Chapter 11

72 5 0
                                    

Chapter 11

Mabilis lumipas ang mga araw, siguro kasi masaya kami at ninanam nam ang mga sandaling kasama pa namin ang isa't-isa.

Nagising ako dahil sa liwanag na nanggaling sa bintana. Mataas na ang sikat ng araw kaya agad na din akong bumangon. Sabado na ngayon at may usapan kami ni Arlan na magkikita sa tabi ng dagat para mag swimming at magpicnic.

Agad akong naligo at sinuot ang hinanda kong damit para sa araw na ito. Konting ayos bago ako tuluyang bumaba at ayusin ang mga pagkain na dadalhin ko para hindi kami magutom. Buti nalang at tinulungan ako ni Manang kaya agad din akong natapos bago pa dumating si Arlan.

"Nay, alis na po ako ahh?" Paalam ko kay Manang.

"Wag iingat kayo ahh? Wag pupunta sa malalim." Kabilin bilinan nito sa akin. Masaya akong tumango sa kanya bago lumabas ng bahay.

Kakalabas ko lng ng gate ay sakto namang dating ni Arlan sakay ng kanyang bike. Kumaway ako sa kanya.

Agad kong naramdaman ang kaba ng dumating sya. Until today, I can't believed that his mine now. He's the only one who gave me this kind of feeling.

"Ang dami mo namang dala." Bungad niya sa akin ng makalapit sya. Ngumiti ako upang maitago ang kabang nararamdaman.

"Syempre, para di tayo magutom. Ano ka ba naman." Pangangatwiran ko sa kanya. Napakamot nalang sya sa ulo at kinuha ang dala kong basket.

"Mabigat pala? Akala ko magaan lang. Baka matumba tayo sa bike nito. Haha." Natawa din ako sa sinabi niya.

"Kakalungin ko nalang sa likod mo." Nakangiti kong sabi sa kanya, tumango naman sya at pinaupo nako sa likod niya.

"Kumapit ka sakin, kahit isang kamay para di ka mahulog." Sabi niya sa akin, ginawa ko naman habang ang isang kamay ko ay nakaalalay sa basket na nasa hita ko.

Masarap ang hangin na sumasalubong samin, tinatangay ang nakalugay kong buhok na medyo wavy.

Kakahinto lang ng kanyang bike pero tanaw na tanaw ko na ang dagat. Hindi naman ito gaanong kalayo mula sa aming bahay, sadyang umikot lang kami ni Arlan para sa kanyag bike dahil kung tutuusin may babaan lang doon sa tapat ng bahay namin, tatawid kalang mula sa amin at makikita mo na ang hagdanan pababa.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon