Chapter 8

100 6 0
                                    

Chapter 8

Buong gabi akong nagmukmok ng kwarto at umiyak. Kinabukasan ay nalaman kong umalis na si Mommy. Humarap ako sa salamin at doon ko nakita kung gaano kamaga ang mata ko. Hindi mawala ang lungkot sa aking mga mata hanggang sa lumabas ako ng kwarto ng matapos akong maligo at magbihis.

"Nak, buti naman at gising kana. Naghain nako. Kumain kana. Kagabi ka pa hindi nakain ihh." sinalubong ako ni Manang ng makita ako sa pagbaba ng hagdan. Tango lamang ang isinagot ko sa kanya. Sinamahan niya ako patungo sa kusina kung nasaan din ang hapagkainan.

Umupo ako sa dulo ng lamesa kung saan nakahain ang pagkain na sinasabi ni Manang na para sa akin.

Mabagal ang bawat naging galaw ko. Tila ba wala akong gana sa buhay ko ngayon. Mukhang hindi pa rin na tatapos ang pagluluksa ko dahil sa kahapong nangyare.

"Nak?" napatingin ako kay Manang ng tawaging ako nito.

"Ayos ka lang ba?" may pag aalala nyang tanong sa akin. Agad akong napatingin sa pagkain ko at umiling.

"Nay, bakit ganoon si Mommy?" mahina kong tanong kay Manang. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin pag makausap ako ng maayos.

"Hindi ko din alam anak. Ang alam ko lang, alam ng magulang ang ikabubuti ng kanyang anak." hindi ko na napigilan ang pagbaksak ng aking mga luha sa kanyang sinabi.

"Nay, kung alam niya. Bakit niya ako pinatapon dito?"

"Anak. Alam kong alam mo na may tamang dahilan si Jenifer kaya niya ito na gawa." yumakap nalang ako Manang dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko mapigilan mag isip kung ano ang dapat maging dahilan niya.

Ilang sandali pa kaming nasa ganoong pwesto ng marinig namin ang pagdoorbell. Humiwalay ako sa yakap kay Manang.

"Nak, tignan ko lang iyong nagdoorbell. Tapusin mo ang pagkain mo." tumango naman ako bago sya tuluyang mawala sa aking tabi.

Naglilikom na ako ng pinagkainan ko ng bumalik si Manang. Hindi ko sya nilingon pa at nagdare-daretso sa ginagawa.

"Nay, ako nalang ho ang magli--Arlan?" ang akala kong si Manang ay si Arlan pala.

Masayang nakangiti ito sa akin. Tila ba ang lungkot ko ay napawi dahil sa kanyang ngiti. Itinigil ko ang aking ginagawa at nagmadaling makalapit sa kanya. Sinalubong ko sya ng yakap. Isang mahigpit na yakap din ang ibinigay nya sa akin. Muling tumulo ang mga luha ko sa kanyang ginawang yakap.

"Shh. Baby naman. Wag ka nang umiyak. Promise ko sayo. Gagawin nating memorable ang mga araw na magkasama tayo." pag-aalo nya sa akin. Tumango tango ako habang pinupunasan ang luha sa aking mata.

Muli ay isang ngiti lang niya ang nagpawi sa aking pag-aalala para sa aming dalawa.

"So ano? Tutulungan pa ba kitang magligpit para makapagbihis ka na?"

"Huh? Saan tayo pupunta?" may pagtataka sa aking tanong.

"Magsisimba tayo." tinulugan niya akong magligpit ng aking pinagkainan. ako ang nagsasabon habang sya naman ang nagbabanlaw.

"Ang cute mo." out of the blue moon kong sabi sa kanya. Agad syang napatingin sa akin kaya tumama ang kanyang pisngi sa aking hintuturo na ikinatuwa ko. May dumikit na bula sa kanyang pisngi dahil sa aking ginagawa.

"Ay, ganoon. Gusto mo ng laro? Haha. Pagbibigyan kita." bigla niya akong pinahiran ng sabon sa aking mukha. Natatawang nilakihan ko sya ng mata. Tumawa lang sya ng tumawa. Este kaming dalawa. Wala kaming ginagawa kung ang maglaro habang nagliligpit ng plato. Nang matapos ay pinaupo ko muna sya sa sala habang ako naman ay umakyat ng kwarto para magbihis.

Muli akong tumingin sa salamin bago bumaba para magpakita sa kanya. Agad syang tumayo ng makita ko. Nakita ko ang magkamangha niya sa akin. Nag-ayos talaga ako ngayon dahil ito ang magiging una naming date bilang mag nobyo at nobya.

"Ang ganda mo. Bagay talaga sayo ang naka dress. You look like a Queen and I'm the King." namula ako ng iyon agad ang sinabi niya sa akin ng makalapit ako sa kanya.

"Ang landi mo!" singhal ko sa kanya upang matabunan ang nararamdaman kong kilig.

"Sayo lang naman." dahil sa sinabi niyang iyon ay lalo lang naghuramentado ang dibdib ko.

"Ay nako! Tara na nga!" pag iiba ko ng topic at para na din makaalis na kami. Baka magsimula na ang misa ihh.

"Nay, alis na po kami!" malakas na sabi ko bago kami lumabas ng bahay. Narinig ko din ang pagsagot ni Manang bago kamis tuluyang makaalis.

Sa aming paglalakad ay naramdaman ako ang paghawak nya sa aking kamay. Tinitigan kong sandali ang kamay namin tsaka ko naman sya tinignan. Kunwari itong patay malisya sa kanyang ginawa. Napangiti ako dahil sa kanya.

Ilang sandali pa ay nakarating din kami sa simbahan. Walking distance lang ang lahat ng lugar dito kaya pag may pupuntahan kaming dalawa ay naienjoy namin ang bawat mga oras.

"Dito tayo." umupo kami sa bandang likuran kung saan mayroong bakanteng upuan. Nagsisimula na din ang misa ng dumating kami.

"Baby, maya tayo lumabas." bulong nya sa akin ng matapos ang misa. Pumayag ako at inintay naming naubos ang mga tao sa loob ng simbahan hanggang sa kami nalang dalawa ang taong naiwan sa loob.

"Ayan, wala ng tao. Tara na." yakag ko sa kanya ngunit pinigilan niya ako.

"Bakit?" isang ngiti ang ipinakita niya sa akin.

"Arlan naman. Anong trip mo?"

"Elle, magpromise tayo sa isa't-isa na kahit anong mangyare hindi tayo maghihiwalay. Walang iwanan." nakangiti sya ng sabihin niya iyon sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng may ilabas syang dalawang pares ng baracelet na may inisyal na 'AFJ' at 'JFA' na ang bibig ay Arlan For Jeanelle at Jeanelle For Arlan.

"This bracelets symbolize of our love." isinuot nya sa akin iyong isang bracelet at sya din ang nagsuot ng kanya.

"Wag mo tong iwawala ahh? Hangga't na sayo ito at nasa akin to. Mananatili ang pagmamahal sa ating dalawa." parangrang natunaw ang puso ko sa tuwang nararamdaman. Wala akong nagawa kundi yumakap sa kanya.

"I Love You. Arlan Cortez."

"I Love You too. Jeanelle Chua." he said and kissed my forehead.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon