Chapter 7

95 6 0
                                    

Chapter 7

"Alam mo? Ilang taon na tayong magkakilala hindi mo pa din ako nadadala sa inyo. I mean na isasama sa bahay niyo. Iyon bang papasukin mo sa bahay nyo. Lagi lang akong sa labas ihh." para bang nahihiya sya ng sabihin iyon. Natawa naman ako sa itsura niya.

Oo nga. Hindi ko pa sya napapasok sa bahay. Pero kahit papaano ay kilala sya ni Manang. Lagi ko syang naikukwento kay Manang.

"Ahh! Sige. Isasama kita sa bahay namin." nakangiti kong sabi sa kanya. Tumango naman sya sa akin.

"Sabi mo ahh?"

Malakas ang loob kong pumayag sa kanya dahil wala naman na si Mommy sa bahay. Nakalipad na oa Maynila.

Pagdating ng hapon ay isinama ko sya sa bahay. Dito kami magmemeryenda. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay namin, parang bahay bakasyunan lang.

"Nay, nandito na po ako." dare-daretso sa loob na sabi ko sa buong bahay. Hindi ko alam kung nasan si Manang kaya naman sumigawan nalang ako upang marinig niya.

"Arlan, maupo ka muna dyan." pinaupo ko muna sya bago nagtungo ng kusina. Para kumuha ng pagkain.

Doon ko natagpuan si Manang.

"Ay, nak. Sakto lang ang dating mo dahil kakaluto ko lamang ng meryenda." napatingin ako sa lamesa kung saan nakalagay ang meryenda. Mayroong lutong bananaque, puto at isang pitsel ng juice ang naandoon.

"Nay, may kasama mo ako. Kasama ko po si Arlan. Iyong kaibigan kong lagi kong naikukwento sa iyo." masayang pahayag ko sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha, ngunit hindi ko binigyan ng pansin iyon. Baka nagulat lang sya dahil ngayon ko lang naisama si Arlan dito sa bahay.

"Nak, bakit ngayon mo pa siya isinama dito sa bahay?" naguguluhan man sa tanong ni manang ay sinagot ko pa din sya sa masayang boses.

"Manang kami na po ni Arlan. Balak ko po sanang dito kami kumain ng meryenda para na rin po sana makilala mo sya."

"Nak, kung ganoon. Tsaka mo nalang sya papuntahin dito. Paalisin mo na ang nobyo mo dito. Bilisan mo, kung gusto mo pang magtagal kayo." kinabahan ako sa kanyang sinasabi.

"Nay, ano po bang nangyayare?" magtatanong pa sana akong muli ng ipagtulakan nya ako palabas ng kusina. Mula rito ay nakita ko si Arlan na katayo sa harap ng mga frame ng aming bahay. Sa hagdan ay natanaw ko si Mommy na nakatingin sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Mabilis akong lumapit kay Arlan at agad syang hinila palabas ng bahay.

"Elle, teka? Akala ko dito tayo magmemeryenda? Bakit aalis na agad tayo?" natatakang tanong ni Arlan sa akin. Ngunit hindi ko sya sinagot.

"Elle." napatigil ako ng tawagin ako ni Mommy. Ngunit agad din akong dumaretso sa pinto.

"Elle, hindi mo manlang ba babatiin ang Mommy mo?" muli kong narinig na sabi ni Mommy. Si Arlan ay biglang tumigil at hindi nagpahila sa akin kaya naman napahinto na din ako.

"Elle, Mommy mo?" tanong sa akin ni Arlan ngunit hind ko sya sinagot.

"Ma'am, ako nga po pala si Arlan. Boyfriend ni Elle. Nice to meet you po." magalang na bati ni Arlan kay Mommy. Napapikit ako ng mariin sa ginawa ni Arlan.

May namuong inis ang nabuo sa kalooban ko.

"Wala akong pakealam kung sino at kaano ano ka ng anak ko. Kung hindi mo hihiwalayan ang anak ko. Sinasabi ko sayo, ngayon palang na hindi mo na sya makikita pang muli." may pagbabanta sa boses ni Mommy. Hinawakan ko ang braso ni Arlan.

Ito na iyong ikinatatakot ko ihh. Ang paghiwalayin kaming dalawa.

"Ma'am, malinis mo ang intensyon ko sa anak nyo at mahal na mahal ko po si Elle."

"Mahal?! Ang bata nyo pa! Mahal agad?! At isa pa kung malinis talaga ang intensyon mo sa anak ko edi sana una palang nagpakilala ka na sa akin bago pa maging kayo!" parang tinutusok ang puso ko sa narinig.

"Iyang mahal, mahal na yan din ang sisira sa inyo! Walang patutunguhan ang mahal, mahal na iyan! Kaya hiwalayan mo na ang anak ko!"

"Ma'am, kaya ko pong patunayan ang pagmamahal ko sa anak nyo. Wag nyo lang po kaming paghiwalayin." may pag mamakaawa sa boses ni Arlan. Ramdam kong mahal niya talaga ako.

"Patunayan?! Pwes! Kung tunay ang pagmamahal mo sa anak ko, hihiwalayan mo sya! Kung hindi mo sya hihiwalayan, mapipilitan akong ilayo sya sayo." nanigas ako sa kanyang sinabi. Ngayon, sa ibang lugar na naman nya ako ipapatapon?

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko sa inis na nararamdaman.

"Bakit?! Sya lang iyong taong nandyan para sa akin noong ipinatapon po ako sa lugar nato! Ikaw?! Nasaan ka?! Nandoon ka sa magaling mong anak! Si Arlan yung nagpuno sa pag aalaga mong hindi mo na bigay sakin! Nandyan sya sa mga oras na binubully ako! Pinupunasan nya ang luha ko! Ehh ikaw?! Ano lang ba ang ginawa mo!? Wala kang ginawa kundi ang paiyakin at saktan ako! Ang ikumpra ng ikumpra sa anak mo! Bakit ba kasi kailangan mo akong itago?! Ha?! Sabihin mo! Sana kung itagago mo lang din naman ako sa buong buhay ko! Edi sana pinatay mo nalang ako!" hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Lahat ng sama ng loob ko nasabi ko na.

Isang yakap ang natanggap ko mula kay Arlan.

"Shhh, tahan. Mommy mo pa din sya." Inalo niya ako kahit na alam naming nandyan pa din si Mommy.

"Sige. Pagbibigyan ko kayo. Isang buwan. Isang buwang palugid para sa inyong dalawa. Pag hindi pa kayo naghiwalay, hindi nyo namakikita ang isa't-isa." Pagkasabi niya non ay iniwan na kami ni Mommy.

Lalo akong napahagulgol. Isang buwan? Ibig sabihin, pagkamonthsary namin ay kailangan na naming maghiwalay. Sa ayaw at sa gusto pa naming dalawa.

Bakit ba napaka kumplikado ng lahat?

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon