Part 30

9.7K 318 33
                                    

"Alaina," usal ni Randall at sandaling hinagod ang likod niya na para bang inaalo siya. "Everything will be okay. Makakaalis tayo dito. Trust me," bulong pa nito sa tainga niya.

Tumango siya at lalong humigpit ang yakap niya rito. Tila may sasabihin pa si Randall pero sabay silang napaigtad nang biglang umalog ang sinasakyan nilang bangka at nakarinig sila ng malakas na lagabog na para bang bumangga sila sa kung ano. Muntik na nga mauntog si Alaina sa pader kung hindi lamang naalalayan ni Randall ang ulo niya. Kasunod niyon ay ang malakas na boses at mga yabag ng mga kidnapper mula sa labas.

"Ano iyon?" halos hindi humihingang bulong niya sa binata.

Tila galit na nagsisigawan ang mga kidnapper at matiim na nakikinig si Randall. Pagkatapos ay tumingin ito sa kaniya at inalalayan siyang tumayo. "The rescue is here. Nagkakagulo sila dahil may humarang daw na dalawang malalaking speed boat. Sigurado ako na sina Salem na iyan. Let's go," bulong nito.

Tumango si Alaina at pilit pinatatag ang mga tuhod niya. Nang magsimulang maglakad palapit sa pinto si Randall ay pumuwesto siya sa likod nito na gaya ng bilin ng lalaki. Napaigtad siya at impit na napatili nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng mga baril mula sa itaas. Napakapit siya sa t-shirt ng binata at nanginig ang mga labi niya sa takot. Natensiyon si Randall pero mabilis na nakalapit sa pinto at himbis na buksan iyon ay ini-lock pa nito iyon. Pagkatapos ay pumuwesto sila sa gilid ng pinto at sumandal sa pader. Pinakiramdaman nila ang nasa labas. Puro sigaw, yabag ng mga tumatakbo at putok ng mga baril pa rin ang pumapailanlang sa labas. Pagkatapos ay biglang may sumipa sa pinto at napaigtad si Alaina kasabay ng mabilis na pagharang ni Randall sa katawan nito sa harap niya.

Nabibingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya at nanginginig ang buong katawan niya sa tensiyon nang biglang paulanan ng bala ng kung sino ang pinto. Kung hindi sila umalis ni Randall sa puwesto nila kanina siguradong natamaan na sila ng mga balang iyon. Naitakip niya ang mga kamay sa bibig nang biglang sipain ang pinto at bumagsak iyon sa sahig. Pagkatapos ay humakbang papasok ang isang lalaking may bitbit na malaking baril. Mabilis ang sumunod na nangyari.

Randall hand chopped the hand holding the gun. Pagkatapos ay inagaw nito iyon sa lalaki at malakas na tinuhod ang sikmura nito. Bumagsak sa sahig ang kidnapper na agad namang tinuktok ni Randall ng baril sa batok at nawalan ng malay. Hawak ang baril sa isang kamay ay inilahad ng binata ang isang kamay sa kaniya habang nakasilip sa labas. "Let's go bago pa may makaisip uli na puntahan tayo rito."

Inabot ni Alaina ang kamay nito at mabilis ngunit maingat silang lumabas sa silid na ngayon ay napagtanto niyang isa sa mga boat cabin. Wala silang nakasalubong na mga kidnapper at paunti na ng paunti ang palitan ng putok ng baril sa itaas. Hanggang mawala na iyon at tumahimik sa itaas. Nasa bukana ng hagdan paakyat sa deck sina Randall at Alaina at pareho silang hindi kumikilos at halos hindi humihinga. Nakikiramdam.

"Master Randall!" malakas na sigaw ng isang lalaki sa deck na sigurado siyang pag-aari ni Salem.

Naramdaman ni Alaina na naging relaxed ang katawan ni Randall at ibinaba ang baril na hawak nito. "We're here!" sigaw din nito.

Nakarining siya ng maraming yabag palapit sa kanila at nakahinga na rin siya ng maluwag nang makita ang bulto ni Salem. Tiningnan nito si Randall mula ulo hanggang paa pagkatapos ay bumaling sa kaniya. Sandaling lumambot ang ekspresyon sa mga mata ni Salem at namasa na naman ang mga mata ni Alaina dahil alam niyang kahit nawalan na naman ng ekspresyon ang mukha ng bodyguard ay nag-alala rin ito para sa kaniya.

"Let's go. We will get away from here through the speed boat," sabi ni Salem.

"Where are we?" tanong ni Randall na tuluyan nang umakyat sa deck at hawak pa rin ang kamay niya.

"Persian Gulf. This is the only way they could go when an agent saw a suspicious group at Port Rashid. It was where this boat was docked. So we moved even though they haven't contacted your father yet for the ransom," sagot ni Salem.

Namilog ang mga mata ni Alaina nang makita kung ano ang hitsura ng deck. Mga nakahandusay na duguang mga katawan. Napahinto tuloy siya sa bukana ng deck at nabitawan ang kamay ni Randall na nagsimula naman makipag-usap kay Salem sa Arabic. Kinailangan niya humugot ng sunod-sunod na paghinga upang kalmahin ang sarili habang iginagala ang tingin. Sira-sira ang deck dahil sa mga tama ng baril. Ang sahig ay halos pula na dahil sa dugo. Isipin pa lamang niya ang posibilidad na baka sila ni Randall ang namatay kung hindi lamang dumating kaagad sina Salem ay nanghihina na ang mga tuhod niya. Hinanap niya ng tingin ang binata at nang makita ito ay humakbang siya upang sana ay lumapit pero napasigaw siya nang may brasong biglang mahigpit na pumaikot sa leeg niya at hinablot siya pasandig sa isang katawan. Tiningnan niya ang lalaki at pakiramdam ni Alaina nahulog ang puso niya sa sahig nang makita ang kidnapper na napatumba kanina ni Randall.

Tarantang napatingin siya sa direksyon nina Salem. Nakita niya na napalingon sa direksiyon niya sina Randall. Tinakasan ng kulay ang mukha nito habang ang mga lalaki sa paligid nito ay itinaas ang mga baril at itinutok sa lalaking may hawak sa kaniya. "Don't shoot or I will kill her!"

Napaigik si Alaina nang maramdaman ang dulo ng patalim sa leeg niya. Nilukob siya ng matinding takot. Kinapos siya ng paghinga ng humigpit pa ang braso ng lalaki na halatang walang pakielam kung nasasaktan siya o hindi. And then he began to drag her to the side of the boat, palayo sa direksyon kung saan nakaabang ang dalawang speed boat na dala nina Salem.

"Alaina," tawag ni Randall sa garalgal na tinig.

Nag-init ang mga mata niya at pilit sinalubong ang mga mata ng binata sa kabila ng marahas na pagtrato sa kaniya ng kidnapper. Alam niya ginagamit siya ng kidnapper bilang human shield para hindi ito paputukan nina Salem. Natatakot siya pero mas matindi ang sakit ng puso niya na makitang takot na takot si Randall ng ganoon. That he has to suffer like this because of her.

Nagsenyasan ang mga lalaki at dahan-dahang ibinaba ang mga baril. "Release her and we will let you go," sabi ni Salem sa lalaking may bihag sa kaniya.

Nakarating sila sa gilid ng deck at sa likod nina Alaina ay ang dagat. Tumawa ang kidnapper at lalong humigpit ang hawak sa kaniya. Napaigik siya dahil hindi na siya makahinga. "I'm not a fool to believe you," sigaw ng lalaki. Pagkatapos ay nanlaki ang mga mata ni Alaina at ganoon din si Randall nang biglang tumalon ang kidnapper bitbit siya patungo sa dagat.

"Alaina!" sigaw ni Randall na nakita pa niyang tumakbo patungo sa direksyon nila bago siya tuluyang bumagsak sa dagat.

Masakit ang naging impact nang pagkakahulog niya sa tubig. Hindi niya alam kung paano pero nabitawan na siya ng kidnapper at nahampas ng malakas na alon. She was smashed to the side of the boat and her head was hit to something very hard. Nawalan siya ng lakas na lumangoy at nakalimutang magpigil ng hininga. Nakalunok tuloy siya ng tubig dagat. She knew she was losing consciousness and she knew she will die if that happens. Subalit hindi niya magawang labanan ang kadilimang unti-unti siyang nilalamon.

Dalawang tao lamang ang sumagi sa papalabong isip ni Alaina. Una ay ang kaniyang ama na walang kamalay-malay na umalis ng apartment nila at inaasahang maabutan siya pag-uwi nito. Pangalawa ay si Randall at ang panic at takot sa boses nito habang tinatawag ang pangalan niya. Siguradong mato-trauma na naman ang binata dahil dito. At alam niya na siya ang dahilan ng lahat. Kung hindi lang sila nagkakilala, kung hindi niya pinilit mapalapit kay Randall, kung hindi niya ito minahal, wala sana sila roon. Kung mamamatay rin pala siya roon, sana hindi na lang nila nakilala at minahal ang isa't isa.

Alaina's heart ached and she cried despite the fact that she's underwater. And then all was black.

REMEMBER YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon