Part 43

9.6K 323 5
                                    

TAMA si Randall nang sabihin nito sa kaniyang magugustuhan niya ang Royal Resort. Nasa dulo ng isang bayan sa Luzon ang resort at tila isang tagong paraiso para kay Alaina. Sulit ang ilang oras nilang biyahe. Tahimik at hindi sobrang laki ng Royal Resort subalit napakaganda at rangya naman ng main building niyon. Pagdating pa nila ay sinalubong sila ng lahat ng staff na tila royalties talaga.

"Welcome back to Royal Resort, Mister Qasim. And welcome Miss Argel," bati ng tila binabaeng manager. Nagpasalamat si Alaina at matapos siya ngitian ay bumaling naman ang manager kay Randall. "Where do you want to go first? I will take you there."

Sumulyap sa kaniya si Randall at tila nais na siya ang magdesisyon. Hindi na kailangan magdalawang isip ni Alaina. Matamis siyang ngumiti. "The restaurant."

Ngumiti si Randall. "I know you would say that."

Napasinghap ang mga tao sa paligid nila kaya gulat na napatingin si Alaina sa mga ito. Halata ang pagkamangha sa mukha ng lahat ng staff at ng manager habang nakatunganga kay Randall. Na para bang noon lang nakakita ng lalaking nakangiti ang mga tao roon. Pagkatapos ay may narealize siya. Ang bati ng manager sa binata ay "welcome back". Ibig sabihin nanggaling na roon si Randall.

Manghang napatingala siya sa mukha ng lalaki. Don't tell me, hindi pa nila nakita ngumiti si Randall kahit isang beses lang nang manatili siya rito?

Takang umangat ang mga kilay ni Randall nang marahil ay mapansin ang pagkamangha sa mukha niya. "What is it?"

Napalunok si Alaina at bahagyang umiling. "Wala. Pumunta na tayo sa restaurant," aya na lang niya.

Mukhang noon natauhan ang manager at tumikhim. "Then follow me." Nagkatinginan sila ni Randall at parehong ngumiti bago sumunod sa manager.

"KINUHA mo talaga lahat ng pagkain sa buffet table," amused na komento ni Randall nang nakaupo na sila sa isang lamesa sa loob ng restaurant.

Nilunok muna ni Alaina ang pagkaing nasa bibig niya bago matamis na nginitian ang binata. "Gawa ng trabaho ko. Kapag nakakapunta ako sa isang restaurant sa unang pagkakataon gusto ko tikman lahat. Just in case may mapulot ako," sagot niya.

Umangat ang gilid ng mga labi ni Randall. "You really became a chef. I'm happy to see that you made your dreams come true."

Sumikdo ang puso ni Alaina sa malambot na ekspresyon na dumaan sa mga mata ng binata. Kahit din wala nang pagkain sa bibig niya ay parang may bumikig sa lalamunan niya. "Thank you," usal niya. Tumango si Randall. "Ikaw ba natupad mo ang pangarap mo? Iyon na ba ang trabaho mo ngayon?"

Nagkaroon ng pait ang ngiti ng binata at ibinaba ang tingin sa pagkain sa harap nito. "I don't have a dream like you do. My future was decided by my parents even before I was born. I didn't have the chance to dream for my own future." Nag-angat ng tingin si Randall sa mukha niya at nawala ang pait sa ngiti nito. "Don't look at me like that. It's not really a tragic thing. Gusto ko rin naman ang family business na nakatakda kong manahin sa papa ko. I enjoy the thrill of it."

"But? May naririnig akong 'but' sa boses mo," malumanay na sabi ni Alaina.

Sinalubong ni Randall ang tingin niya. "But in exchange of the wealth and power I was born with, I was trained to resist the human part of me. I was trained not to trust anyone, not to show my emotions, not to want things that are unnecessary to business. Dahil doon lumaki ako na minamaliit ang ibang tao. I acted like a bored king in front of other people. No one dared to get close to me and I didn't bother to get close to anyone." Naging malambot ang ngiti sa mga labi ng binata. "Until you."

Nagliparan ang mga paru-paro sa sikmura ni Alaina at bigla siyang nakaramdam ng hiya. "Ang tapang ko naman 'non para lapitan ka," pabirong usal na lang niya.

Lumawak ang ngiti ni Randall. "Not really. You were curious. Just like the present you. You never really changed yet you are different. I don't know how can that be possible but it's true," usal nito na may himig pa ng amazement sa tinig nang sabihin ang huling pangungusap.

Nag-init ang mukha niya pero hindi naman niya magawang ibaba ang tingin. Gustong gusto kasi niyang tinitingnan ang mukha ni Randall. She felt as if a hand sqeezed her heart. Hindi pa niya iyon nararamdaman kahit kailan. O marahil naramdaman na niya iyon noon at nakalimutan lang niya. That's too bad. A feeling like this must not be forgotten, nanghihinayang na naisip ni Alaina. Sumikip na naman ang puso niya at wala sa loob na napahawak siya sa kaniyang dibdib.

"Are you okay?" biglang tanong ni Randall. Napatingala siya at nakita niyang bumakas ang pag-aalala sa mukha nito.

Hinamig niya ang sarili at ngumiti. "Oo. Let's eat," ani Alaina na pinasigla ang tinig. Sumubo pa siya para ipakita na talagang okay siya. Pinakatitigan siya ni Randall pero hindi na nagpumilit pang magtanong.

"They have ice cream for dessert," sabi na lang ng binata.

Napangiti siya at nasabik. "I love ice cream."

Ngumiti si Randall. "I know."

May init na humaplos sa puso niya at naging malambot ang ngiti. Kung ganito ka-attentive si Randall, kung sa kabila ng minsan ay nakakatakot nitong aura ay palaging ganito ka-init ang pakitungo nito sa kaniya noon, hindi na nagtataka si Alaina na nahulog ang loob niya sa binata noon.

Dahil nararamdaman niya ang kasalukuyang siya na ganoon mismo ang unti-unting nararamdaman para kay Randall. Akala niya noong araw na sinabi nito sa kaniya na paiibigin siya nito ay makakaramdam siya ng pagrerebelde kapag nahulog ang loob niya sa binata. Subalit hindi iyon ang naramdaman ni Alaina. In fact she feels warm all over, as if she's bathing in the morning sun. Which is, by the way, her favorite feeling ever.

REMEMBER YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon