Chapter 25

70 6 0
                                    

Chapter 25

Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ni Arlan. Dito ako natulog dahil iyon ang gusto niya, and yes we did it again. Not in the light house.

Pinagmasdan ko si Arlan sa akin tabi na mahimbing nanatutulog. I smiled, hindi makapaniwalang kasama at katabi ko na syang muli after 10 years. Niyakap ko sya ngunit nagulat ako sa ginawa niyang pag alis ng braso ko sa kanyang katawa at tumalikod. Parang binibiyak ang puso ko sa kanyang ginawa, pakiramdam ko ay pinandidirian niya ako. Hindi na pigilan ang pa luha kasabay noon ay ang aking paghikbi. Pinigilan ko iyon para hindi sya magising.

Dahan dahan akong gumilid at bumangon sa aking pagkakahiga, nakita ko sa aking gilid ang isang damit at boxer ni Arlan na nakatupi parang nakahanda para sa akin, kaya isinuot ko iyon.

Pumasok ako sa CR para maghilamos sandali. Matapos kong maghilamos tinignan ko ang reflection ko sa salamin, napangiti ako ng makita ang suot kong damit. Malaki iyon at maluwag sa sakin, para akong walang suot ng boxer ni Arlan.

Malaki ang ngiti ko habang dahan dahan ang pagbukas ko ng pinto dahil baka magising si Arlan, pero agad nawala ang mga ngiting iyon ng makitang wala si Arlan sa kama.

Nag CR lang ako saglit  ay nawala na sya agad. Hays.

Nagpasya ako na lumabas na din ng kwarto para makita sya. Nasa hagdan palang ako ay tanaw ko na sya sa pinto na may kausap sa phone. Malayo pa ako ay dinig ko na ang sinasabi niya sa kanyang kausap.

"Don't worry, I'll back as soon na matapos na agad ang ginagawa ko dito. I love you." para akong binuhusan ng isang baldeng tubig na punong puno ng yelo.

Alam ko wala pa kong karapatan sa kanya, pero sino iyong kausap niya? Shit! May asawa na ba sya? Ginagawa niya akong kabit?! Shit! Bakit?! Ginagantihan niya ba ako?!

"E-Elle? Akala ko umalis ka na?" nanigas ako sa tanong niya. Umiling ako.

"B-Bakit naman ako aalis?" hindi ko mapigilan ang pagngiti ko ng mapakla sa kanya.

"Tss. Go back and change. Pwede ka ng umalis." agad na may namuong luha sa aking mata. Agad ko sya tinalukuran at bumalik sa kwarto niya. Mabilis akong nagbihis kahit na natulo pa ang aking mga luha.

Ang sakit lang kasi. Pagkatapos ng nangyare sa amin kagabi bigla bigla nalang niya akong papaalisin at hindi lang iyon! Hindi niya manlang sinabing may asawa na sya! Talagang balak niya akong gawing kabit para gantihan!

Pagtapos kong magbihis ay hindi nako nag abalang hanapin pa sya sa kanilang bahay at agad na umalis. Dumaretso ako ng dalampasigan kung saan madalas ako pumupunta para makapag isip.

Kumuha ako ng isang dakot na buhangin at binto ko sa dagat, kasabay noon ay ang mga sigaw ko ng aking sama ng loob.

"Walangya ka! Balak mo pa kong gawing kabit! Kahit gaano pa kita kamahal hinding hindi ako papayag na maging kabit mo! Gago!" malakas ang sigaw ko. Hinihingal ako dahil sa lakas noon. Nakakagaan ng loob.

"Sino bang nagsabi gagawin kitang kabit? Alam kong gago ako, wag mo namang ipagsigawan." parang huminto ang mundo ko ng marinig ko syang mag salita sa aking likod. Bigla akong nanliit sa kahihiyan.

Shit! Narinig niya lahat! Lupa lamunin mo na ko. Pero teka? Hindi niya daw ako ginagawang kabit? Kung hindi sino iyong kausap niya?

"Kapatid ko ang kausap ko. Wag madumi ang isip." agad akong napasimangot sa sinabi niya. May tuwa akong naramdaman.

"Bakit napaka lamig mo sa akin? Diba pinapaalis mo na ko sa bahay niyo? Bakit nandito ka at sinundan ako?" sunod sunod na tanong ko. Narinig kong bumuntong hininga sya.

"I'm sorry. Masyado akong kinain ng galit ko dahil sa pang-iiwan mo sa sakin 10 years ago. Hindi mo ako masisisi, lagi mo nalang akong iniiwan." nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha. Napayukho ako.

"I'm sorry." kasabay noon ay ang paghikbi ko.

"No, Elle. Ako dapat ang magsorry sayo. Napaka gago ko sa inasal ko kahapon at kanina." umiling iling ako sa kanya. Ako ang punot dulo ng lahat, kaya ako ang may kasalanan.

Ilang sandali pa ay bigla kong naramdaman ang kayang yakap. Ang kanyang mga bisig na nakapulupot sa akin na lalo kong ikinaiyak.

He hugged me! Hindi niya ako pinandidirihan!

"I love you, Elle. I'm sorry." kasabay noon ay ang halik sa aking noo. And we lived happily ever after.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon