Chapter thirty eight

928 17 2
                                    

Kung mayroong iba't ibang mamahaling sapatos, damit at mga relos ang pagmamay-ari ni Kijan sa loob ng walk in closet niya, mayroon din siyang pinagkakatago tago sa likod ng napaka gandang bahay niya.

Nakaawang ang bibig ko habang patuloy na nilalakad papasok ang walk in closet ni Kijan. Kaba at pangangatog ng mga tuhod dahil sa takot ang ngayong nararamdaman ko habang tinitignan isa isa ang iba't ibang klase ng baril at matatalas na patalim na nandito.

Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko. Damang dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko at ang pangingilid ng luha ko. Nahinto ako sa paglakad at tinignan ang isang mahaba't malaking baril na ito na nasa harapan ko. Sinubukan ko itong hawakan pero agad din akong napatigil ng may pumasok sa isip ko.

"Kung talagang may gusto kang patunayan, lumayas ka sa pamamahay ko at huwag na huwag kang babalik sa oras na nakilala mo na ng lubusan ang lalaking hawak hawak mo ang kamay."

"Wala paring mag babago na mamatay tao ang taong 'yan bago pa man niya marating ang lahat ng sinasabi mo ngayon!"

"He's dangerous. He killed his own girlfriend."

Paulit ulit lang 'yon na tumatakbo sa isip ko kaya napaalis agad ang kamay kong balak na sanang hawakan iyon ng bigla akong kilabutan. Naalala ko ang sinabi saakin ni Mommy nung isang araw bago pa man ako umalis ng bahay at piniling makasama si Kijan. Naalala ko din ang sinabi ni Lolo noon nung kumprontahin ko siya tungkol sa hindi malaman at maipaliwanag na dahilan ng pag hihiwalay namin ni Kijan. At ang pang huli, ang naging sobrang palaisipan saakin. Kung bakit nasabi ni Polo na si Kijan ang mismong pumatay sa girlfriend niya na si Kahlua.





Wala akong kahit na anong nagawa buong mag damag. Kahit pa ang binabalak kong magluto ng hapunan o ayusin ang pinaghigaan namin na kama sa kwarto ni Kijan ay hindi ko nagawa. Buong magdamag lang akong nakatingin sa orasan habang hindi matigil ang pag iisip ko. Pagpatak ng ala-syete, narinig ko ang pag tunog ng elevator. Hudyat na nandito na si Kijan.

Nagpakawala ako ng pag hinga ko at tumayo sabay iginuhit ang ngiti sa labi ko. Naglakad na ako papunta sa may elevator para salubungin siya.

Nakita ko naman ang ngiti niya ng makita ako. Lumapit ako sakanya at binigyan siya ng matamis na halik sa labi. "How's work?" Tanong ko at hinubad na ang suot suot niyang coat.

"Hay, pagod." Buntong hiningang sabi niya. "Pero buti nalang at pagdating ko halik mo agad ang bumungad saakin." Sumilay ang ngiti sa labi niya dahilan para makita ang mapuputi niyang ngipin.

Hinampas ko ang balikat niya bago ituon ang atensyon ko sa pag tanggal ng necktie niya. "Tsk, lover boy ka talaga kahit kailan." Pang asar ko sakanya.

"What's for dinner, Love?" Pagiiba niya ng usapan. Pinagpatuloy ko muna ang pag tanggal ng necktie niya at ng matanggal iyon, nakangiti padin akong tumingin sakanya.

"Oo nga pala! Hindi na ako nakapag luto!" Kunwarian akong nag gulat gulatan sa sinabi niya. "Tumawag kasi saakin si Valie kanina sa phone ko. Hindi ko na namalayan ang oras na ang tagal na pala naming mag kausap." Pagsisinungaling ko.

Kahit na ang totoo ay mag mula ng mag punta ako dito, hindi pa ako nakakatanggap ng tawag mula sakanila dahil gaya ni Yaya Elen, hindi din sila sumasagot sa mga text ko at kahit pa tawagan ko sila, hindi din nila sinasagot o 'di kaya naman ay palaging busy.

Hindi ko gusto ang mag sinungaling sakanya. Alam kong alam niya kung gaano ako kahilig pagdating sa pag luluto at syaka nasabi ko din sakanya na ipagluluto ko siya at sabay kaming kakain pag dating niya. Kaya pag sinabi kong nakalimutan ko, alam kong mag tataka siya. Kaysa naman sabihin kong buong magdamag lang akong nag isip ng nag isip tungkol sa nakita ko sa walk in closet niya.

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon