Chapter 18

67 4 0
                                    

Chapter 18

Nakadapa ako habang masayang tinitignan ang mga pictures sa aking laptop. Madami kaming pictures dahil kanina. I will cherish this memories forever.

Mabilis lumipas ang mga araw, nadagdagan pa ng nadagdagan ang mga litrato naming dalawa. Hanggang sa dumating yung araw na pinaka aayaw naming dalawa.

"Happy Monthsary." masayang bati sa akin ni Arlan. Maganda ang ngiti niya sa akin, hindi ko ata kayang makitang mawala iyon sa mga oras na ito.

Naramdaman ko ang pag-int ng mga mata ko. Agad na nabura ang ngiti sa kanyang labi ng makita ang pangingilig ng luha ko. Walang sabi sabing niyakap ko sya agad at doon humagulgol sa balikat niya.

"Shhh. Stop crying, baby. Walang magbabago, okay? Kung kailangang itago natin ang relasyon natin. Edi sige." umiling iling ako sa kanya.

"Hindi. Hindi mo alam. Hindi mo kilala si Mommy. Pag sinabi niya. Sinabi niya." lalo akong humagulgol sa pag iyak. Parang dinudurog ang puso ko, isipin ko palang na maghihiwalay na kami ay hindi ko na makaya.

"Shhh. Wag mong isipin yan okay? Monthsary natin ngayon. Dapat masaya tayo." unti unti ako tumahan sa sinabi nya.

Tama nya. Today is our day. Kaya bakit ako malulungkot? Dahan dahan niyang pinunasan ang luha ko sa aking pisngi.

"I love you. Wag ka ng iiyak ahh?" ngumiti sya sa akin kaya kahit kagagaling ko lang sa pag iyak ay napangiti din ako.

He always make me calm. Make me smile and make me laugh.

"Hmm. I have a song for you." nagulat ako ng may ilabas syang gitara. Hindi ko kasi iyon nakita kanina, ngayon lang. Hindi din ako makapaniwalang marunong para syang mag gitara.

"Marunong ka?" hindi niya ako sinagot at agad na nag strum ng gitara sa tabi ko.

🎵Papatunayan ko na ako lang sa'yo
Hinubog mong buhay ko ng pag-ibig mo🎵

Nanlamig ako sa boses niya. Narinig ko na syang kumanta sa room yung sa mga activities pero hindi yung ganto ka seryoso. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa pagiging perpekto nya. Ako lang yata ang hindi nagpaperpekto sa kanya.

🎵Di na masusukat
Sandigan mong taglay
Magalit man ang langit
Di matitinag ang kulay
Diwa ko'y mamulat
Matapos ang gulo
Saan man dalin ng hangin
Papadpad pa rin sa'yo🎵

Pakiramdam ko ginawa ang kantang yan para sa aming dalawa. Yung tipong kahit anong mangyayari, magiging kami pa din sa huli. Sana nga lang.

🎵Makinig kang mabuti
Buksan ng mapakinggan ng puso mo ang dapat mong malaman

Papatunayan ko na ako lang sa'yo
Hinubog mong buhay ko ng pag-ibig mo
Mamahalin kita, sa puso ko nandyan ka
Maiintindihan mo rin ako🎵

Naramdama ko ang pag iinit ng mata ko. Kaya bago pa ako makaiyak ay agad na akong tumakbo palayo sa kanya. Naiiyak ako sa kanta dahil alam kong impossibleng magkita pa ulit kami kung bigla akong ilayo sa kanya ni Mommy. Mas gugustuhin ko pang ipakitang wala na kong pakealam sa kanya dahil tapos na kami kesa ilayo ako sa kanya. At least sa ganung paraan, makikita ko pa din sya.

Mahal ko sya. Sobra, hindi ko kakayanin pag nawala sya. He's the only one I have.

Dumating ako ng bahay ng umiiyak. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pag agos. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, mabigat. Hindi ko makontrol. Ni hindi ko din alam kung paano ko maiwawala.

"Ohh? Bakit na iyak ka? Break na ba kayo?" natigilan ako ng marinig ko si Mommy. Agad na may namuong galit sa aking dibdib.

"That's life, anak. Ginagawa ko lang ang tama. Hindi sya ang nakabubuti sayo." napairap nalang ako kay Mommy at nilagpasan sya. Hindi pa ako nakakalayo ng may sabihin syang muli.

"May hinire akong guard para mabantayan ka. Para na din masiguradong hindi mo na makakausap ang lalaking iyon." lalo akong napaiyak ng marinig ko iyon.

Lahat nalang! Hindi ba pwedeng hayaan nalang niya ako? Gaano ba ako kasama para parusahan ng ganito? Na simpleng pagmamahal lang ang gusto ko hindi pa maibigay. This life is bullshit!

Nakita ko ang pag ilaw ng aking screen ng phone. Nagtext si Arlan.

Arlan:
Bakit ka biglang tumakbo at iniwan ako? Hindi mo ba nagustuhan ang kanta ko? Sorry na.

Mas lalo akong napaiyak sa nabasa ko. I don't how to face him tomorrow. Nahihiya ako. Nahihiya ako dahil alam kong sakin, wala nang kami. Kahit na para sa kanya ay kami pa din.

Prisoner Of Love : Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon