Chapter 10
"Jeanelle, anak. Gumising ka na. Nasa baba na ang sundo mong si Arlan." na alimpungatan ako sa katok ni Manang sa pinto ng paulit ulit kasabay ang pagtawag nito sa akin.
May kung ano sa tyan ko ang naramdaman ko ng marinig ko palang ang pangalan niya.
Arlan. Kita mo na kung anung dulot mo sakin? Pangalan mo palang naghuhuramentado na ang puso ko.
"Opo." bumangon ako at binuksan ang pinto. Nakita ko si Manang na naka tayo roon.
"Maligo at magbihis ka na. Nasa baba na si Arlan. Ipaghahain ko na kayo para makakain kayo bago pumasok." tumango ako sa sinabi ni Manang. Sinara ko kaagad ang pinto ng umalis sya at ginawa na ang dapat gawin bago pumasok.
Bitbit ang gamit ko sa school habang pababa ng hagdan. Tapos na ako sa lahat at kakain nalang ng almusal ang kulang.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko kaagad si Arlan. Tumayo ito ng makita ako at sinalubong ako ng isang magandang ngiti.
"Good Morning, My princess." bulong niya sa akin makalapit niya. Muli kong naramdaman ang pamilyar na kaba sa puso ko.
"Good morning too." nginitian ko sya bago ko sya niyayang pumunta sa hapag para makakain ng almusal.
Nakahain na sa lamesa ang almusal naming dalawa kaya naman agad kaming kumain. Pinilit ko pa sya dahil nahihiya daw syang kumain.
"Elle?" napatingin ako sa kanya ng tawagin niya ako sa kalagitnaan ng katahimikan namin habang kumakain.
"Hmm?"
"Anong mangyayare satin pagkatapos ng isang buwan?" napaisip ako sa kanyang tinanung.
Maski ako ay hindi ko alam. Hindi ko lubos maisip na paghihiwalayin kami pag pinagpatuloy pa itong relasyon pagkatapos ng isang buwan.
Kibit balikat lamang ang isinagot ko sa kanya. Narinig ko ang buntong hininga nya.
"Wag nalang muna natin isip iyon. Mas pagtuunan muna natin yung ngayon. Sulitin ang bawat araw tulad ng sabi mo." binigyan ko sya ng isang ngiti na magtatago sa aking kaba at takot na alam kong meron din sya. Sinuklian niya din ako ng ngiti na parang nagpalakas sa kanyang kalooban.
Matapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay Manang.
"Nay, alis na po kami ni Arlan."
Nagtrycicle kami sa pagpunta ng school para mabilis ang pagdating namin. Buti nalang ay magkaklase kaming dalawa ni Arlan kaya naman tulad ng nakagisnan namin ay sabay kaming magbreaktime at maglunch. Ang ikinaganda pa ay magkasunod kaming dalawa ni Arlan dahil akoy Chua at sya naman ay Cortez. Halos hindi na kami mapaghiwalay pa.
Pagdating ng uwian ay sabay muli kami at katulad ng dati ay naglakad kami para mas mahabang oras pa kaming magkasama bago tuluyang umuwi sa aming mga bahay.
"Uuwi na ba agad tayo?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw gusto mo na bang umuwi?"
"Ikaw nga tinanung ko ihh. Haha."
"Ikaw kasi ang magdedecide kaya binabalik ko sayo."
"Ay sya! Bakit ako?" tinignan ko sya ng nagtatanong. Ngunit ngumit sya at kinurot ang aking pisngi.
"Ang ganda mo." namula ako sa sinabi niya.
"Sus! Matagal na! Hahaha!" hindi ko pinahalata ang naramdaman kong kilig sa kanya.
"Laki ulo. Nasabihan lang ng maganda, makabuhat na agad ng sariling bangko ihh." natawa nalang ako sa sinabi niya.
Hindi pa ako nasasabihan ng daretso ng ganun ni Arlan. Pagsinasabihan niya pa ako ay laging ang duktong nya ay 'pagtulog' kaya hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis sa kanya, habang tumatagal ay nasasanay na ako. Pero iba na nga ata talaga ngayon kasi kami na. Iba na yung mga hirit nya. May sweetness na kumpara sa dati, kahit na may konting pang asar parin dama ko pa din yung sweetness nya.
"So tara sa light house?" aya niya sa akin. Mabilis na tango ang aking tugon sa kanya.
"Paunahan?" napatingin ako sa suot kong sapatos sa sinabi niya. Naka black shoes ako hindi tulad niya na naka rubber shoes.
"Sige ba." hindi ko iniisip kung anong maaaring mangyare sa aking sapatos kung papayag ako sa kanyang gusto. Nauna pa kong tumakbo sa kanya, kaya naman nauna din akong makarating ng light house. Hindi ko na sya inantay bago ako tumaas ng light house.
Hinihingal na ako ng makataas ngunit hindi ko inaasahan na may ibang tao sa loob ng light house. Muntikan ko ng tawagin dahil akala ko ay si Arlan iyon ngunit hindi pala. Naka tingin ako sa kanya ng bigla syang lumingon sa akin na hindi ko inaasahan.
"Ahm, hi." bati ko dito at ngumiti ngunit hindi ako kinibo nito at nakatingin lang sa akin.
Napairap ako, mukha syang masungit. Pero dahil mukha naman syang bago dito magpapakabait ako. Well, mabait na naman ako ihh.
"Bago ka lang dito?" tanong ko sa kanya dahil na din sa pagka awkward sa hindi niya pagbati sa akin. Hindi naman ako nabigo sa pagtanong ko dahil kahit tango ay sinagot niya ako. Lumapit ako ng kanti sa pwesto nya.
"Hmm. Ako nga pala si Jeanelle, pero tawagin mo nalang akong Elle." naka ngiti akong pakilala sa kanya. Doon ay nakita ko din ang pagngiti niya.
"Ako naman si Enzo." pakilala niya din sa akin. Doon parang gumaan yung loob ko sa kanya. May kung ano sa kanya na nagpagaan ng loob ko, para bang kapatid ko sya pero impossible kasi isa lang ang kapatid ko, babae pa at nasa Manila pa.
"Hmm. San ka pala nakatira?"
"Wala. Nagbabakasyon lang kami dito. Sa Tagaytay talaga kami nakatira." mapatango tango ako sa sagot niya. Kahit na medyo nagtaka kung bakit sa kalagitnaan ng school year pa sila nagbakasyon? At kung hindi ba sya napasok para sa bakasyon? Ay hindi ko na tinanung pa sya.
"Elle!" pareho kaming dalawa ang lumingon ng may malakas na tumawak sa akin mula sa hagdan. Si Arlan. Pawis na pawis itong nagmamadaling lumapit sa akin at inilayo ako kay Enzo.
May naramdaman akong inis sa kanya ngunit hindi ko maisip kung saan nanggaling.
"Arlan! Ano bang ginagawa mo?" takang tanong ko ng itinago nya ako sa kanyang likuran.
"Elle, hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa kanya. Hindi mo sya kilala." napakunot ang noo ko sa sinabi niya at tinignan ko si Enzo. Nakakunot ang noo nito at hindi rin makapaniwala sa ginagawa ni Arlan.
"Enzo, sorry. Abnormal lang tong boyfriend ko. Pagpasensyahan mo na." paghingi ko ng paumanhin kay Enzo at hinila na si Arlan pababa ng light house.
"Arlan, para kang sira. Mabait naman yung tao ihh." nakita ko ang pagsimangot nya sa sinabi ko.
Nagseselos ba sya? Weh?! Haha!
"Baby naman. Wag ka ng magselos. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko diba? Tsaka mukhang mas bata yun sakin. Hindi ko yun papatulan. Okay?" ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kanya kamay ng mahigpit. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha na may halong galit. Ewan ko kung sa akin ba sya galit o kung saan.
"Sorry. Hindi ko lang kasi maiwasan. Mahal kita ihh. Ayoko lang naman na maagaw ka ng iba, lalo na ngayon na ayaw sa akin ng Mama mo." malungkot ang kanyang tono. Napabuntong hininga ako sa kanyang sinabi.
"Baby, wag mo ng isipin iyon. Kung sakaliman na paglayuin tayo, sisiguraduhin ko naman na babalik ako dito para sayo." isang tango naman ang kanyang isinukli sa akin bago ako tuluyang inihatid pauwi sa aming bahay.
"Elle. I Love You." bulong niya bago ako pumasok sa loob ng bahay. Nasa pinto na ako ng muli ko syang nilingon, kumaway sya sa akin ngunit hindi kaway ang isinukli ko.
"I Love You too." nilip sync ko ang salitang I Love You too bago tuluyang pumasok.
Malawak ang ngiti kong ibinaksak ang sarili ko sa kama. Hindi maalis ang ngiti ko hanggang sa kainin ako antok.
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)
RomanceSi Jeanelle Chua, ay isang babaeng kayang gawin ang lahat para sa pagmamahal. Kahit pa ang tumakas sa araw ng engagement party para lamang bumalik sa lugar kung nasaan ang kaniyang minamahal. Kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pabalik din ng mga a...