Chapter 9

80 4 0
                                    

Chapter 9

"Arlan. Waaahh! Baka matangay ako nito!" sigaw ko habang natawa. Nagpapalipad ako ngayon ng saranggola. Si Arlan ang nagpalipad pero pinasa sa akin. Sa lakas ng hangin ay pakiramdam ko'y tatangayin ako.

"Hahaha. Ang payat mo kasi!" tumawa lamang sya at inasar pa ako.

"Hoy! For your information. Sexy ako! Sexy!" pagtatama ko sa kanya.

"Hindi payat ka. Payat. Pero okay lang. Papatabain naman kita." sinamaan ko sya ng tingin sa sinabi nya.

"Ano? Sa sexy kong to papatabain mo lang ako?"

"Wag kang mag-alala kahit naman mataba ka na, mamahalin pa rin kita." namula ako sa kayang sinabi. Hindi ko napigilan ang pag silay ng ngiti sa aking labi.

"Bolero ka talaga!" tinalikuran ko sya para maitago ang ngiting sumilay sa labi.

Ilan minuto pa akong nagpalipad ng saranggola ng biglang kumalam ang aking sikmura.

"Nagugutom na ko." mahinang sabi ko sa aking sarili. Marahan kong hinaplos ang aking sikmura sa gutom.

"Nagugutom ka na? Akin na yang saranggola para makakain na tayo." tumango lamang ako at iniabot na sa kanya ang saranggola.

Pinanuod ko lamang syang unti unting pinababa ang saranggola hanggang sa kusa na itong malaglag sa lupa at huminto sa paglipad. Pagkatapos noon ay lumapit sya sa akin.

"Saan mo gustong kumain?" tanong sya sa akin babang tinutulungan niya akong tumayo.

"Kahit saan." nakangiti kong sabi. Tumango lamang sya at hinawakan ang kamay ko. Pinaglalaruan niya ang kamay ko habang naglalakad papunta sa kung saan.

Mahaba habang lakarin ay nakarating din kami sa Nanay Ching Karinderia. Sa bayan pa kasi ang mga fastfood.

"Sa isang linggo pupunta tayong bayan." masayang pahayag niya habang nakain kami. Ngumiti lamang ako at tumango.

Matapos naming kumain ay sa tabing dagat naman ang aming tungo. Naglalakad lakad bago kami umuwi.

"Bukas, susunduin kita. Sabay tayong papasok." napatingin ako ng sabihin niya iyon.

"Bakit?" Hindi niya talaga ko sinusundo sa bahay, pero bakit ngayon?

"Wala lang. Gusto lang kitang makasama para masulit ko yung mga araw na kasama pa kita at habang tayo pa." nakita ko ang ngiti sa kanyang labi kaya napangiti rin ako. Pinisil ko ang kamay niyang kaholding hands ko din.

"Baby? Hatid na kita?" tumango naman ako sa kanya. Naglakad na kaming muli papunta sa aming bahay.

"Nandito na tayo. Maghihiwalay na naman tayo." malungkot ang kanyang pagkakasabi. Nginitian ko lang sya dahil sa itsura niya.

"Papasok na ko sa loob." paalam ko sa kanya at bibitaw na sa kamay niya ngunit hindi nya ako pinakawalan. Natawa ako sa kanya.

"Ayaw mo na kong bitawan?"

"Paano kung oo?" matapang nasabi niya. Natawa lamang ako sa kanya.

"Edi oo. May magagawa pa ba ako?" lumapit ako sa kanya na tila ba sasama na ako sa kanya.

"Mamimiss kita." bulong niya sa akin. May anong kiliti akong naramdaman.

"I love you." dugtong niya pa at naramdaman ko ang isang dampi ng labi sa aking noo. Kasunod noo ay ang mabilis na pag alis niya sa harap ko.

Malakas ang kaba ko habang nakatingin sa kanyang likod na papalayo.

He kissed me... On my forehead...

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon