"MASTER Randall will arrive tomorrow. You can start your duties by then," sabi ng mayordoma ng Qasim mansion na nalaman ni Alaina na isa ring pilipina. Hinatid sila ng may-edad na babae sa likod na bahagi ng mansiyon kung saan naroon ang servant's quarters. Binuksan nito ang isang pinto ng magiging silid nila ng kaniyang ama. May dalawang single bed sa magkabilang gilid ng pader, may pinto para sa isang maliit pero magandang banyo at malaking cabinet sa isang bahagi.
"Katulad ni Master Abel, Master Randall is strict and difficult to please. Pero kung gagawin ninyo ng maayos ang trabaho ninyo ay wala kayong magiging problema. Just make sure that you don't get in his way kapag nandito na siya. He hates it when strangers get near him," sabi pa ng mayordoma na humarap na sa kanilang mag-ama.
"Yes, ma'am," sabay pang sabi ni Alaina at ng papa niya.
Ilang sandaling napatitig sa kanila ang may-edad na babae bago bahagyang ngumiti. "Well, maliban sa mga personal bodyguard ni Master Randall, halos puro Pilipino rin naman ang mga tauhan dito kaya hindi naman kayo mahihirapan mag-adjust."
Kumibot ang mga labi ni Alaina dahil may gusto siyang itanong. Mukhang napansin iyon ng mayordoma dahil umangat ang kilay nito habang nakatingin sa kaniya. "Yes?"
Tumikhim si Alaina at sumulyap muna sa kaniyang ama bago muling tumingin sa may-edad na babae at nagsalita. "Kaya ho ba puro Pilipino ang nagtatrabaho dito ay dahil half-filipino si Master Abel?"
"No. Ang dahilan ay dahil kay Madam Reira, Master Randall's mother. Pilipina si Madam Reira at matagal na akong nagtatrabaho para sa pamilya niya noong dalaga pa siya. Nang mag-asawa siya ay sumama ako para maging tagapag-alaga ni Master Randall dahil madalas silang wala ng asawa niya. Ako ang in charge sa supervision ng mga tauhan sa iba't ibang mansiyon at villa ng pamilya Qasim. Mas gusto ko makatrabaho ang mga kapwa ko pinoy dahil mas kasundo ko sila sa trabaho kaya mga pinoy ang tinatanggap nina Master Abel na helpers."
Namilog ang mga mata ni Alaina. Isa lang ang mansiyon na iyon sa mga bahay ng mga Qasim? Kahit naroon na siya mismo hindi pa rin siya makapaniwala na may mga ganoon talagang pamilya sa mundo.
"May tanong pa?"
Ngumiti si Alaina. "Last na po. Ano pong pangalan ninyo?"
Mukhang ikinabigla iyon ng matandang babae pero nakabawi naman agad. Kumislap sa amusement ang mga mata nito at bahagyang ngumiti. "Yolly. At ikaw?"
"Alaina po."
Tumango si Yolly at bumaling sa papa niya. "You have a charming daughter, Chef Argel."
Nag-init ang mukha ni Alaina lalo na nang proud na ngumiti ang papa niya. "Alam ko ho."
Ngumiti ang mayordoma at naglakad na palabas ng silid. "Maiwan ko na kayo. Puwede kayong magtungo sa kusina kapag nakapag-ayos na kayo ng gamit para tingnan kung tama lang para sa inyo ang naka-stock doon. Kung may kulang sabihin ninyo sa akin para makapagpabili."
Nagkatinginan na lamang sina Alaina at ang kaniyang ama nang mawala na ang may-edad na babae. Pabuga ng hangin na ngumiti ang papa niya. "Parang gusto ko na tingnan ang kusina."
"Ako na po ang bahala mag-ayos ng mga gamit natin. Sige na pumunta ka na sa kusina, papa," taboy niya sa ama.
Ginulo muna nito ang buhok niya bago lumabas ng silid nila. Naiwan si Alaina na nakangiti. Huminga siya ng malalim bago nagsimulang ayusin ang mga gamit nila. Balak niyang matulog ng maaga para magising siya ng maaga bukas. Sayang naman kasi kung hindi niya maiikot ang mansiyon habang wala pa ang amo nila. Wala naman siyang gagalawin na kahit ano, gusto lang talaga niyang maikot ang loob. Kaya iyon ang gagawin niya bukas ng umaga habang tulog pa ang lahat.
BINABASA MO ANG
REMEMBER YESTERDAY
RomanceNa kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumik...