Chapter 21

63 4 0
                                    

Chapter 21

Bike. Saan nga ba kami madadala ng kanyang bike?

Naka angkas ako sa kanyang bike habang sya ang nagpapaandar. Malayo na ang narating namin.

"Saan ba tayo pupunta?" kanina ko pa iyon tinatanung sa kanya. Pero lagi lang din niyang sagot ay 'kahit saan basta kasama ka.

May kaba sa aking puso dahil sa takot na baka hanapin ako sa bahay pero may tuwa din dahil kasama ko sya.

Unti unting kumilimlim ang langit at nagbabadya ang ulan sa pagbagsak. Agad kong kinalabit si Arlan at sinabing uulan na pero hindi sya nagpatinag. Akala ko ay hindi na sya hihinto pero tumigil kami sa isang abandonadong bahay. Tanging bahay na nakatayo sa lugar na ito.

Isang dating bahay na napapaligiran ng mga puno. Halata mong matagal na ito dahil sa mga lumot na nasa ding ding nito at ang ilang mga baging na nakabalot dito.

Nag-alangan ako ng nakitang bubuksan ni Arlan ang pinto. Agad ko syang pinigilan sa takot.

"Baka may multo o kaya kapre." kabadong sabi ko sa kanya. Nakita ko ang ngising sumilay sa kanyang labi na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ko. Agad akong napasimangot sa naging reaksyon niya.

Walang nakakatawa sa sinabi ko. Paano kung may asawang o multo dyan? Paano na kami? Tsk.

"Walang aswang o multo, okay? Kaya tara na sa loob at uulan na." napabuntong hininga nalang ako at nagpatangay sa kanyang hila papasok ng lumang bahay.

Nagulat ako ng makita ang loob nito. Ibang iba sa labas na mukhang luma dahil sa loob nito ay isang magandang loob. Bumungad sa amin ang matataas na bookshelf at sa gitna noon ay isang lamesita na may mga sofa. Para akong nasa library ng isang fairy, yung mga napapanuod ko sa mga fairy cartoon story.

Agad akong napatingin kay Arlan ng bigla niyang buksan ang isang bookshelf. It's a secret door to another room. Hindi ako makapaniwalang ibang iba iba ito sa ine-expect ko. I thought it was full of dust and spider web, but that's only in my thought.

"Paano mo nalaman ang lugar na to?" namamanghang sabi ko. Nakita ko ang pagngiti niya.

"Kay lolo Hector ito." napatango nalang ako sa sinabi niya.

Sinundan ko sya ng pumasok sya sa isang kwarto. It's a mini kitchen with a dining table. May isang pinto doon na siguro ay CR.

"Dito madalas pumupunta si Lolo pag namimiss niya iyong namatay niya nobya. Iyong nobya niya ang nag disenyo ng bahay na ito. Si lolo naman ang nagpagawa. May isa pang secret door dyan. Iyon ang kwarto ng bahay na ito. Dahil maliit lang ang bahay na ito ay tig-isa isa lang, isang CR, magkasamang kusina at dining at isang kwarto na may isang medyo malaking kama. Kung napansin mong yung sala ay parang library dahil book lover ang dating nobya ni lolo." paliwag niya sa akin. Tumango ako sa kanya.

Nilapitan ko ang isang bookshelf na itinuro niya kanina. Itinulak ko iyon kaya bumukas iyon papasok sa loob. Lalo ako namangha ng makita ang isang kama doon na may apat na parang poste every corner na sinasabitan ng parang bulambo sa nipis ng cortina.

Ang ganda. Mala fairy house ang bahay na ito. Mayroon din doong isang bintana na may kulay green na cortina. Isang cabinet at malaking oblong na salamin na may kasamang upuan na may drawer.

"Ang ganda noh? Ngayon lang ako nakapagdala ng isang babae dito at ikaw iyon. Kahit isa ay wala pa akong nadadala rito. You're the first and be the last." isang ngiti ang iginawad ko sa kanya ng magsalita sya sa likod ko.

May tuwa akong naramdaman. Dapat lang talaga na ako lang ang babeng dalhin niya dito.

"Sya, tara muna sa kusina. Nagtimpla ako ng milo." agad akong tumango sa kanya at isinara ang kwarto.

Dito ba kami mag i-stay for the mean time? It's okay to me. I like the place not only like. I love it. May kung ano sa akin na gusto kong dito nalang muna. Kasama si Arlan. My only love.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon