Chapter 20

66 4 0
                                    

Chapter 20

Nasa garden ako ng aming bahay habang naka upo sa isang upuan na may lamesa na mag isa at walang kasama.

"Pupunta ba ko? Oo. Hindi. Oo. Hindi. Oo. Hindi." hawak ko ang isang tangkay ng sanga na madaming dahon. Pinipilas ang bawat dahon na meron ito habang nagdidecide kung pupunta ba ako ng light house o hindi.

Madami na ang dahong nagkalat sa harapan ko, nakailang sanga na din kasi ako. Mag aalasingko na at hindi pa din ako nakakapagdecide. Lagi kasing hindi ang kinalalabasan. Kaya nagbabaka sakali akong oo ang lumabas kung uulitin ko.

"Anak, pumunta ka na ng light house. Wag mong hintayin na oo ang lumabas sa mga dahon na iyan. Nasa'yo ang desisyon wala sa mga dahon na iyan." napahinga ako ng malalim ng magsalita si Manang sa harap ko.

Tama sya. I need to go. Walang patutunguhan kung sa mga dahon na ito ko kukuhanin ang desisyon lalo na at alam ko naman sa sarili kong gusto kong pumunta doon.

"Wag mo ng likumin. Ako na ang bahala dyan. Lumakad ka na." agad kong itinigil ang pag lilikom ng mga dahon. Ngumiti ako kay Manang at niyakap sya.

"Nay, salamat po. Sana ikaw nalang yung naging nanay ko." bulong ko kay Manang. She hug me back before I go.

"Mag ingat ka aahh? Ako na ang bahala sa Mommy mo." tumango ako at agad na tumakbo pa labas papunta sa tore.

Hingal na hingal ako ng makadating ako doon. Agad iyong napawi ng makita ko si Arlan. Mabilis ko syang niyakap ng mahigpit.

I missed him so much. Agad na ang unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Ngayong yakap ko na sya pakiramdam ko, napawi lahat ng sakit na naramdama ko nung mga nakaraang araw.

"Arlan, sorry. Sorry kung hindi kita kinakausap sa mga dumaang mga araw. Natatakot lang ako, na baka makita tayo ng body guard na hinire ni Mommy para bantayan ako. Natatakot lang ako na baka ilayo ako sayo at hindi na kita makitang muli. Kaya mas gugustuhin ko pang maging stranger tayo sa isa't-isa kesa sa paghiwalayin tayo." naiyak kong sabi sa kanya habang naiyak. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Mas lalo akong naiyak.

Nakakamiss. Sana tumigil ang oras na ito para manatili kaming magkasama.

"Shh. Wag ka ng umiyak. Mahal kita. Mahal na mahal kita. At gagawin ko lahat para makasama ka." hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha kong patuloy sa pagtulo.

Matama sya nakatingin sa akin habang naiyak ako.

"Elle, sumama ka sakin."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ko. Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya iyon sa akin.

"Are you insane?" hindi makapaniwalang sabi ko. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"16 lang ako. 17 ka lang! Anong mangyayari satin sa gantong edad at padalos dalos? Arlan? Naiisip mo ba ang future natin?" hindi niya ako sinagot bagkus ay niyakap niya lang ako.

"Elle, sorry. Mahal lang talaga kita kaya iyon pumasok sa isip ko." hindi ako nakaimim at niyakal sya pabalik.

"I'm sorry too. Wala akong magawa para ipaglaban ka." paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Naramdaman ko ang pag iling niya.

"Wala kang dapat ika sorry. Hindi naman natin alam na magiging ganto ihh. We started a relationship with the wrong time. So don't blame yourself." hinawakan niya ang mukha ko. Wala akong nagawa kundi tumango sa kanya.

"I love you, Elle." naramdaman ko ang halik niya sa labi ko.

Naghalo ang tuwa at saya na nararamdaman ko. Kasabay noon ay ang pagtulo ng aking luha.

"Elle, sumama ka sakin. Hindi tayo magtatanan. I just want to be with you." nakita ko ang pagsusumamo niya sa akin habang sinasabi niya iyon.

Walang pag dadalawang isip ay sumama ako sa kanya papunta kung saan malayo dito sa lugar namin. Pero parehong isla.

I love him, I can't do everything dor him but this I can.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon