Umawang ang mga labi ni Alaina at mariing pinagalitan ang sarili sa isip nang sumikdo ang puso niya sa sinabi ni Randall. Nakaka-overwhelm ang intesidad ng titig at tinig ng binata – iyon ang dinadahilan niya kung bakit parang may nagliparang mga paru-paro sa sikmura niya. Tumikhim siya upang hamigin ang sarili. "Kung sa tingin mo madadala ako ng mga sinasabi mo, nagkakamali ka. Hindi ka puwedeng bigla na lang sumulpot sa buhay ko, sabihin na magkakilala tayo noon, at na gusto mo ako. Wala tayo sa pelikula, nasa tunay na buhay tayo. I will not just accept you with open arms even though I can't remember you just because you said you were looking for me all these years."
Alam ni Alaina na harsh ang sinasabi niya, pero wala siyang ibang maisip na paraan para linawin ang sitwasyon kay Randall. Isa pa, hangga't hindi niya nakakausap ang papa niya, hindi siya maniniwala sa lalaking ito na nagsinungaling sa kaniya ang tatay niya all these years. Dahil ayaw pa niyang harapin ang maaari niyang maramdaman kung maniniwala siyang hindi totoong walang nangyaring makabuluhan sa kaniya sa mga buwang nabura sa alaala niya.
Sumandal ang binata sa backrest ng silya nito na tila ba pag-aari nito ang buong lugar na iyon at ito ang hari. Pero ang ekspresyon sa mga mata ni Randall ay malambot. In fact, it was affectionate that it softened her heart a little. Kaunting-kaunti lang. Dahil may sumilay na confident na ngiti sa mga labi ni Randall na medyo nagpaningkit sa mga mata ni Alaina.
"I know that. Pero may naisip na akong solusyon," sabi pa nito.
"Anong solusyon?" dudang tanong niya.
Sinalubong ng binata ng tingin ang mga mata niya. "Hindi mo ako natatandaan? Fine. I'll just make you fall in love with me again."
Napakurap si Alaina at umawang ang mga labi. Ilang segundo ang lumipas bago siya nakabawi at pagak na tumawa. "Wow. Tiwala ka talaga na ma-i-in love ako sa iyo? How come?"
Muli umangat ang gilid ng mga labi ni Randall at puno ng kompiyansang pinag-krus ang mga braso sa dibdib. Lalong humakab sa malapad at matikas nitong dibdib ang t-shirt nito. Maging ang muscles sa biceps nito na hindi sobrang maumbok pero parang masarap kapitan ay lumitaw. Bagay na bagay ang magandang pangangatawan ng lalaki sa guwapong mukha nito. Eye Candy, sabi nga ni Lilian.
"I think you know the answer to your question," sabi ni Randall sa tinig na medyo amused.
Umangat tuloy sa mukha nito ang tingin ni Alaina na hindi niya namalayang bumaba pala sa dibdib nito. Kumikislap sa katuwaan ang mga mata ng binata na para bang hindi nakaligtas dito ang pagtitig niya sa katawan nito. Nag-init ang mukha niya at napatayo. Kalmadong sumunod lang ang tingin ni Randall sa pagkilos niya. Tumiim ang mga labi ni Alaina at itinaas ang noo. "I'm not going to be easy," pinayabang pa niya ang boses para makabawi sa pagkapahiya.
Bahagyang lumawak ang ngiti ni Randall. Hindi na lang niya pinansin ang katotohanang may ika-kagandang lalaki pa pala ito kapag nakangiti. "You don't have to worry. I love the thrill of a challenge."
"It's no longer thrilling when you failed." Pagkatapos ay tumalikod na siya dahil sigurado siya na may isasagot pa si Randall at ayaw niyang ang binata ang magkaroon ng huling salita sa kanila. Bago siya tuluyang makalayo ay may palagay pa si Alaina na narinig niya ang mahinang tawa nito pero hindi niya tinangkang lumingon. Kahit pa sa tagong bahagi ng pagkatao niya ay gusto niyang makita kung ano ang hitsura ni Randall kapag tumatawa.
"MASTER Randall, your mask is breaking," tahimik na komento ni Salem.
Napahinto sa mahinang pagtawa si Randall at agad na itinakip ang kamao sa bibig niya. Subalit hindi pa rin niya mapigilan ang pag-angat ng gilid ng mga labi. Walong taon. Ganoon na katagal mula nang tumawa siya. At parehong babae lamang ang nakagawa niyon. No, pareho pero iba. Ang babaeng kilala niya noon ay sweet, malambing, dreamy at nakakaaliw tingnan kapag nagkukuwento ng kung anu-ano. But the woman who walked out on him is different; she's fiery and sassy. Ang mainit at matamis na ngiti lamang ng babae ang hindi naiba. Not that the present Alaina has smiled at him that way since he saw her again. Subalit ipinapangako ni Randall sa sarili na ngingiti uli sa kaniya ng ganoon ang dalaga.
BINABASA MO ANG
REMEMBER YESTERDAY
RomanceNa kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumik...