Epilogue

128 7 0
                                    

Epilogue

Maaga akong nagising at nagmumunimuni, nakatingin sa malawak na dagat. Hindi ko akalain na ang dating pinagmamasadan ko lang na batang babae ay ang babaeng kasama ko na ngayon.

Ilang araw na akong nagpapabalik balik sa dalampasigan na ito. At palagi ding naandito ang batang babaeng iyon. Mag-isa at mukhang malungkot. Maganda sya at may mapuputit makikinis na balat, halata mong hindi sya taga dito. Baka nagbakasyon lang?

Lumipas pa ang mga araw at ganoon ang laging nadadatnan ko, ang batang tulala sa tabing dagat.

"Bata? Bakit ka malungkot?" tanong ko sa kanya ng naglakas ako ng loob na lapitan sya. Ngunit hindi niya ako sinagot.

"Patabi ako ha?" walang sabi sabing tinabihan ko sya. Hindi naman din sya umiimik ihh, baka pipi.

"Alam mo? Nakakapanget ang nakasimangot."muli ay hindi niya ako sinagot.

"Ako nga pala si Arlan. Ikaw Anong pangalan mo?" nagulat ako ng bigla nya akong iniwan mag-isa. Nakaramdam ako ng lungkot sa ginawa niya. Lalo akong nagkainterest sa kanya.

"Bata! Teka lang!" hinabol ko sya.

Kinulit ko sya, tinanong kung pipi ba sya o bingi at sinabi kong gusto ko lang syang maging kaibigan pero nabigla ako ng umiyak sya. Nataranta ako sa ginawa niyang pag iyak. Gumawa ako ng paraan para mapatahan sya at makita ang maganda niyang ngiti.

"Jeanelle. Elle for short." Hindi ko maiwasang mamangha sa pagsilay ng kanyang ngiti.

"Ang ganda naman pala ng pangalan mo ihh. Kasing ganda mo." Mas lalo akong namangha sa pagtawa niya.

Simula noon naging magkaibigan na kami. Doon din nagsimula ay pagkakagusto ko sa kanya.

"Nakikita mo ang toreng iyon?" itinuro ko ang light house sa kanya. Pinagmasdan niya ito.

Nangyayain ko sya papunta doon ay hindi sya tumanggi. Mabilis syang tumakbo, at halos maunahan niya ako papunta sa light house. Nakakamangha siya, tila ba may kung ano sa kanya at kahit bata pa kaPmi ay gusto ko na sya.

"Sabi ko. Kung gusto mong umakyat? Kaso mataas yan. Baka wala pa sa kalahati ay pagod kana." Pang aasar ko sa kanya.

Sa pagtakbo niya palang kanina ay alam ko na kung umakyat kami ng light house ay kayang kaya niya.

"Kuh! Siguraduhin mo lang. Hindi kita bubuhatin." Muling pang aasar ko sa kanya.

Pumasok ako sa loob ng light house at sumunod naman sya. Nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha ng makita ang loob ng light house. Tila ngayon lang sya nakakita ng ganito.

"Alam mo bang may kwento ang toreng ito? Tungkol sa magkasingtahan. Palagi silang naakyat sa toreng ito. Halos lahat ng tungkol sa magkasintahan ay alam ng toreng ito. Simula sa kanilang pagkakakilala at sa kanilang pagkakahiwalay." Kwento 'ko sa kanya habang paakyat kami. Yes, that's true.

"Isang beses kasi, nalaman ng magulang ng babae ang kanilang relasyon. Dahil sa tutol ang magulang ng babae ay inutos ng mga ito na ipapatay ang lalaki. Nagkataon na magkasama sang magkasintahan sa toreng ito. Dito sa toreng ito nangyare ang trahedya. Dito tinangkang patayin ang lalaki subalit sa sobrang pagmamahal ng babae sa kanyang nobyo ay singga niya ang bala na dapat ay sa kanyang nobya tatama."

"Ang sad naman ng kwento nila. Pero anong nangyare sa lalaki pag katapos noon?"

"Nanatili parin syang buhay hanggang ngayon." It was my grandfather's story.

Agad akong napatingin sa harap naming, nasa taas na pala kami ng tore. Mabilis na dumapo ang malamig na hangin sa aming mga balat.

"Arlan, tignan mo iyon ohh." Agad kong tinignan ang itinuro niya. Napasimangot ako ng makita ang batuhang itinuro niya. Ang ipinagbabawal na lugar dahil delikado.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon