Chapter 19

57 4 0
                                    

Chapter 19

Ilang araw akong hindi pumasok. Nagmukmok lang ako sa kwarto ko sa mga araw na iyon. Hindi ko kasi ala kung paano haharap kay Arlan. Pati mga tawag at messages niya ay hindi ko sinasagot. Hinahayaan kong mag ring ng magring ang aking phone hanggang sa mapobat ito. Hindi ko na din chinarge pa dahil wala naman akong balak contakin sya.

Nakadapa ako sa aking kama ng marinig ko ang pagbukas sara ng aking pinto. Hindi na ako nag abala pang tignan kung sino iyon.

Si Manang. Siya lang naman ang nagdadala ng pag kain sa akin, samantalang si Mommy ay hindi iyon ginawa kahit isang beses.

"Nak, wala ka bang balak pumasok? Lunes na naman bukas. Baka hindi kana maka graduate niyan." napasimangot ako sa sinabi ni Manang. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Kung si Arlan ang iniisip mo. Bakit hindi mo sya ka usapin ng maayos." umiling ako kahit hindi nakaharap sa kanya.

Ayoko. Kakasabi lang sakin ni Mommy na may hinire syang body guard ko para hindi ko na sya makausap. Paano kung makita kaming magkausap? Edi na gunaw na lahat ng plano kong ituring nalang naming stranger ang isa't-isa sa ganung paraan nagkikita parin kami.

Dumating ang lunes at pumasok ako. Pagbaba ko palang ng tricycle ay nakita ko agad si Arlan na naghihintay sa gate. Nakita ko ang pag aliwalas ng kanyang mukha ng makita ko, akmang lalapitan na niya ako ng bigla akong naglakad ng dare-daretso at nilagpasan sya.

May parte sa puso ko ang kumirot sa ginawa ko, parang gusto ko syang balikan at yakapin ng mahigpit. Sabihin sa kanyang sobrang miss ko na sya at magsorry sa kanya.

"Elle, ang tagal mong hindi pumasok ahh? Alam mo bang araw araw ding naghihintay si Arlan sayo sa gate?" hindi ko pinansin ang nagsabi noon sa akin. Nilagpasan ko lang siya na parang walang naririnig. Alam kong rude, pero ayokong pag usapan iyon.

"Wait, Elle. Wala na ba kayo?" tumikhim lang ako sa tanong niyang iyon. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Minahal mo ba talaga si Arlan? O pinaasa mo lang? Sana binestfriend mo nalang at hindi binoyfriend kung sasaktan mo lang." agad na may namuong galit sa akin.

Paano niya nasasabi sa akin iyon samantalang wala naman syang alam.

"Bakit napakealamera mo? You don't know anything!" singhal ko sa kanya. Nakita ko ang pagtalim ng mga mata sya sa akin. Inirapan ko lang sya at umupo sa upuan ko. Paupo na sana ako pero nagulat nalang ako ng bigla niyang hinigit ang buhok ko.

Shit! Masakit ha!

"Wala kang kwenta! Spoiled brat!" malakas ang pagkakahingit niya sa buhok ko at hindi ako makaganti. Kaya agad akong humanap ng tiyempo para mahigit ko din ang buhok niya.

Agad kong inabot ang buhok niya at hinigit ko ang bandang buhok sa likod para masmasakit. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya sa sakit na ginawa ko sa kanya.

I smirk, hindi pa ko tapos humanda ka. Hinigpitan ko ang hawak sa buhok niya at agad na iniready ang aking kamao. Nakayukho sya, at tamang tama kung susuntukin ko sya mula sa ilalim.

Tumama ang kamao ko sa kanyang mukha. Kasabay noon ay ang pagdating ng isang teacher at ni Arlan.

"Jeanelle at Allison! Go to the guidance center!" pinaghiwalay kaming dalawa ni Allison ng iba naming kaklase. Si Arlan ay agad akong dinaluhan samantalang kay Allison ang aming mga kaklase. Matalim ang tingin sa akin ni Allison lalo na ng ako ang nilapitan ni Arlan.

Kitang kita ang black eye ni Allison sa ginawa ko. Dapat lang iyon sa tulad niyang pakealamera at mapapapel.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Arlan ngunit hindi ko sya sinagot at agad na lumabas ng room para pumunta ng guidance.

"Wait, Elle. Ano bang nangyayare sayo? Bakit hindi mo na ako pinapansin mula nung magmonthsary tayo? Ayaw mo na ba?" hindi ko na malayang nakasunod pala sya sa akin. Natigilan lang ako ng marinig ko sya pero nagpatuloy lang muli ako. Isang higit sa braso ang naramdam ko paharap sa kanya.

"Elle, wag naman ganto. Please talk to me. Hindi ko kaya kung magpapatuloy to." Nakita ko ang pangingilig ng luha sa kanyang mga mata.

Parang may humaplos na mainit na kamay sa puso ko sa nakita ko. Pero hindi ko iyon ipinakita sa kanya, isang malamig na titig ang ibinigay ko sa kanya. Tila ba ipinapakitang ayoko na.

"Sa Friday ng hapon. Hihintayin kita sa light house. Sana lang siputin mo ko. I just want to talk about us. Hindi yung ganto na hindi ko alam kung ano ang problema natin." pagkasabi niya noon ay iniwan na niya ako.

Doon ko lang nailabas lahat ng nararamdaman ko habang kaharap ko sya. Umiyak ako ng mahina sa sarili ko.

I love him, but in this case hindi ko na alam ang gagawin ko. I'm only 16 years old, hindi ko pa kaya ang sarili ko. Wala ding kwenta kung ipaglalaban pa namin ito ngayon. Madaming taon pa ang lilipas. Makakakilala pa sya ng mas better sa akin. Alam kong ako, kahit may makita pa ko, sa kanya pa din ako. Walang mababago.

Dumaan pa ang mga araw na walang pansinang nagaganap sa aming dalawa. Hindi na naman din niya ako ginugulo pa, gabi gabi din akong umiiyak dahil nakikita ko ang paglapit sa kanya ni Allison at hindi naman niya iyon nilalayuan.

Nasasaktan ako. Oo nasasaktan ako dahil sa sarili ko. Kagagawan ko din naman kung bakit kami nasa point na to ihh. Wala na din akong magagawa.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon