Chapter 3

112 5 0
                                    

Chapter 3

Pinahidan ko ang mga luhang lumandas sa aking pisngi.

"Ineng, kung talagang mahal mo sya ipaglaban mo. Wag mong hayaang hadlangan kayo ng mga taong sisira ng kasiyahan niyo." napalingon ako sa matandang nagsalita sa aking likod.

"Lolo Henry?" hindi makapaniwalang sambit ko.

***

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Arlan.

"Doon sa lalaking kinwento ko sayo kanina. Iyong nobyo ng babaeng nabaril."

"Ahh. Sige." hinihingal ako ng makalabas kami ng tore.

Nakahawak lamang sya sa aking kamay habang kami ay naglalakad. Walang naimik sa amin hanggang sa makarating kami sa isang bahay na hindi naman kalakihan, pero tama lang.

"Lolo." katok ni Arlan sa gate. Mga ilang katok at tawag pa ang kanyang ginawa, bago may lumabas na matanda.

"Apo." tawag ng matanda may Arlan at pinagbuksan kami ng gate.

"Lolo, may ipapakilala po ako sa inyo. Bagong kaibigan ko po pa pala si Elle." pagpapakilala sa akin ni Arlan sa matanda. Ngumiti naman ako rito.

"Elle, lolo ko. Si Lolo Henry."

***

"Sige, ineng. Aalis na ako." agad na nag madaling umalis ang matanda ng marinig ako.

Hindi ako makapaniwalang si Lolo Henry iyon. Kung naandito si Lolo Henry siguradong nandito din si Arlan. Sigurado akong galit si Arlan sa akin. Pagkatapos kong umalis ng walang paalam sa kanya, walang duda na galit nga sya. Ni isang letter ay wala akong iniwan sa kanya just the album of our memories. It's been a 10 years when I left him with nothing, and now? Bumalik ako para sa kanya. Para bumawi sa pang iiwan ko.

Pagkasakay ko palang sa bus papunta dito, itinaga ko na sa isip at puso ko na pag napagkatapos ko ng college at nakapag-ipon nako sa trabaho ko ay babalik ako rito sa Pangasinan para balikan si Arlan ang ka isa isang lalaking minahal ko.

My greatest love.

Sa loob ng pitong taong na pagkakakilala namin sa isa't-isa, masasabi kong minahal ko sya ng totoo at walang kulang. Ngunit sa murang edad na pag ibig ko sa kanya ay hindi ko naipaglaban. I was too young to fight for our love. Wala pa akong ipagmamalaki sa kanila at alam kong wala ding mangyayare kahit ipaglaban pa namin dalawa. Bata pa ako at bata pa sya. Kaya naman ngayon, kahit anong mangyare ay ipaglalaban ko sya kahit na may iba na sya.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon