KINABUKASAN ay nagulat si Alaina nang pagdating niya sa restaurant ay naroon na si Lilian. Maaga pa naman siya pumasok dahil off naman ni Lucas sa araw na iyon at siya ang kailangan mag supervise sa kusina maghapon. Hindi pa nga sila bukas. May bitbit na Ipad ang babae at bakas sa mukha na may gustong gusto itong sabihin sa kaniya. Katunayan sinundan pa siya nito hanggang opisina nila.
"Hindi ka maniniwala sa nalaman ko, Alaina," bulalas ni Lilian.
"Ano?"
Inilahad ng babae ang Ipad sa kaniya. "Tinawagan ko talaga ang Adrian Rufino na sinabi ni Randall at sinabi niya sa akin kung sino siya. Pagkatapos ay sinearch ko sa google ang pangalan niya at tingnan mo ang daming artikulo na lumabas!"
Takang inabot niya ang Ipad at tiningnan ang screen. Umawang ang mga labi ni Alaina nang mabasa ang isang artikulo tungkol kay Randall Qasim, Vice President ng Qasim Oil Company, isa sa pinakamalaking Oil Empire hindi lamang sa Asya kung hindi sa buong mundo. Bilyon-bilyong dolyar ang katumbas na halaga ng kumpanyang iyon. At si Randall ang nag-iisang tagapagmana niyon.
"He really is a prince. Grabe! Kung talagang nagkakilala kayo noong mga bata pa kayo at na-in love sa isa't isa, parang fairy tale pala ang buhay mo, Alaina. At talagang hinanap ka niya sa loob ng walong taon bago ka niya nakita rito hindi ba?" bulalas na naman ni Lilian.
Walang maapuhap na salita si Alaina at napatitig sa isang larawan sa artikulo kung saan pinapakita si Randall sa isang formal event na pinuntahan diumano ng binata. His face is like mask; walang ekspresyon, unapproachable, inhuman and almost bored. Subalit kung tititigan ang mga mata nito ay may mababanaag na lumbay at pangungulila. Na para bang may hinahanap ito na wala sa lugar ng pagtitipon. Ganoon ba ang hitsura nito sa mga nakaraang taon?
May bumikig sa lalamunan ni Alaina at nag-init ang kaniyang mga mata. "He looks lonely in this picture," usal niya at bahagya pang hinaplos ng mga daliri ang larawan.
Natahimik si Lilian at naramdaman niya ang matamang pagtitig nito sa kaniya. Maya-maya ay maingat na nagsalita ang babae. "You really like him don't you? Kahit hindi mo siya natatandaan nahuhulog na ang loob mo sa foreigner na iyon, hindi ba?"
Nag-init ang mukha ni Alaina pero marahan namang tumango. "Kahapon, nang magkaroon ako ng pagkakataong makasama siya ng buong araw, I realized that I like him. Mukha lang siya nakakatakot pero mabait talaga siya at masarap kausap. And I know that he's sincere about me. And..." May humaplos na init sa puso niya nang maalala ang mga sinabi sa kaniya ni Randall. And he told me he loves me.
"May nangyari sa inyong dalawa nang sumama ka sa kaniya kahapon ano? Halata sa hitsura mo ngayong umaga. Blooming ka," komento ni Lilian.
Lalong tumindi ang pag-iinit ng mukha niya nang maalala ang halik na iginawad sa kaniya ni Randall kagabi. "Yes." Nag-angat siya ng tingin para sana sabihin kay Lilian ang tungkol doon pero lumampas ang tingin niya sa balikat ng kaibigan at napatingin sa nakabukas na pinto ng opisina nila. Namilog ang mga mata ni Alaina nang makitang nakatayo roon si Lucas. Bakas ang pagkamangha na may halong sakit sa mukha ng lalaki.
"Lucas," ani Alaina. Napasinghap si Lilian at lumingon din sa pinto.
Tumiim ang mga bagang ng lalaki at isinara ang pinto bago naglakad palapit sa kaniya. "Hindi kita nakita kahapon kaya naisip ko dumaan dito ngayong umaga para mag-almusal. Hindi mo sinabi sa akin na sumama ka sa lalaking iyon kahapon. Bakit?" sumbat nito.
Napangiwi si Alaina at sumulyap kay Lilian na mukhang hindi rin alam ang gagawin. Napabuntong hininga si Lucas. "Hindi niyo kailangan umakto ng ganiyan. Bago ako manligaw sa iyo, kaibigan mo ako, Alaina. Importante ka sa akin. At ikaw rin Lilian." Sumulyap pa ito sa babae bago namaywang at muling bumaling sa kaniya. "It hurts me na may itinatago kayo sa akin. Ako ang lalaki sa ating tatlo, ako ang may kakayahang protektahan kayo. Isa pa ay ibinilin ka rin sa akin ng papa mo Alaina. Kahit na sabihin mo sa akin na may mahal kang iba, masasaktan ako pero hindi ako gagawa ng kahit anong pipigil sa kaligayahan mo. All I ask is for you to be honest with me," frustrated na litanya ni Lucas.
BINABASA MO ANG
REMEMBER YESTERDAY
RomanceNa kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumik...