Chapter 12

77 5 0
                                    

Chapter 12

Muli kong sinulyapan ang sarili sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto. Isang kulay royal blue na off shoulder na dress ang sinuot ko at isang dollshoes para sa pagsisimba at pupuntahan naming dalawa ni Arlan.

I smile when I saw him in our salas waiting for me. Nakita ko ang pagmangha sa kanya ng makita ako. Ngayon lang ako nag ayos ng ganito, hindi para sa sarili ko kundi para sa kanya.

Tumayo sya sa kanyang kinauupuan at sinalubong ako sa baba ng hagdan.

"Shall we?" Nakiliti ako sa kanyang pagbulong. Tila ba naakit ako sa kanyang boses.

"Nay, alis na po kami." Paalam ko.

Hinawakan niya ang kamay ko habang palabas kami ng bahay. Muli ko na namang naramdaman ang pamilyar na pakiramdam sa kanya na sya lang ang kayang magparamdam sa akin. Siguro kasi sa kanyang lang umikot ang mundo ko, sya lang yung laging nandyan, yung lagi kong nakakasama sa school o sa labas ng school.

Nang may dumaan na tricycle ay agad syang pumara para makasakay kami papunta ng simbahan. Tahimik lang ako, at tangin puso ko lang ang maingay. Ganoon din naman sya at parang nakikiramdam sa akin. Tanging mga kamay lang namin ang nag-uusap sa ginagawa niyang paglalaro sa kamay ko.

Bumaba kami ng tricycle pagdating ng simbahan, agad din naman syang nagbayad bago tuluyang umalis ang tricycle.

"Tara na sa loob? Parang magsisimula na ang misa ihh." Pagyayakag niya naman sa akin kaya agad nalang akong pumayag. Wala din naman kasing magawa dito sa labas.

Mabilis na natapos ang misa, pagkaupo namin ay agad din itong nagsimula. Lumabas kami ng simbahan at muling sumakay ng tricycle. Wala pa din akong imik sa kanya, hindi nagtatanong kung saan kami pupunta dahil nasabi na nya iyon sa akin na sa bayan kami tutungo.

Pag dating ng bayan ay bumaba na kami. Madaming tiyangge ang aking nakita at ilang mga kainan. Madami ding tao ang namimili, siguro ay dahil araw ngayon ng linggo at araw ng pahinga, at madami ding walang pasok kaya naman madami ang namimili ngayon.

I remember when I was in Manila we always went to Mall every Sunday, shopping, sine and ate in the favorite resto of Mom and Dad. But it was before and never be back again, because I'm here in Batanes, with Arlan.

"Halika, doon tayo sa tiyangge." Wala akong nagawa kundi magpahila o magpatangay sa kanya sa kanyang itinuro.

We window shop, sometimes he ask me if I want this, that, those, but I always say no. Ayokong gumastos sya ng gumastos dahil lang sa akin. Kahit na alam kong pinag-ipunan niya itong paglabas namin ay ayoko pa din.

"Bagay sayo. Mukha kang baboy!" Humalakhak sya sa pang aasar sa akin, imbis na mainis ay natawa nalang din ako. May nakita kasi kaming sumbrero na baboy at pinasuot niya sa akin.(kung alam niyo yung ganung sumbrero? Yung mga animals characters.)

"Ahh, ganoon? Ako baboy? Ehh, ikaw ano?" Iniikot ko ang mata ko sa mga tabi ng baboy na sumbrero, napatigil ang mata ko ng mahagip ang isang baboy na may salamin. Parang ka partner ng suot kong sumbrero kaya agad ko din iyong kinuha at ipinasuot sa kanya.

"Look, you looks like a pig too." I laugh. Namalayan ko nalang na binayaran niya ang sumbrerong suot namin, at first I insist pero nung sinabi niyang...

"Cute ka dyan. Cute din ako. Bagay tayo. Kaya wag ka ng umangal, pag umangal ka. Hahalikan kita." Kaya naman hindi na ako nagpumilit pa.

Sa pag iikot pa namin, may nakita akong couple shirt. Nag iisa lang ito. Pero hindi ang pag iisa nito ang naka agaw ng pansin ko kundi ang nakasulat sa t-shirt. 'Easy lang. Magbebreak din kami' nakakatuwa lang kasi.

"Arlan, CR lang ako." Agad akong nagpaalam sa kanya at agad akong lumapit sa printing shop na iyon kung saan naka display ang T-shirt.

Sana magustuhan niya!

"Kuya? Magkano iyong T-shirt na nakadisplay?" Tanong ko.

"Ahh, hindi iyon ipinagbebenta. Pasensya na." Para akong nanlumo sa sinabi niya. Kaya nagpumilit akong bilhin iyon hanggang pumayag sila. Pati ang may ari ng printing shop ay lumabas sa pangungulit ko.

"Anong nangyayare?" Tanong ng kakalabas lang ng babae mula sa loob. Tinignan ako nito.

"Ate, kasi nangungulit syang bilhin ang T-shirt na display natin sa labas." Halos magmakaawa ako ng tumingin sya sa akin. Nagtaka ako ng bigla syang ngumiti.

"Then, sell it. Kung gusto niya, then sell it." Doon ay nabuhayan ako ng loob. Kahit na medyo mahal ay binili ko pa din.

Pagkabili ko ay agad ko syang binalikan kung saan ko sya iniwan. Kanina. Nakatingin sya sa akin, seryoso.

"Saan ka galing?" Malamig niyang tanong sa akin. Agad na napawi ang saya sa aking mukha sa tanong niya. Hindi ako nakasagot.

"Doon na ba sa printing shop na iyon ang CR?" Agad na napakunot ang noo ko sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko sa sabihin sa kanya kung ano ang ginawa ko doon.

"Answer me, Jeanelle. What are you doing in that printing shop?" Nagulat ako sa kanyang tanong sa akin sa english. Daretso ang kanyang ingles at tila ito ang mother tongue niya.

Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag, ngunit agad ko ding sinagot.

"I brought something for you." Mahina ang pagkakasabi ko noon pero alam kong narinig niya. Ipinakita ko pa sa kanya ang supot kung saan nakalagay ang kulay gray na T-shirt kung saan nakalagay ang 'Easy lang, magbebreak din kami'. Nakita ko ang paglambot niya ng makita ang T-shirt.

"You brought it for me?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Napangiti ako sa kanya, kaya naman ako ang naglabas ng T-shirt para makita niya. Masaya akong ipinakita iyon sa kanya, pero nagulat ako sa nakita kong reaksyon niya sa print na nakalagay sa damit. Matalim ang tingin niya sa damit, tila ba tinusunog iyon sa kanyang isip.

"You don't like it?" Tanging nasabi ko. Parang pinipiga ang puso ko sa naisip ko.

"I love it, but I don't want the quote. It's like annoyed me or something and..." Napasimangot ako sa sinabi niya at naghintay pa ng sasabihin.

"And it's like we're surely breakup in the end." Natigilan ako sa lungkot ng pagkakasabi niya. Nakuha ko din ang point ng pagtatampo niya sa binili ko.

Hindi ko naman ito binili dahil sa alam kong magbebreak na kami, binili ko to para sa aming dalawa. Dahil na rin sa kakaibang nakalagay dito.

"Sorry. Sige. Hindi ko na ibibigay sayo to. Itatago ko nalang." Narinig ko ang pagtikhim niya, kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat ako ng kunin niya iyong supot.

"No, you brought this for me. So I take it." Aangal pa sana ako pero nakita ko na naman sa mata niya yung 'Sige, angal pa. Hahalikan kita.' so I kept my mouth shut. And secretly smiled.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon