Chapter 1

237 7 0
                                    

Chapter 1

Nandito ako sa dalampasigan. Dito ako madalas pumunta, mas lalo na pagmalungkot ako at nag-iisa. Dagat lang ang nakakapagpakalma sa akin ng ganito.

I missed this place.

Habang nagmumunin-muni ako, nahagip ng mata ko yung dalawang batang babae at lalaki na masayang magkasama habang naglalaro. It reminds me of us, like them playing.

***

"Bata? Bakit ka malungkot?" napalingon ako sa batang lalaki na nakatayo sa gilid ko. Pero hindi ko sinagot ang tanong niya. Tinignan ko lang sya at tumingin ulit sa dagat.

"Patabi ako ha?" hindi ko ulit sya pinansin. Basta nalang din syang umupo sa tabi ko.

Nandito nga ako para matahimik pero heto at may isang batang lalake ang nanggugulo sa akin. Wala ako sa mood, sino ba namang matutuwa na dalhin ka dito sa malayong probinsya na to malayo sa mga kaibigan ko.

"Alam mo? Nakakapanget ang nakasimangot." muli ay hindi ko na naman sya pinansin. Naramdaman kong nakatingin sya sa akin.

"Ako nga pala si Arlan. Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong niya ulit sa akin, pero sa halip na sagutin sya ay tumayo ako at iniwan syang mag-isa.

Nakakainis! He's super annoying! Hindi ba sya nakakaramdam na ayoko ng kausap?! Psh!

"Bata! Teka lang!" hindi ko ulit sya pinansin. Pero nagdere-deretso lang ako. Namalayan ko nalang na nakasunod pala sya sa akin.

"Pipi ka ba? O bingi ka?" dare-daretso pa rin ako. Ngunit imbis na tigilan niya ko ay nakasunod pa rin sya.

Akala ko pa naman matatahimik ako dito hindi pala, nagkamali pala ako dahil may isang batang lalaki na kanina pa sunod ng sunod sa akin at walang tigil na nangungulit sa akin. Umalis nga ako ng bahay para maglaro sana sa sating dagat pero heto naman ang nakuha ko.

"Uy, bata! Teka lang! Makikipagkaibigan lang ako!" sabi ng batang lalaki. Doon ako napatigil sa sinabi niya.

Friend? Madami ako noon, pero hindi ako itinuring na kaibigan. Inaaway, pinaglalaruan ako ng ng mga kaibigan ko. Kaya nga ako nandito ihh. Kasi dito ako pinatapon ng Mommy ko. Ayoko na kasing pumasok, dahil yung mga kaibigan ko na hindi ako itinuring na kaibigan.

Namalayan ko nalang na naiyak na pala ako sa harap ng batang lalaki.

"Hala! Bata! Bakit ka naiyak? Wala naman akong ginagawa sayo?" nagtatakang sabi niya, pero patuloy parin ako sa pag-iyak.

Naaalala ko lang ang nangyari sa akin sa Manila.

"Hala! Uy! Tahan kana." pero hindi pa din ako tumigil sa pag iyak bagkus ay lalo lang akong umiyak.

"Ay! Wait, panuorin mo gagawin ko." hindi pa din ako tumatahan pero nakatingin ako sa kanya.

"Tignan mo. Diba walang nakalagay sa kamay ko, diba?" medyo napatigil ako sa pag iyak dahil sa ginawa niya. Inilapit niya ang kamay niya sa tenga ko. Nakuha nito ang atensyon ko.

"Tada!" masayang ipinakita niya sa akin ang isang bulaklak ng gumamela. Napatigil ako sa pag iyak sa aking pagkamangha.

"Yan, buti at tumahan ka na din." napangiti ako ng ilagay niya sa tenga ko ang bulaklak ng gumamela.

"Yan, maganda ka na. Sabi sayo ihh. Nakakapangit ang nakasimangot, kaya dapat lagi kang nakangiti." nakangiti nitong sabi sa akin. Iniayos niya ang mga kumawalang buhok at inilagay sa likod ng tenga ko. Nakita ko din ang malawak niyang ngiti sa akin.

"Hmm? Nagsasalita ka ba? Anong pangalan mo?" muli niyang tanong sakin.

"Jeanelle. Elle for short." nakangiting sabi ko at pinunasan ang luhang naiwan sa mukha ko.

"Ang ganda naman pala ng pangalan mo. Kasing ganda mo." nakangiti niyang sabi kaya natawa ako.

Ang bata pa niya pero bolero na agad. Sigurado paglaki neto babaero.

"Akala ko talaga pipi ka. Hindi ka baman nagsasalita." sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya.

Ganito lang talaga kasi ako. Nasanay na walang kausap.

"So, friends na tayo?" masayang tanong nito sa akin. Ngumiti ako pabalik at tumango.

He's my first true friend ever.

Note: Wag mag-e expect na mahaba ang bawat chapters. Masasaktan ka lang.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon