Chapter 16

63 4 0
                                    

Chapter 16

Isa isa kong tinignan ang mga CD na meron dito sa sala nila. Tulad ng sabi niya kanina ay magmomovie marathon kami.

Kanina ko pa paulit ulit na tinitignan ang mga CD dito at kahit isa ay wala akong magustuhan. Bukod sa action movie ay puro horror pa ang mga ito. Hindi ako mahilig sa action o sa horror kaya wala din akong mapili.

"May napili ka na ba?" Umiling ako sa tanong niya. Binalik ko sa dating ayos ang mga CD at umupo sa sofa.

"Uuwi na ko. Wala naman tayong papanuodin." Pahayag ko at tumayo na.

Uuwi na talaga ko. Kahit gusto ko pa syang makasama ay gugustuhin ko pang umuwi. Para kasi syang sinasapian, nilagnat lang naging manyak na.

"Subukan mo. Nanakawan kita ng halik." Namula ako sa sinabi niya. Sinamaan ko sya ng tingin para maitago ang malakas na tibok ng aking puso.

"Sabi ko nga. May movie ako sa phone ko. Rapunzel." kinuha ko ang phone ko at ipinakita iyon sa kanya. Nakita ko ang pag ngiwi sya.

"Disney? Ayoko nga!" Apila niya.

"Edi uuwi na ko." Agad akong tumayo at naglakad pa puntang pintuan. Malawak ang ngisi ko, alam kong ako ang panalo.

"Fine! Rapunzel!"

Ako ang nag ayos ng pagconnect ng phone ko sa kanilang TV para makapanuod kami. Wala naman syang balak tulungan ako dahil hindi niya gustong manuod ng Disney. Tumabi ako sa kanya ng magsimula ang movie. Malawak ang ngiti ko habang nanunuod samantalang sya ay hihikab hikab at halatang hindi interesado.

"Hmmp! Patayin ko yang witch na yan ihh!" Nanggigil kong sabi dahil kinuha ng witch si Rapunzel sa mga magulang nito pagkapanganak sa kanya at dinala sa malayong lugar.

"Parang ganyan ang mommy mo sayo dahil dinala ka niya dito. So imaginin mo na sya ang mommy mo. Do you still want to kill her? Hindi diba?" Agad akong napaisip sa sinabi niya. Napasimangot nalang ako, dahil may point naman sya. Tumawa at ginulo niya lamang ang buhok ko at nagpatuloy na kami sa panunuod.

Hindi ko mapigilang mapaiyak ng mahuli si Rapunzel at ang prince na nakikita ng malihim. Pinaghiwalay silang dalawa at ginupit ang buhok ni Rapunzel. Naiyak pa ko lalo ng mabulag ang prinsepe.

"Bakit ba kasi kailangan pa silang paghiwalayin? Hind ba pwedeng suportahan nalang niya? Tsaka hindi naman niya totoong anak iyon ahh! Bakit niya kinokontrol at dinala pa sa ganyang lugar?! T^T Ang sama niya!" Naiyako kong sabi, inalo naman ako ni Arlan.

"Shhh. Wag mo nang iyakan yan. Alam naman nating dalawa na kahit may humadlang pa sa kanila sila parin sa huli. Tandaan mo, hindi mabubuo ang love story kung walang kontrabida katulad ng witch na yan. And fairytale yan, nag exist ang Happily ever after sa kanila. Okay?" Pagpapagaan niya ng loob ko. Niyakap ko sya habang naiyak pa din.

"Look, yung story natin parang Rapunzel. Pinadala ko ni Mommy dito, then I met you. Ikaw yung laging nandyan para sa akin. Hanggang sa kung ano tayo ngayon, pero alam nating dadating tayo sa point na paghiwalayin tayo." Natahimik sya sa sinabi ko. Tinignan ko sya kahit na nakayakap pa din ako sa kanya.

Agad na gulama ang isip ko, na paano pa umalis ako at iwan sya? May parang punyal ang tumusok sa puso ko.

"Sana, pag dumating ang araw na iyon hindi ka maghanap ng iba. Sana, ako pa din. Sana, pagbumalik ako mapatawad mo ako. Sana, mahalin mo pa din ako." Mahinang sabi ko sa kanya at nag umpisa na namang mamuo ng mga luha sa mga mata ko.

"Promise ko sayo, hindi yan magiging sana. So, stop crying na. I love you." He whisper. Pinunasan niya ang lihang lumandas sa pisngin ko. I close my eyes, dinama ang kamay na pumunas sa pisngi ko.

Then I felt his soft lips to my lips. He kiss me gentle. Tumagal din ito ng ilang minuto bago sya kumalas. It just a smack kiss, pero hindi na magkumahog ang puso ko.

May kung anong pagnanasa ang nakita ko sa mga mata niya. His eyes went to lips. Nagulat ako ng muli niya akong halikan. Mas malalim kumpara kanina. His lips moves slowly, sinabayan ko iyon. He pulled my neck, so the kiss was more deeper.

Hinihingal kaming dalawa ng kumalas sya. Tila na aadik ako sa labi niya, hindi ko maalis ang tingin doon. I want more. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling sa katawan ko. Sinubukan kong ilapit ang labi ko sa kanya ngunit bigla syang tumayo at lumayo sa akin.

Kinabahan ako sa ginawa niya. Bakit sya lumayo? Dahil ba ayaw niya sa halik ko? Dahil ba hindi ako marunong? Shit! Arlan! Sabihin mo sa akin. Pag aaralan ko para sayo!

"Shit! Elle, kung anoman yang nasa isip mo. Alisin mo na yan. I respect you." Napakunot ang noo ko ng hindi magets ang sinabi niya, pero agad din kong napangiti ng maintindihan ko na. Gusto kong tumawa sa kanya.

May epekto ako sa kanya! Haha. At ngayon, nagpipigil sya.

"Elle, tapos na ang pinapanuod natin. Uuwi kana." Lalo kong napangiti sa sinabi niya.

Kanina lang ay ayaw niya akong pauwiin tapos ngayon ay halos ipagtabuya na niya ako. I smirk at him.

"Ayoko pa. Dito muna ko." Inayos ko ang gamit ko maging ang phone ko. Pero hindi ibig Sabihin noon ay uuwi na ako. I will stay, para sya naman ang asarin.

"Argh! Ayaw mo talaga?" His eyes full of fire. Fire of lust.

"Then, fine." Napangiti ako sa pagpayag niya, pero agad ding napawi ng unti unti niya akong lapitan at macorner sa sofa.

"Okay lang ba sayo, kung dito nalang tayo?"

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw, halos pigil don ang hininga ko sa sobrang lapit niya.

"Kahit saan. Basta ikaw." Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon, bigla nalang lumabas sa bibig ko. Hindi ko napigilan ang pamumula ko sa sariling sinabi.

What the hell?! Sarili ko na tumatraydor sakin!

Nakita ko ang pamumungay ng kanyang mata habang nakatingin sa akin. Unti unting bumaba ang mata niya sa labi ko. Napapikit nalang ako bigla ng unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin.

"Shit! Elle! Umuwi ka na! Baka hindi nako makapagpigil!" Agad akong napadilat. Nakatayo na sya malayo sa akin. Papasok ng kwarto niya.

"Umuwi kana. Papahinga na ko." Nahimigan ko ng frustrated tone ang boses nya. Agad niyang sinara ang pinto ng kwarto niya pagpasok niya.

Napangiti nalang ako sa ginawa niyang iyon. He really respect me. Masaya akong umuwi ng bahay. Alam ko namang hindi sya galit sa akin, pinipigilan niya lang talaga ang sarili niya.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon