Part 41

10K 353 8
                                    

Sandaling nag-alangan si Alaina. Pero nang mapatingin naman siya sa mukha ni Randall ay parang may sariling isip na kusang kumilos ang katawan niya at umupo sa silyang hinatak nito. Inilapag niya ang tray at percolator sa lamesa. Napasulyap siya sa laptop bago muling inangat ang tingin sa mukha ni Randall. "Naka-leave ka ba sa trabaho kaya malaya ka nakakatambay sa restaurant namin maghapon?"

"You can say that," sabi ni Randall. Bumaba ang tingin nito sa tasa ng kape bago muling tumingin sa kaniya. "Puwede bang ikaw ang maglagay ng asukal at cream sa kape ko?"

Umangat ang isang kilay ni Alaina pero tumalima naman. Hindi niya alam kung anong klase ng timpla ang gusto nito kaya ang sukat na palagi na lang niya ginagawa sa sarili niyang kape ang inilagay niya. Pagkatapos iyong haluin ay bahagya pa niyang itinulak palapit sa binata ang tasa ng kape. "O, ayan na."

Kinuha ni Randall ang tasa at sumimsim ng kape. Matagal na niyang napansin na kahit ang pag-inom ng kape ng binata ay graceful at may finesse, hindi tulad ng normal na mga tao. Namilog ang mga mata ni Alaina at napatitig na naman kay Randall nang lumambot ang ekspresyon sa mukha nito pagkatapos humigop ng kape. May kumislap na nostalgia sa mga mata nito at tumingin sa kaniya.

"B-bakit?" tanong niya.

"Hindi nagbago ang lasa ng kape na timpla mo," sagot ni Randall.

Natigilan siya at parang may kumukutkot na udyok ng kuryosidad sa dibdib niya. Hindi siya nakatiis at ibinuka ang mga labi. "Pinagtitimpla kita ng kape noon?" alanganing tanong ni Alaina.

Naging intense ang titig ni Randall sa kaniya. "Everyday." A shiver run down her spine because of the way he said that word. Katulad noong nag-iisang pangungusap na isinulat nito sa card ay malaman ang salitang iyon. Mahabang sandali na magkalapat lamang ang kanilang mga paningin bago si Randall ang unang nagbawi at muling humigop ng kape.

"Don't you have a day off?" tanong uli ng binata nang ilapag nito ang tasa ng kape sa lamesa.

Nabigla siya sa biglang pagbabago nito sa usapan pero hindi iyon pinahalata ni Alaina. "Meron naman. Palitan kami ni Lucas ng off tuwing weekend. Sabado ako habang siya ay linggo."

Natigilan si Randall. "Lucas? Who is that?"

"Siya ang partner ko sa restaurant na ito at katulad ko ay chef dito. Palaging may naiiwang isa sa amin sa kusina para mag supervise at magluto," paliwanag ni Alaina.

"Then you are free this Saturday. Let's go out that day. I want to take you somewhere. I'm sure you will like it there," baling ni Randall sa kaniya.

Umawang ang mga labi niya. "Inaasahan mo ba na basta lang ako papayag?"

Sumeryoso ang ekspresyon sa mukha ng binata. "Alaina."

Tila hinalukay ang sikmura niya sa paraan ng pag-usal nito sa pangalan niya. Somewhere at the very dark part of her mind, something is telling her that there is some deeper meaning behind the way he calls her name. Subalit katulad nang iba pang tungkol kay Randall, kahit anong gawin niya ay hindi niya mabigyang linaw ang tungkol doon. Itinuon na lang niya ang tingin sa binata na bahagyang lumambot na ang eskpresyon sa mga mata kahit seryoso pa rin ang mukha.

"Falling in love doesn't mean that only one person should make an effort. Sa iyo ko natutunan iyon kahit malamang hindi ka aware noon na may naituro ka sa akin. But I changed because you were there. So now you must get to know me and I want to get to know you. Ang ikaw nang kasalukuyan at hindi ang Alaina na kilala ko noon. I am prepared to start from step one. Iyon ang ginagawa ko ngayon. So don't be stubborn and open your heart a little for me. Could you do that?" malumanay at hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya na litanya ni Randall.

REMEMBER YESTERDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon