Part 44

10.6K 397 45
                                    

NAG-IKOT sila sa resort pagkatapos nila sa restaurant. Alas tres na iyon ng hapon. Kakarating pa lang nila sa malaking pool area nang may mapansin si Alaina. Nagpalinga-linga siya. "Hindi natin kasama si Salem," aniya kay Randall.

"We are safe inside the resort kaya hindi niya tayo kailangan bantayan. Pinaiwan ko siya sa restaurant para makakain siya," sagot ng binata.

Kumunot ang noo ni Alaina. "Bantayan? Matagal ko na gustong linawin ito pero... assistant mo si Salem hindi ba? Secretary ganoon?"

"No. He's my bodyguard."

Napahinto siya sa paglalakad at namilog ang mga mata. "May bodyguard ka? Ano bang klase ang trabaho mo at kailangan mo ng magbabantay?" takang tanong niya.

Sandaling tumiim ang mga labi ni Randall at himbis na sumagot ay inabot nito ang isa niyang kamay at hinatak siya upang maglakad uli. Hinayaan lang niya ang binata nang akayin siya nito palayo sa pool area at patungo sa direksiyon kung saan naririnig ni Alaina ang tunog ng dagat.

"My family owns an Oil Company, a very huge one, as well as other investments in Europe and US. That's why since I was young I have always been prone to kidnapping and things like that. Nasa tabi ko na si Salem mula pa noong teenager ako. He doesn't need to be with me now actually, but he insisted on staying by my side," paliwanag ni Randall.

"I see," nausal na lang ni Alaina. Ibig sabihin sobrang yaman pala ng binata. Hindi niya alam kung gaano kayaman pero sapat para maging prone ito sa kidnapping at kung anu-ano pa. Sa lahat ng mga nasabi na ni Randall tungkol sa sarili nito ay nakikinita na niya ang kabataan ng binata. It must have been a lonely youth. Nakagat niya ang ibabang labi dahil uminit ang gilid ng mga mata niya nang maisip iyon. It made her feel envious of the past her who made him smile when they were young.

Nakarating sila sa dalampasigan at napahugot ng malalim na paghinga si Alaina upang langhapin ang simoy ng hangin. Hindi na masyadong mataas ang araw at walang katao-tao roon. Napatitig siya sa horizon. "Déjà vu," nausal niya bago pa niya namalayan.

"What?" takang tanong ni Randall.

Iginala ni Alaina ang tingin sa paligid. May kumukutkot sa puso niya at wala sa loob na lumipad ang kamay niya sa itaas ng dibdib niya, parang may nais na naman abutin. "Alam mo iyong kapag nakakapunta ka sa isang lugar sa unang pagkakataon pero pakiramdam mo nakapunta ka na roon? Iyong feeling na nangyari na sa iyo ang isang sitwasyon pero hindi mo lang alam kung kailan eksakto iyon nangyari? Iyon ang nararamdaman ko ngayon," sabi niya. Naramdaman niya ang matamang pagtitig ni Randall sa kaniya kaya tiningala niya ito.

Natigilan si Alaina nang makitang nakatutok ang tingin ng binata sa kamay niyang nasa ibabaw ng dibdib niya. Napahinto sa paggalaw ang kamay niya at may bumikig sa lalamunan niya nang may dumaang lungkot at pangungulila sa mukha nito. Pagkatapos ay sa kung anong dahilan ay bumaba ang tingin niya sa leeg ni Randall. May nakita siyang tila kuwintas na nakatago sa loob ng suot nito. Kumilos ang kamay niya bago pa siya nakapag-isip ng matino. She hooked her fingers to the chain on his neck. Natensiyon si Randall nang lumitaw ang pendant na singsing niyon pero hindi nag-angat ng tingin si Alaina dahil napatitig lamang siya sa singsing.

Flashes of images came into her mind. Subalit masyado iyong malabo na parang mga larawang kupas. Naningkit ang mga mata niya at pilit nag concentrate upang luminaw ang alaalang iyon subalit hindi siya nagtagumpay.

Napakurap lang si Alaina nang biglang hawakan ni Randall ang kamay niyang nakahawak sa kuwintas. Napatingala siya. Matiim ang titig ng binata sa kaniya. "What is it? Why are you staring at my necklace?" bulong nito. His tone is almost hopeful. Lalo niya tuloy nasiguro na dapat ay may maalala siya na may kinalaman sa kuwintas na iyon. Nakaramdam siya ng frustration at kurot sa puso na hindi niya matandaan kung ano iyon.

REMEMBER YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon