Chapter 13

76 4 0
                                    

Chapter 13

"Tara na. Gutom na ko." Hinila na niya akong muli sa isang kainan. It's a resto, where some Filipino food served.

Kumain kami ng tahimik, madami syang inorder kahit dalawa lang naman kami. Parang pang limang tao na ehh.

"Kumain ka ng marami, kung gusto mo pa sabihin mo lang sakin." Tumango nalang ako sa kanya. Alam kong sa dami nito ay hindi pa namin ito mauubos. Tanging karekare lang ang inulam ko sa lahat ng inorder namin. Favorite ko ito at ngayon ko lang ulit ito matitikan, tuwing birthday ko lang kasi nag luluto noon si Manang. Nang maubos ang pagkain sa plato ko ay umayaw na ako, napatingin ako kay Arlan na mukhang kanina pa pala tapos at pinapanuod ako.

"So I assume, you're favorite was karekare?" Napatango ako sa sinabi niya, agad akong namula. Buti nalang at hindi na sya nangulit pa, agad niyang tinawag ang waiter at binayaran lahat ng kinain namin. Pinabalot niya din ang mga pagkain na hindi naman nagalaw. Nalaman ko nalang na kaya niya iyon ipinabalot para sa mga batang pulubi na nasa labas ng resto. Sa ginawa niyang iyon ay lalo ang nahulog sa kanya.

Mas nakakaturn on iyong ginawa niya sa tulad kong babae. Hindi na talaga ko nagtataka kung bakit madaming nagkakagusto sa kanya, hindi lang sa physical appearance, maging sa ugali niya.

Pagkatapos niyang ibigay ang pagkain sa mga bata ay akala ko, uuwi na kami. Ngunit nag-ikot pa kaming muli. Nagpahula, window shop, naging masaya ang aming pag-iikot. Saya na hindi ko maiimagine na nararamdaman ko ngayong kasama ko sya.

"Elle?" Napalingon ako may Arlan. Nakaupo kami ngayon sa tabi ng fountain. Nagpapahinga sandali mula sa mahabang pag-iikot ikot.

"Hmm?"

"Masaya ka ba ngayon?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Kahit na medyo na wi-weirdohan ay sinagot ko pa din.

"Oo naman. Kasama kita ihh." Nakangiti akong sumagot sa kanya.

"Paano kung hindi mo nako kasama? Masaya pa din ba?" Napawi ang ngiti ko sa kanyang tanong. Parang may gumuho sa parte ng puso ko sa sinabi niya.

"Hays! Ano ba namang klaseng tanong iyong tinatanong ko? Tara na nga. Hatid na kita sa inyo." Agad syang pumara ng tricycle, walang naimik sa aming dalawa pero hawak niya ang kamay ko katulad kanina.

Hindi pa din maalis sa isip ko ang tanong niya hanggang sa bumaba na ako sa tapat ng bahay.

"Ingat ka ahh? I Love You." Bulong ko sa kanya bago ako tuluyang bumaba ng tricycle.

"I Love You too." Sabi niya naman bago umalis ang tricycle, kahit na may bumabagabag sa akin ay napangiti pa din ako.

Pagod akong binaksak ang katawan sa aking kama. Iniisip ko pa din ang tanong niya kanina.

'Paano kung hindi mo nako kasama? Masaya pa din ba?'
'Paano kung hindi mo nako kasama? Masaya pa din ba?'
'Paano kung hindi mo nako kasama? Masaya pa din ba?'

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Wala akong mahanap na salita sa mga tanong niya. Ginulo ko nalang ang buhok ko at nagpagulong gulong sa aking kama.

"Aish!!!" Sigaw ko ng tumigil ako sa paggulong ko. Nakatitig ako sa kisame habang nag-iisip.

Ano bang nasa isip niya at naitanong niya iyon? Hays! Dahil ba sa t-shirt na bigay ko? Shit! Dapat ata hindi ko na binili iyon.

Muli ko na namang ginulo ang buhok ko, sa kalagitnaan ng ginagawa ko ay kasabay noon ang pag vibrate ng aking phone. Agad ko iyong tinignan kung sino ang nagtext. Agad na namang binalot ng kaba ang aking dibdib dahil sa nakitang pangalan niya sa aking phone.

He texted me!

Arlan:
Don't bother your self to think about my question. Hindi ko lang kasi maisip kung paano pagnagkahiwalay na tayo. Mahal kita, tandaan mo.

May saya akong naramdaman sa nabasang text galing sa kanya, pero may lungkot din dahil ganoon din aking naiisip.

Ako:
I Love You too.:*

Tulad ng text niya ay kinalimutan ko ang tanong niya. Iyon naman ang gusto niya. So I did.

We text until we fell asleep. Topic? Wala lang. Kung ano ano lang.

Kinabukas back to normal ulit. Susunduin niya ako sa bahay, sabay kaming mag aalmusal, papasok ng school, breaktime, lunch, gagawa ng activities sa free time, at huli ay ang hatid ako pauwi. That's our daily routine for the whole week.

Naging maayos naman ang buong linggong may pasok pero ngayon sabado ay hindi ako mapakali dahil sa hindi pagpaparamdam ni Arlan sa akin. Hindi makatiis ay tinext ko na sya nginit wala pa din, until I received a message from unregistered number. Bigla akong kinabahan.

Unknown:
Wait for me at the tower. I have something to tell you.

Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi dahil hindi ko naman kilala ang ang nagtext. What if this a spam? Agad akong umiling sa aking naiisip. Just try. Malay mo si Arlan pala iyon at nakitext lang.

Nang nakapagdesisyon ako ay agad na akong naligo at nagbihis para sa aking pag punta ng tore. In the light house.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon