Chapter 15

66 4 0
                                    

Chapter 15

Nagising ako sa isang haplos sa aking pisngi. Agad kong iminulat ang mga mata ko. Nakatulog ako sa pagbabantay kay Arlan. Nakita ko si Arlan na nakaupo na sa kanyag kama at nakangiti sa akin. Agad ako nakaramdam ng inis at pag aalala sa kanya. Inis dahil hindi niya sa akin at pag aalala dahil may sakit sya.

"You!" Tinuro ko sya. Ang ngiti niya ang napalitan ng kunot ng noo, hindi ko iyon pinansin at inirapan sya.

"Bakit hindi mo agad sa akin sinabing may sakit ka ha?! Nag-aalala ako sayo! Girlfriend mo ko! Sana inalala mo manlang na sabihin sa akin!" Hindi ko na napigilan ang luha ko sa nararamdamang inis ngayon at nahaluan pa ng pag aalala. Agad niya akong niyakap.

"I'm sorry, ayaw ko lang namang mag-alala ka ehh. Sorry na." Pag aalo niya sa akin, niyakap ko nalang din sya at hindi na umimik sa kanya.

I want to hug him, I missed him so much. Maya maya din ay kumalas din ako at agad na tumayo.

"Ohh, sya! Kumain na tayo. Nagluto ako ng sopas." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nakita ko ang pag aalinlangan niya sa pag ngiti ko. Kaya ngumiti muli ako para ipakita sa kanyang okay lang. Okay nako.

"Siguraduhin mong masarap luto mo ahh? Naku! Pag hindi, ikaw kakain ko!" Halos kilabutan ako sa sinabi niya kaya agad akong napaatras. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Akmang aatras pa sana ulit ako ng hapitin niya ang bewang ko. Ramdam ko ang lakas ng kalabog ng puso ko kasabay pa noon ang panghihina ng aking tuhod dahil sa ginawa niya.

Napapikit ako ng unti unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Lalo akong kinabahan at nanghina sa kanya.

"Mukha ka pa namang masarap." Muntik na kong matumba sa pagbulong niya, mabuti nalang at hawak niya ako.

Nakakakilabot. Nakakapanlambot, at tila ba nang-aakit ang boses niya.

"Tara na sa baba, baka hindi ako makapagpigil at ikaw pa kainin ko."

Halos tumigil ang puso ko sa kanya. Lalo na ng bitawan niya ako at talikuran. Nauna syang lumabas, hindi agad ako nakasunod. Napaupo ako sa kama sa sobrang panghihina ng aking tuhod, napahawak din ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng tibok nito.

Arlan! Wag mo ng ulitin yun! Mamatay ako ng wala sa oras!

Pagkababa ko ng kusina ay naabutan ko syang nakain. Binigyan niya ko ng pilyong ngiti pero inirapa at nilagpasan ko sya pra kumuha ng tubig. Tubig bilang pampakalma sa mga ginagawa niya. Nagsalin ako ng tubig sa harapan niya. Uminom ako ng konti sa harap niya.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan? Kumain ka na nga lang!" Masungit kong asik sa kanya para maitago ang kaba. Ngunit hindi manlang nawala ang ngisi niya.

"Isa! Alisin mo nga tingin mo sakin!" Masungit kong asik muli sa kanya, pero hindi ko maitago ang ngiti ko. Natawa din sya sa pagngiti ko.

"Bakit ba? Bawal ko bang pagmasdan ang prinsesa ko?" Mas lalo akong napangiti sa sinabi ko.

"Arlan naman!" Pinipigilan ko pa din ang ngiti ko kahit na alam kong nakita na nya. Narinig ko ang paghalakhak niya.

"Bakit Elle? Malakas ba ang tama ko sayo?" Agad akong namula. Aapila pa sana ako na ang kapal niya pero dinuktungan niya pa ito.

"It's okay, Elle. Alam naman na sa atin lang isa't isa. Akin ka, at ikaw ay akin." Halos matumba na ako sa kinatatayuan ko, buti nalang at may upuan sa tabi ko. Agad kong ininom ang tubig ko bago ko sya muling tinignan.

Ayan na naman ang ngisi nyang mas malawak na ngayon, dahil sa nakita niyang epekto niya sa akin. Ako din ang unang kumalas sa titigan naming dalawa.

"Bilisan mo nalang, kumain para makainom kana ng gamot. Uuwi na ko!" Masungit kong sabi sa kanya. Nakita ko ang pagtaas ng kilay nya na tila ba nagtatanong na bakit uuwi na agad ako.

"Uuwi nako, para makapagpahinga kana!"

"If I know, gusto mo ng umalis kasi baka hindi mo mapigilan ang sarili mo at rape-in mo pa ako!" Humalakhak pa sya sa sinabi niya. Agad akong namula sa sinabi niya.

Ang kapal talaga! Kung hindi ko lang sya mahal iniwan ko na sya ngayon palang!

"Kapal mo! Uuwi na talaga ko! Baka ikaw pa mangrape sa akin!" Pabalik kong sabi sa kanya at nginisihan sya. Akala ko makakabawi ako, pero mas kinilabutan pa ko ng ngumisi sya.

"Hindi ko na kailangang gawin yun. Alam ko namang bibigay ka." Nanlaki ang mata ko sa kanya. Agad na akong tumayo at akmang aalis na.

"Hey! I'm just joking. Movie marathon lang tayo. Gusto pa kitang makasama." Agad akong naoangiti sa sinabi niya. Tila may magandang ideang pumasok sa isip ko.

Joke pala ha? Humanda ka sakin.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon