Part 33

10.2K 326 16
                                    

Eight years later...

PAPASIKAT na ang araw sa silangan. Katulad ng bawat umaga sa nakaraang walong taon, kahit nasaan pa siya, kahit gaano pa siya kapagod, kahit gaano siya kaabala, ay nagigising si Randall bago sumikat ang araw. Palagi ay sinisiguro niya na ang silid na inookupa niya ay iyong nakaharap sa direksiyon kung saan maaari niyang makita ang sunrise. Katulad ng penthouse niya sa high rise building ng Qasim Oil Company sa Abu Dhabi na kabibili lamang niya tatlong taon ang nakararaan mula nang magkaroon siya ng mataas na posisyon sa kumpanya. Pinili niya ang gusali na iyon dahil ang full glass wall ng penthouse niyon ay nakaharap sa silangan. Ang pinaka--headquarters kasi talaga ng kumpanya ay sa Saudi Arabia kung saan mas malapit ang malalaking Oil Fields. Mas madalas din doon ang papa niya.

Hindi pabor ang mga magulang niya subalit hindi na siya tulad noon na walang magawa sa desisyon ng mga ito. Mula nang magtapos siya ng pag-aaral, wala nang nagagawa pa ang mga magulang niya sa lahat ng desisyon niya may kinalaman man iyon sa negosyo o personal. Through the years he learned to be unyielding. He learned to hold his ground in front of his parents. Bagay na palaging nagiging dahilan nang pagtatalo sa pagitan nila ng ama.

Subalit sa huli ay nagagawa pa rin ni Randall ang gusto niya dahil ilang beses na niya napatunayan ang sarili niya hindi lamang sa mga magulang niya kung hindi maging sa mga Board members at empleyado ng kumpanya. Dahil ang mga desisyon niya sa negosyo ay naging dahilan kung bakit tumaas ng ilang bilyong dolyar pa ang assets nila.

Katulad na lamang nang pagkakabili niya ng malaking shares ng Upper Zakum Oil Field na matatagpuan sa Abu Dhabi. Hindi alam ng papa niya na nakikipagnegosasyon siya sa mga shareholders na namamahala doon. Dahil doon kaya hindi nagreklamo ang Board of Directors nang bumili siya ng building sa Abu Dhabi. Mas malapit daw kasi sa Oil Field. Subalit lingid sa kaalaman ng mga ito, pinili niya ang lugar na iyon para mas malapit siya sa alaala ni Alaina.

Tumayo sa tabi ng glass wall si Randall at tumitig sa labas. Tahimik na pinagmasdan niya ang pagpapalit ng kulay ng kalangitan at ang unti-unting pagsulpot ng araw. Umangat ang kamay niya sa singsing na pendant ng kuwintas na hindi niya inaalis sa katawan niya. Walong taon ang nakararaan, akala niya ay naiwala niya iyon sa dagat. Subalit nang makalabas siya ng ospital ay inabot iyon sa kaniya ni Salem. Nahulog daw niya iyon sa bangka nang tumalon siya sa dagat. Alam nitong importante iyon sa kaniya kaya pinulot iyon ng lalaki.

Ikinulong niya ang singsing sa kamao niya at huminga ng malalim. It was his treasure. Dahil pakiramdam niya, iyon na lamang ang tanging bagay na nag-uugnay sa kaniya at kay Alaina.

Alaina... Hindi niya alam kung nasaan ang dalaga. Sinubukan niya itong hanapin nang lumabas siya ng ospital walong taon na ang nakararaan subalit nabigo siyang makita ni anino nito. Hanggang kinailangan na niya bumalik sa London upang tapusin ang pag-aaral niya roon at pagkatapos ay lumipad naman siya sa amerika para mag kolehiyo. At kahit anong pilit niya ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makabalik sa UAE. Alam niya na pakana ng mga magulang niya iyon. Sa tuwing binabalak niya bumalik ay nahahatak siya ng kaniyang ama sa iba't ibang bansa para sa negosyo. He didn't get a chance to look for Alaina while he was a student.

Subalit hindi ibig sabihin niyon nakalimutan niya ang dalaga. Every sunrise reminds him of her. Sa tuwing pinanonood niya ang pagsikat ng araw palaging bumabalik sa isip niya ang pinasaluhan nila noon sa Jumeirah Islands, noong palagi silang magkatabi sa staircase at magkasamang pinapanood ang sunrise. Naaalala niya ang matamis nitong ngiti, ang tunog ng tawa nito kapag masayang masaya at ang kislap sa mga mata ng babae kapag nakatingin ito sa kaniya. And most of all, he can always hear her voice at the back of his mind, like a gush of warm wind, whispering I love you. And always, he whispers back. Even though he knew she's not really there to answer him.

REMEMBER YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon