Chapter 4

119 5 0
                                    

Chapter 4

"Miss, why are you sad?" for the second time, lumingon na naman ako. Ngayon sa isang lalaking hindi nalalayo sa edad ko.

Napatikhim nalang ako at hindi ko sya pinagtuunan ng pansin dahil hindi ko naman sya kilala. Tinuon ko nalang ang tingin ko sa dagat.

"Can I sit beside you?" muli ay hindi ko na naman sya pinansin. Naramdaman ko ang pag upo sa tabi ko.

Parang pamilyar sa akin ito. Tila ba nangyare na.

"You know, nakakapanget ang nakasimangot."

"By the way, Miss. I'm--" hindi ko na sya pinatapos magsalita pa.

"I'm not interested." tumayo na ako at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya.

Oo nga. Hindi lang pala parang nangyare na. Kasi talagang nangyare na ito dati. Gantong ganto kung paano kami nagkakilala.

"Wait lang, Miss." muling tawag nya sa akin, ngunit hindi ko sya pinansin. Nagdare daretso lang ako ng lakad.

"Miss, wait. I just want to be your friend." napahinto ako sa narinig ko.

Bigla na lamang nag unahang tumulo ang mga luha ko. Mas lalo ko lamang syang na miss dahil sa annoying na lalaking to.

Walang sabi sabi ay bigla na lamang akong nagtatakbo upang makalayo sa lalaki. Isang linggo ako dito pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita ulit.

***

"Elle, naiyak ka na naman." sambit ni Arlan ng makita ako. Agad kong pinunasan ang mga luha ko.

"I miss my mom." mahinang sabi ko at dahan dahang itinago sa kanya ang kamay ko.

Hindi ko naman talaga namimiss si Mommy. May sugat ako sa kamay, kaya ako naiyak. Simpleng tusok lang naman ng rose iyon pero ewan ko ba. Pagnasusugatan ako, hindi ko mapigilang umiyak.

"Gusto mo ng magic?" agad akong tumango sa tanong niya. Ngumiti sya at inabot ang kamay ko na hindi ko inaasahan.

"Aray." daing ko ng madanggi niya ang sugat ko sa kamay.

"Tsk. Sabi na nga ba. Sa ilang taon nating laging magkasama, ayaw mo ng binabanggit ang mommy mo. Papalusot ka pa kasi, bulok naman." panenermon nya sa akin. Napasimangot nalang ako.

"Ang cute mo talaga pagsumisimangot." pinamulahan ako sa sinabi niya. Agad kong inilayo ang kamay ko sa kanya.

"Hindi kaya!" tanggi ko, kaya naman ginulo nya ang buhok ko at tinawanan ako.

"Naman! Yung buhok ko!" asik ko sa kanya. Tumigil naman sya.

"Seryoso kasi, cute ka nga." nakangiti niyang sabi sa akin. Muli akong na mula sa sinabi niya.

Sa araw-araw na ginagawa ng diyos ay lagi ko syang kasama. Masayang nagkukulitan, para nga kaming magkapatid ehh. Pero tulad niya ayoko ng kapatid lang, dahil sa bawat araw na nakakasama ko sya ay nahuhulog ang loob ko sa kanya.

Sabay kaming papasok sa umaga at sabay uuwi sa hapon. Hindi na din ako binubully tulad ng bagong transfer palang ako, dahil lagi syang nakabantay sa akin. Ang kaso lang hindi niya kilala ang pamilya ko, hindi niya kilala ang tunay na ako. Ang tunay na Jeanelle Chua.

Dumating ang graduation namin ng elementary, ay mas lalong lumalim ang pagtingin ko sa kanya. Mas lumalim pa ito ng mag high school.

"Baka naman matunaw ako nyan." pang aasar niya sa akin ng makitang kanina pa ako nakatingin sa kanya.

"Kapal mo! Hindi kita tinitignan noh!" pagtanggi ko sa kanya.

"Ako pa makapal? Haha. Ikaw nga tong pinagnanasaan ako." mayabang niya sabi. Kaya naman binatukan ko sya.

"Oh? Bigat talaga ng kamay mo."

"Bakit? Nabuhat mo?" pilosopong sabi ko.

"Hindi, pero nahahawakan ko." bigla naman syang nagseryoso nang hawakan niya ang kamay ko.

Natigilan ako sa ginawa niya. Napako ang mata ko sa kamay kong hawak hawak niya. Parang may kung anong kuryenteng dumadaloy sa kamay ko. Ramdam niya din kaya iyon? O ako lang?

Nang makabawi ako sa aking pagkabigla ay agad kong inilayo ang kamay ko sa kanya. Maging sya ay napabalik sa ulirat sa ginawa niya.

"A-Ahh. Arlan, pupunta pa pala ko ng library. Kitakits nalang mamaya sa gate." mabilis akong nagpaalam sa kanya at nagmamadaling umalis sa kanyang harap.

Nang makalayo ay agad akong napahawak sa aking dibdib na ngayon ay nagkukumahog sa aking katawan.

Shit! I'm inlove with my bestfriend.

***

Third year na ako ng malaman kong mahal ko na sya. Ngunit hindi ko iyon sinabi sa kanya.

Ayokong mawala sya. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Pagkakaibigan na matagal naming iningatang dalawa.

Ate Ching: Ang mga susunod na chapters ay puro flashback. Sana ay hindi kayo maguluhan. Maraming salamat.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon