Part 28

8.7K 257 5
                                    

 

"ANG BILIS ng oras. Papalubog na ang araw," usal ni Alaina. Magkahawak kamay silang naglalakad ni Randall sa dalampasigan. Kanina pa sila umalis sa restaurant kung saan ibinahagi din nila sa ibang customer ang cake na binili nito para sa kaniya kasi masyadong malaki at hindi nila naubos nina Salem.

Nakarating sila sa dulong bahagi ng beach kung saan walang ibang tao kung hindi silang dalawa lang at si Salem na nakatayo ilang metro ang layo sa kanila. Mukhang nagdesisyon itong bigyan sila ng privacy matapos ang pamimilit niya rito na saluhan sila sa tanghalian.

"Yeah. Pero dahil linggo bukas puwede pa naman tayo magkita uli. I will just check in sa pinakamalapit na hotel," sagot ni Randall.

Nakangiting tiningala niya ang mukha nito. "Okay." Pagkatapos ay huminto sila sa paglalakad sa buhangin at tumitig sa papalubog na araw.

"You love watching the sunrise and the sunset huh," usal ni Randall.

Tumango si Alaina at humilig sa balikat nito. "Ang ganda, hindi ba?"

"Yeah."

Pagkatapos ay kumilos si Randall at pumuwesto sa likuran niya. Takang napasunod siya ng tingin dito. "Bakit?" takang tanong ni Alaina.

Ngumiti si Randall at napasinghap siya nang may dukutin ito sa bulsa nito at may ilagay itong kuwintas na may pendat na singsing sa leeg niya. "Your birthday gift. Iyang singsing sana ang ibibigay ko sa iyo. But I know it's too early for you to put a ring on your finger. So I just made it into a pendant."

Speechless na napahawak si Alaina sa singsing na may mga maliliit na diyamante sa paligid. May bumikig sa lalamunan niya sa saya. Pinihit siya paharap ni Randall. Pagkatapos ay nakangiting ipinakita nito sa kaniya ang kuwintas na suot din nito. "I have the partner ring here with me too." Nakita niya ang singsing na kapares nga ng singsing na nasa kuwintas niya.

She was overwhelmed with love for Randall that she tip-toed and kissed his lips. Halatang nagulat ang binata ngunit sandali lang ay napangiti na rin ito at gumanti ng halik. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay buong pagmamahal siyang tinitigan ni Randall. "Bukas ng gabi, kakailanganin ko na naman umalis. Hindi na naman tayo magkikita. At kapag natuloy ang plano na mag-kolehiyo ako sa amerika, mas lalo tayong mahihirapan magkaroon ng pagkakataong magkasama. At dahil gusto ko ring matupad mo ang mga pangarap mo, I will not ask you to give up everything and come with me because I want you to be your own person. But promise me we'll keep in touch. I will wait for you. No matter how many years it takes. So wait for me, okay?"

Nag-init ang mga mata niya. "I promise." Pagkatapos ay marahang hinalikan ni Alaina ang mga labi ni Randall at matamis na ngumiti.

Gumanti ito ng ngiti at sandaling nagkatitigan lang sila bago muling nagsalita ang binata. "We should go back to the apartment now. Malapit na gumabi."

Tumango siya at ngumiti. Siya na ang kusang gumagap sa kamay ng binata at akmang maglalakad na palayo sa dalampasigan nang marinig nila ang malakas na pagsigaw ni Salem mula sa di kalayuan. Gulat na napalingon sila ni Randall. Namilog ang mga mata ni Alaina nang makitang napapalibutan ng limang malalaking lalaki si Salem. Humigpit ang hawak ni Randall sa kamay niya at marahas na napamura. "Let's run. Salem will be okay," usal nito. Hindi siya nagdalawang isip na tumalima.

Tumakbo sila ni Randall subalit hindi pa sila nakakalayo ay bigla na lang nagsulputan ang lima pang lalaki mula sa kung saan. Dalawa roon ay namukhaan ni Alaina na ang mga lalaking nakita niya kanina sa Miracle Garden. Sumikdo sa kaba at takot ang puso niya at napakapit sa braso ni Randall.

"Randall Qasim, you are going to bring us lots of money," matigas at halos barok na sabi ng isang lalaki.

Tumiim ang mga bagang ni Randall. "Who are you?"

Nagtawanan ang mga lalaki at himbis na sumagot ay biglang hinablot ng isang lalaki ang braso ni Alaina habang ang dalawang lalaki naman ay hinawakan si Randall. Nagpanic siya at napatili habang ang binata naman ay nagmura at nagsimulang manlaban. "Quiet!" asik ng lalaking tumawag sa pangalan ni Randall kanina at malakas na sinampal siya. Mas masakit iyon kaysa sa sampal ni Diana Medici at nahilo siya sa tindi ng impact niyon. Muntik pa siyang matumba kung hindi lamang sa masakit na pagkakahawak ng isang lalaki sa kaniya. She felt as if she's about to lose consciousness.

"Don't touch her!" sa aandap-andap na diwa niya ay narinig niyang sigaw ni Randall. Pagkatapos ay narinig niya ang igik ng binata at tunog ng mga suntok. Sumikip ang puso niya at nais niyang humiyaw upang huwag nilang saktan si Randall. Subalit hindi na niya iyon nagawa dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay.

REMEMBER YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon