Chapter 5

104 6 0
                                    

Chapter 5

Naglalakad na ako pauwi ng makita ko si Arlan sa ilalim ng puno habang nakatulala. Agad akong napangiti sa nakita. Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Uy!" panggugulat ko akay Arlan.

"H-Huh?" nakatulalang sabi niya.

"Inlove ka noh?" pabirong sabi ko sa kanya. Pero deep inside nasasaktan ako.

Okay lang. Bestfriend lang naman ako ihh. Alam ko lugar ko.:)

"Ha? Kanino naman?"

"Aba malay ko! Baka sa akin?" Pabiro kong sabi pero may meaning.

Sana nga sa akin nalang.:(

"Haha. Baka nga!" Parang lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ewan ko kung sinasakyan niya ba biro ko o sarcastic lang talaga sya.

Shet! Arlan! Ayusin mo! Baka mafall ako sayo at hindi mo ako sambutin!

"Hindi nga? Kanino nga?" ngayon ay bigla akong nagseryoso. Ganoon din sya.

Nagulat ako ng bigla niyang kinuha ang kamay ko. Nakatingin sya sa akin ng deretso. Hindi ako makagalaw sa mga ginagawa niya, sumabay pa ang kaba kong mas lumakas pa yata.

"Paano kung sabihin kong inlove ako sayo? Maniniwala ka ba?" parang lahat ng dugo ko ay napunta sa aking mukha. Agad kong inilayo ang kamay ko sa kanya.

Shet! Arlan naman! Wag ganto! Baka maniwala ako! Gusto ko nang sabihin iyon peri pinigilan ko.

"Seryoso kasi! Ayoko ng lokohan." kunwaring naiinis at tumingin nalang sa dagat para maiwasan ang tingin niya. Ngunit naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko ay hinarap ako sa kanya.

Hindi ko alam kung aangal pa ba ako pero I'm too shock para umangal sa ginawa niya.

"Tamo na. Hindi ka naniniwala." akmang yuyuko ako ngunit pininigilan niya ako.

"Elle, listen to me. Kahit saglit lang." tumango naman ako sa kanya. Ngunit hindi pa nagsisimula ay gusto ko ng matumba dito sa aking inuupuan dahil sa mga titig niya.

"Una palang gusto na kita." nanlaki ang mata ko sa pagkagulat.

Ako din. Hindi man agad, pero habang tumatagal... Nagugustuhan kita!

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon