Chapter 14

71 4 0
                                    

Chapter 14

Kanina pa ko nandito sa light house ngunit wala pa din akong nakikitang papunta dito na kahit sino. Napapaisip tuloy kung totoo ba yung text sa akin o hindi.

Kinakabahan ako sa bawat minutong dumadating, kahit konting pagaspas lang ng mga dahon ay napapalingon na ako.

"Hi." Agad akong napalingon sa nagsalita sa likod ko. Para akong nadisappoint ng makitang hindi iyon si Arlan. Si Enzo. Muli kong ibinalik sa dalampasigan ang tingin ko.

"Disappointed?" Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko.

"Silent means yes. Akala mo ako yung boyfriend mo? How sad naman, dahil hindi ako sya. Iniwan ka na siguro niya, pinagpalit sa iba. Bakit ba kasi hindi nalang ako? Promise, hindi kita iiwan. Kahit ano pang mangyari. Hindi ako tulad ng boyfriend mo." Agad sumiklab ang inis sa akin sa kanyang sinabi. Ikinuyom ko ang kamao ko at handa na akong suntukin sya ng biglang tumunog ang phone ko.

Agad akong nabuhayan ng makita ang pangalan ni Arlan. He's calling. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin ang kanyang tawag.

"Arlan!" Pangalan niya ang aking bungad. Kanina ko pa sya hinihintay at eto na nga. Nakita ko ang pagtitig sa akin ni Enzo, pero hindi ko sya pinansin. Naiinis ako sa mga pinagsasabi niya.

"Hello? Elle. Si Lolo Hector ito." Agad akong kinabahan ng si Lolo Hector ang nagsalita sa kabilang linya.

"Nasaan po si Arlan? Bakit kayo po ang tumawag? May nangyare po ba?" Sunod sunod ang tanong ko sa sobrang pag aalala.

May kutob ako may masamang nangyare kay Arlan!

"Anak, hinay hinay lang. May sakit si Arlan. Pasensya na kasi ayaw niyang ipasabi sayo." Agad na akong tumayo para sa pagpunta ng bahay nila Arlan.

Shit! Eto na nga ba amg sinasabi ko ihh! Umulan kahapon pauwi at nabasa siya ng ulan, dahil saktong paghatid niya sa akin sa bahay ay kasunod nito ang pag ulan.

"Sige po, pupunta na po ako dyan ngayon na." Agad kong pinatay ang tawag at nagmamadaling umalis pero may isang kamay ang pumigil sa akin.

"You really love him huh? How sad naman, na hindi kayo magtatagal." Nanigas ako sa sinabi niya. Kunot noo ko syang tinignan.

"Bakit? Ano bang alam mo? Wala! So shut up!" Sigaw ko sa kanya at inalis ang kamay niya sa braso ko. Nakakailang hakbang palang ako palayo sa kaya ng muli syang magsalita.

"I know everything. And I know something you didn't know." Hindi ko na sya pinansin pa at iniiwan na syang mag isa.

Kumakot ako sa bahay ni Lolo Hector pagkababa ko ng tricycle. Hinihingal ako sa sobrang kabang nararamdaman ko.

"Lolo Hector!" Sabi ko habang nakatok. Wala pa ding nagbubukas. Nakailang katok pa ako bago iyon na buksan. Inilabas noon si Lolo Hector na mukhang aalis.

"Lolo, ano pong nangyare kay Arlan? Asan po sya? Saan mo kayo pupunta?" Natataranta kong tanong. Hindi kaya nasa hospital si Arlan? Shit!

"Hinay hinay lang, anak. Nasa loob si Arlan." Pagkasabi niya noon ay agad na akong papasok sa loob. Nakahinga ako ng maluwag. Wala sya sa hospital, at naandito sya!

"Anak, aalis muna ako. Ikaw na muna ag bahala sa apo ko ahh?" Napatigil ako, tumango ako kay Lolo Hector at nagdare daretso na sa loob.

Walang tao sa sala, kaya naisipan kong puntahan si Arlan sa kanyang kwarto. Napangiti ako ng makita ko syang nakahiga sa kama at tahimik na natutulog.

Dahan dahan ko syang nilapitan, doon ko nakita ang tahimik niyang pagtulog. Tinignan ko ang buong mukha niya, ang tan skin niya, matangos na ilong, mahabang pilik mata, malalim at mapupungay niyang mga mata at ang kanyang thin lips. Almost perfect kumbaga. Ang swerte ko kasi sa dami ng nagkakagusto sa kanya, ako yung nagustuhan at minahal niya.

I decided to cook for him, para pagkagising niya ay makakain na sya at makainom ng gamot. Matapos kong magluto ay binantayan ko sya sa kanyag pag tulog. Gusto ko syang alagaan at bantayan sa simpleng gawain na to ngayon.

Maya maya lang ay nakita ko ang paggalaw ni Arlan sa kanyang higaan. Tatayo na sana ako para lapitan sya ng bigla syang nagsalita.

"Pa.. Pa.." natigilan ako sa narinig ko. May kung anong mainit na bagay ang parang humaplos sa puso ko.

Nananaginip sya, tungkol sa Papa niya. Ang ala ko hindi niya nanakita ang papa niya ng magkamuwang sya sa mundong ito. Maging ang kanyang inang namatay dahil sa pagnganganak sa kanya, ngunit hindi ko alam kung anong nangyare sa papa niya.

Lumapit ako sa kaya ng muli niyang binanggit ang kanyang ama. I hold his hand. Halos maiyak na din ako ng makita ko ang luhang tumulo galing sa kanyang mata.

Parang pinipiga ang puso ko. Ang Arlan ko ay nanaginip tungkol sa kayang ama. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, mas nasasaktan akong nakikita syang ganito.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon