Part 22

9.1K 280 5
                                    

Nahinto sa paghinga si Alaina at sumirit ang sakit mula sa pisngi niya patungo sa buong ulo niya sa impact ng sampal na iyon. Bukod doon ay namanhid ang buong katawan niya sa pagkabigla na kahit akmang sasaktan siya uli ni Diana ay hindi siya nakakilos. Si Randall ang mas mabilis ang reflexes na humarang kaagad sa pagitan nila ng babae.

"What the hell are you doing?!" sigaw ni Randall na nagpawala sa pamamanhid ng katawan ni Alaina. Paanong hindi siya babalik sa huwisyo kung halos mag-echo ang galit na boses nito sa buong mansiyon. Patunay niyon ang paghangos ni Ma'am Yolly at ilang helpers palabas ng bahay.

"Stop defending that gold digging slut!" tili naman ni Diana. "I knew something is going on between the two of you! How can you, Randall? She's just a lowly maid!"

"Shut up," angil ni Randall sa babae.

Namilog ang mga mata ni Diana at halatang gulat na gulat. "Shut up? You are defending her? My God, Randall, she's a nobody."

Tumiim ang mga bagang ni Randall at mukhang sasabog na sa galit kaya mabilis na hinawakan ni Alaina ang braso nito. "No," mahina ngunit mariing pigil niya.

Bumaling sa kaniya si Diana at galit na tinitigan siya. "Wow. Acting high and mighty now? You are nothing but a gold digging slut. This will surely surprise Abel and Reira."

"Don't you dare, Diana," mapanganib na sabi ni Randall.

Tumawa ang babae. "Oh, I will really do it. I don't think you can do anything against your parents, Randall. Don't let someone like her drag you down." Muli ay matalim siyang tinapunan ng tingin ni Diana. "And you, if you don't want to receive another slap from me you better pack your bags now and leave."

"You don't have any right to decide on anything. This is my house," malamig na sagot ni Randall.

May bumikig sa lalamunan ni Alaina dahil muli ay napagtanto niya na helpless siya. Ni hindi niya magawang ipagtanggol ang sarili niya. She felt so frustrated and powerless. Huminga siya ng malalim at ibubuka na ang mga labi kahit hindi niya alam kung ano ang sasabihin nang lumampas ang tingin niya kay Diana at mapunta sa mga taong kanina pa yata nakamasid sa kanila. Nanlamig ang buong katawan ni Alaina nang makitang naroon ang papa niya at pulang pula ang mukha habang nakatingin sa kaniya. Nang magtama ang kanilang mga mata nakita niya ang sama ng loob at pagkapahiya sa tinging ipinukol sa kaniya ng ama. Nag-init ang mga mata ni Alaina at napabitaw sa braso ni Randall.

"Alaina! Sumunod ka sa akin, ngayon din," galit na tawag ng papa niya sa kaniya bago tumalikod at pumasok sa mansiyon.

Nanginig ang mga labi ni Alaina at sandaling sumulyap kay Randall. "Sasamahan kita," usal ng lalaki.

Umiling siya. "Hindi na." Iyon lang at mabilis na siyang tumakbo palapit sa mga helper na ngayon ay iba na ang ipinupukol na tingin sa kaniya. Si Ma'am Yolly naman ay may kislap ng pagkaawa ang mga mata habang umiiling na para bang sinasabing, "Sinabihan na kita."

Namamasa ang mga matang tumakbo siya papasok sa loob ng mansiyon at patungo sa silid nila ng kaniyang ama sa servant's quarters. Bukas ang pinto at mabagal siyang lumapit doon dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. "P-papa," tawag niya sa ama bago pa siya makapasok sa silid.

Nagitla si Alaina nang makitang nag-e-empake na ng mga damit nila ang ama niya. "Papa, anong ginagawa mo?" manghang bulalas niya.

Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ng papa niya. "Aalis na tayo. Alam ko na magtataka si Abel Qasim kung bakit hindi ko tinapos ang dalawang buwang trabaho ko, iyon ay kung hindi makakarating sa kaniya ang naging komosyon ngayon dito, pero hindi na ako papayag na manatili pa tayo rito, Alaina. Kung alam ko lang na hindi ka makikinig sa akin at makikipagkita pa rin kay Master Randall dapat umalis na tayo noong unang beses ko pa lang nalaman ang tungkol sa inyo. Ngayon alam na ng lahat ang pakikipaglapit mo sa kaniya. Worst, narinig ko pa na sabihan ka ng masasakit na insulto ng ibang tao dahil doon. Kaya aalis na tayo," pigil ang emosyon na litanya ng papa niya.

REMEMBER YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon