Chapter 6

88 6 0
                                    

Chapter 6

Imbis na isang malakas na baksak sa tubig ang aking natamo ay isang malakas na paghigit sa aking kamay sanod ang mahigpit na yakap ang aking naramdaman.

"Shit! Elle! Muntik ka na doon! Pinakaba mo ako!" naramdaman ko ang isang halik sa aking ulo habang nakayakap ito sa akin. Rinig na rinig ko ang malakas na kalabog ng kanyang dibdib.

Agad niya ako inakay palayo doon sa batohan habang yakap pa din niya ako.

Kung kanina ay pigil hininga ako. Ngayon ay hindi na. Kaba ang namuno sa katawan ko, hindi dahil sa muntikan kong pagkahulog kundi sa kanyang pinapakitang pag-aalala. Alam kong hindi to pag-aalala bilang bestfriend.

"Paano nalang kung nalaglag ka?! Hindi ko kakayanin iyon! Ilang araw na nga kitang hindi nakita at nakasama, iyon pa nga lang halos hindi ko na kayanin. Paano pa kaya pag nalaglag ka? Aish!" panenermon niya sa akin dahil sa aking sobrang pag aalala. Napangiti ako sa kanyang inaasata.

Ang sarap sa feeling na iyong lalaking mahal mo ay nag aalala sayo. Napangiti ako ng mapakla ng marinig ko ang tugtog sa aking earphone.

(Now Playing: My Sweet Boy by Julie Anne San Jose)

Umalpas ako sa yakap ni Arlan.

"Ang OA mo! Hindi naman ako mahuhulog doon kung hindi dahil sa hangin na iyon." natatawa pa ako habang sinasabi ko iyon para lamang mapanatag ang loob niya. Ngunit niyakap niya lang akong muli.

"Elle, namiss kita sobra! Ano bang nagyare sa iyo? Iniiwasan mo ba ako?"

"Arlan naman. Namiss din kita syempre!" pasimple akong yumakap sa kanya pabalik.

Nagtagal din ang yakapan naming dalawa. Tahimik lang kami pareho at walang balak magsalita. Siguro ay pareho naming ninanamnam ang bawat sandaling magkayakap kaming dalawa.

Pasimple kong inilagay sa kabilang tenga niya ang isang pares ng aking earphone.

"Bakit ba kasi hindi ka nagparamdam? Bakit hindi ka din pumapasok?" finally he spoke. Sya lang ang naglakas ng loob sa aming dalawa.

"Long story." simpleng sagot ko at nagtago sa kanyang dibdib.

Parang gusto ko nalang pahintuin ang oras para manatili kaming magkayakap sa isa't-isa.

"Haha. Ngayon ka pa naglihim sa akin kung kailan tayo na?" agad akong kumalas sa yakap sa tanong niya. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.

"Ang bilis mo naman! Hindi ba pwedeng ligaw muna?" pahard to get kong sabi. Haha. Hindi pa nga ako umaamin, tapos kami na agad?

"Niyakap mo ko pabalik. Hindi pa ba iyon basehan? Aminin mo. Mahal mo din ako." malakas ang tiwala nyang aamin ako sa kanya, ngunit ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya.

Lalaki pa ulo nyan pag umamin ako sa kanya.

"Silent means yes. So oo, mahal mo nga ako!" masayang sabi niya. Wala akong nasabi kundi ngiti lamang. Lalong lumawak ang kanyang ngiti habang nakatingin sa akin.

(Now Playing: Born For You by David Pomeranz)

Mas naging romantic ang paligid namin ng sumakto ang tugtog. Nangingilig ang luha ko ng sabayan niya pa ang kanta.

"Too many billion people running around the planet. What is the chance in heaven that you'd find your way to me. Tell me what is this sweet sensation It's a miracle that happened. Though I search for an explanation... I Love You, Elle." pinunasan niya ang luhang pumatak mula sa akin mata. Isang yakap ang aking isinukli sa kanya.

Sana lagi nalang ganto. Sya iyong kasama ko at laging masaya. Luluha ka sa saya at hindi dahil sa kalungkutan.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon