pandinig or baka naman ang pagiging famous ni Kijan ang dahilan kung bakit ayaw niyang i-continue ko ang relasyon ko sakanya.
Napatigil lang ako sa pagtawa ng makita kong seryoso padin ang itsura ni Lolo, Lola at ni Mommy na para bang seryoso ang sinabing iyon ni Lolo. "Bakit? Ano po bang problema?" Sagot ko.
Lumapit naman saakin si Mommy. "Mikee, you need to finish your school first before dating. Usapan natin 'yon hindi ba?"
Humarap ako sakanya. "Kaya kong gawin 'yon, Mommy. I'll make him as an inspiration."
"No, darling. Please listen to your Grandpa." Sabi naman ni Lola saakin
"Ngayon pa nga lang hind kana makapag focus sa study mo how much more kung mayroon kan pang boyfriend." Hindi ako naniniwala sa sinabing iyon ni Mommy
"That's final." Iyon lang ang sinabi ni Lolo at nilagpasan ako. "Cristina, lets go." Pagtawag niya kay Lola pero bago pa man siya makalabas ng bahay, nagsalita ako.
"I know that there's something odd on what you've said but, I will not stop dating him." Sabi ko.
"Mikee, ano ba 'yang sinasabi mo sa Grandpa mo!" Pagsuway saakin ni Mommy pero hindi ko 'yon pinansin at umakyat patungo sa kwarto ko.
Pag dating ko sa kwarto, napaupo nalang ako kaagad sa kama ko. Nagpakawala ng buntong hininga at napaisip sa mga ngyari. Hindi ko maintindihan si Lolo. He's always by my side lalo na kapag may hindi pagkakaintindihan sa pagitan ni Mommy, Lola at ako.
Inihiga ko nalang ang sarili ko sa kama at ipinikit ang mga mata ko.
Madilim pa ng umalis ng bahay para mag jogging. Just to freshen up matagal tagal nadin kasing hindi na-e-exercise itong katawang kong 'to kaya hindi na ako magugulat kung isang araw mag kaka sakit ako. Weekend ngayon at mamayang hapon, nagpa plano akong tumambay sa Studio kasama sila Val. Magmula kasi nung gabing iyon na nasa Studio kami, hindi ko na sila nabalitaan sa kung anong ngyari. Bigla nalang kasi akong nawala kasama si Kijan.
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...