Chapter 2

184 5 0
                                    

Chapter 2

Namalayan ko nalang na naiyak na pala ako habang pinapanuod yung dalawang bata.

"Arlan! Punta tayo sa toreng iyon!" aya ng batang babae doon sa batang lalake habang nakaturo sa tore.

Lalo akong napaiyak sa narinig kong pangalan ng batang lalaki. Kapangalan pa talaga ni Arlan. What a coincidence?

"Sige ba. Ella! Paunahan! Mahuli panget!" halos hindi na ako makahinga dahil sa mga hikbi ko. Ang batang Arlan ay tinawag na Ella ang batang babae.

Ella ang pangalan ng batang babae, Ella sound like Elle.

Gaano ba kalaki ang probability na magkaroon kami ng kapangalan na katulad nila? Pakiramdam ko tulay ay pinaglalaruan ako ng panahon dahil sa dalawang batang narito.

***

"Bago ka lang dito?" tanong ni Arlan sa akin, tinanguan ko lamang sya.

"Gusto mo bang ipasyal kita?" tanong niya sa akin, muli ay tumango ako.

Bago pa lang ako dito. Ipinadala ako dito ng aking ina sa hindi malamang dahilan. Sabi para malayo sa mga kaibigan ko na nang aaway sa akin, pero alam kong may iba pang dahil iyon. A month ago, narinig ko na silang nag-uusap about sa lugar na to, pero hindi ko akalain na ako lang sa aming magkapatid ang dadalhin dito para mag-aral.

"Nakikita mo ba ang toreng iyon?" may itinuro siya sa akin kaya naman sinundan ko iyon kung saan siya nakaturo. Nakita ko ang toreng tinutukoy niya, tila ba tore kung saan ikinulong si Rapunzel ng kanyang ina, pinagkaina lang at may ilaw ito sa taas.

Si Rapunzel ang pinaka paborito kong disney princess. Kaya naman hindi maiwasang mamangha at mahikat na pumunta doon. Baka makita ko siya doon!

"Punta tayo!" masayang sabi ko kay Arlan. Masaya naman syang sumang ayon sa aking gusto.

"Sige."

Nakatingala ako sa tore nang makalapit kami. Ang taas. Ngunit.. May daan ba ito sa loob? O katulad ng kay Rapunzel ay wala?

"Alam mo bang nakapa tanda na ng toreng ito?" naagaw ni Arlan ang atensyon ko. Napakunot ang noo ko.

Nagbibiro ba sya? Bago nga lang ako dito diba? Malamang hindi ko alam.

"Malamang hindi! Malay ko ba." hasik na sagot ko sa kanya. Imbis na mainis sa sagot ko ay ngumiti lamang siya sa akin.

"Gusto mong umakyat?"

"Huh?"

Paano kami makakaakyat dyan? Mukhang wala namang daan papasok sa loob. O baka nasa loob si Rapunzel?

"Sabi ko. Kung gusto kong umakyat? Kaso mataas yan. Baka wala pa tayo sa kalahati ay pagod kana." pag uulit niya sa kanyang tanong. Pero hindi ko nagustuhan ang kasunod na sinabi niya. Tila ba inaasar ako nito na hindi ko kayang makaakyat.

"Hindi noh! Kaya ko kaya!"

"Kuh! Siguraduhin mo lang. Hindi kita bubuhatin." tumawa pa ito bago lumapit sa tore.

Pinanood ko syang binuksan ang isang pinto na siguro ay papasok ng tore. Hindi ko iyon namalayan kanina dahil masyado akong nakafocus sa bintanang nasa taas nito.

"Hali ka na." tawag sa akin ni Arlan ng makapasok sya. Walang pag-aalinlangan ay sumunod ako sa kanya. Nang makapasok ako sa loob ay namangha ako.

Ang loob ng tore ay mayroong paikot ikoy na hagdan. Tila ba hindi ito matatapos kung titignan sa baba pero meron iyon sa taas dahil may binta kang makikita mula sa baba at sa malayo.

"Elle, Tara na?" hinila niya ako paakyat ng hagdan. Hindi naman ako umangal at napaanod sa kanyang paghila.

Parang aabutin kami ng syam-syam bago makataas sa pinaka taas nito.

"Alam mo bang may kwento ang toreng. ito?"

"Huh? Kwento? About saan?"

"Tungkol sa magkasintahan." bigla akong na curious sa kwento niya.

"Anong nangyare sa kanila?"

"Palagi silang naakyat sa toreng ito. Halos lahat ng tungkol sa magkasintahan ay alam ng toreng ito. Simula sa kanilang pagkakakilala at sa kanilang pagkakahiwalay."

"Huh? Naghiwalay sila? Bakit?" nalungkot ako sa narinig.

"Isang beses kasi, nalaman ng magulang ng babae ang kanilang relasyon. Dahil sa tutol ang magulang ng babae ay inutos ng mga ito na ipapatay ang lalaki. Nagkataon na magkasama ang magkasintahan sa toreng ito. Dito sa toreng ito nangyare ang trahedya. Dito tinangkang patayin ang lalaki subalit sa sobrang pagmamahal ng babae sa kanyang nobyo ay sinangga niya ang bala na dapat ay sa kanyang nobya tatama."

Hindi ko maiwasang malungkot sa kanyang kinukwento. Pero nanaig ang aking pagiging curious.

"Ang sad naman ng kwento nila. Pero anong nangyare sa lalaki pag katapos noon?"

"Nanatili parin syang buhay hanggang ngayon." napatingin ako sa kanyang sinabi.

Buhay pa ang lalaki?

"Ibig bang sabihin kilala mo ang lalaki sa kinukwento mo?"

"Hmm. Medyo."

"Mga ilang taon na sya ngayon?"

"70 plus na ata."

"Pwede ko din ba syang makilala?"

"Oo naman. Mamaya, pupuntahan natin sya." napangiti ako sa kanyang sinabi. Bigla akong natuwa sa narinig, na excite na makilala yung sinasabi niya.

"Elle, nasa taas na pala tayo." masayang pahayag niya sa akin.

Namangha ako sa aking nakita. Para bang nakikita namin ang buong Pangasinan. Ang ganda.

Naagaw ang atensyon ko sa isang mabatong bahagi malapit sa dagat. Mukhang delikado ngunit magandang pwestuhan dahil mahangin.

"Arlan, tignan mo iyon ohh." itinuro ko sa kanya ang bahaging nakaagaw ng atensyon ko.

"Ay, Elle. Bawal doon pumunta. Doon ang pinaka pinagbabawal." nagtaka ako sa sinabi niya.

"Bakit naman?"

"Ewan ko. Pero sabi sa akin ng lolo ko, delikado doon. Dahil mabato. Pagnalaglag ka dyan, siguradong patay ka agad." hindi na ko muling umimik pa sa kanyang sinabi.

"Elle, alam mo ba. Ang mga magkasintahang pumunta dito magtatagal." nakangiting sabi niya. Napakunot naman ang noo ko sa kanya.

"Ehh, ikaw ba? Alam mo bang ang daldal mo?" natatawa kong sabi sa kaniya.

"Ikaw naman. Alam mo bang ang iyakin at ang kulit mo?" inirapan ko lang sya sa kanyang sinabi.

"Pikon ka din pala." tumawa lang sya ngunit ako ay tahimik lang habang nakamasid sa aking nakikita.

"Arlan? Ilan taon ka na ba?" tanong ko sa kanya, out of the blue moon. Lumingon sya sa akin.

"Ten. Ikaw ba?"

"Nine. So kuya pala kita?"

"Kuya? No way! Ayoko nga!"

"Bakit naman ayaw mo?"

"Wala lang. I want you to be my bestfriend not my little sister." nakangiting sabi niya sa akin.

Natulala ako sa kanyang ngiting ipinakita.

I never imagined having him in my life.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon